Past nine o'clock in the evening ng matapos si Borj sa pag-iikot sa village, at ng masigurong wala namang kahina hinala sa paligid he decided na umuwi na. Ngunit ng mapadaan Siya sa may park, he noticed a familiar silhouette of a woman. nilapitan niya ito and he's right. Ang babae ay wala iba kundi si...
"Roni?" sambit ng binata
"Gabi na ha, ano pang ginagawa mo rito sa labas ng mag-isa?" tanong niya rito.Hindi agad sumagot si Roni at saglit na tumalikod sa binata, habang pasimpleng pinahid ang mga luha sa kanyang mukha.
"Wala nagpapahangin lang." sagot ng dalaga ng humarap na ito. "Ikaw? Bakit nasa labas ka pa? Iniikot mo na naman siguro ang buong village noh?" dagdag nito. tumango Naman si Borj bilang sagot.
Naupo si Borj sa may damuhan at sinenyasan ang dalaga na maupo rin. "Natapos na yung hawak naming case kaya ito may free time na ulit ako mag ikot."
"Pinaninindigan mo talaga Yung motto mo na Peace and Order ha" pagbibiro ni Roni, ngunit nagulat ang dalaga sa sumunod na tanong ng kababata sa kanya.
"Kamusta Ka?"
"Ha?"
"Ang sabi ko kamusta ka?" ulit ni Borj.
"O-okay lang. Okay lang ako, bakit mo naman naitanong? Wala Naman dahilan para hindi ako maging okay di ba?" Pautal-utal na sagot ng dalaga. "Ikaw nga ang dapat na kinakamusta, Bihira ka na namin makita this past few days dahil naging busy ka sa work mo."
"Ako?" Panandaliang nagisip si Borj Bago sumagot "Hindi ako okay."
"Bakit naman?"
"Hindi ako okay kasi alam kong hindi ka okay Roni." Sagot ni Borj habang nakatitig sa dalaga.
Nagmamaneho si Yuan pauwi sa kanilang Bahay ng matanaw niya ang kaniyang magulang, agad niyang inihinto ang kotse sa tabi at bumaba.
"Ma, dad anong ginagawa niyo Dito sa labas?" Tanong niya sa mga ito.
"Yuan! Naku mabuti nalang at nakasalubong ka namin." Sambit ng kaniyang mommy. "Ito kasing nanay mo hindi mapakali,nagpaalam lang Yung Kapatid mo na maglalakad lakad, Ayan gusto ng hanapin agad." Sagot Naman ng daddy ni Yuan.
"Oh eh maglalakad-lakad lang naman pala eh, naku mommy huwag niyong masiyadong isipin si Roni for sure nagpapahangin lang yun kung hindi sa club house malamang na nasa park yun." Ang sabi ni Yuan ngunit hindi parin mapakali si Marite kaya inaya niya ang kaniyang mag ama sa park to make sure na naroon nga ang kaniyang anak na babae.
Nagpatuloy sila sa paglalakad patungo sa park Hanggang matanaw nila ang dalawang pigura ng tao, at ng makasiguro si Yuan na sila Roni at Borj nga ang mga ito akmang lalapit na sana siya ng bigla siyang hilain ng kaniyang daddy.
"Dad bakit? Ayun na si Roni oh-"
"Shhhh." Sinesenyasan siya ng daddy niya na tumahimik.
"Bakit naman?"
"Hindi ako okay kasi alam kong hindi ka okay Roni"
Nang marinig ni Yuan ang usapan ng dalawa ay nagtago na rin siya sa puno kung nasaan ang kaniyang mga magulang. Ang totoo nito ay ilang Araw na nilang napapansin na tila ba may dinaramdam ang Kapatid, ngunit Hindi Naman ito nagsasabi sa kanila.
"Anong ibig mong sabihin Borj? Bakit naman hindi ako magiging okay?" Pagtatanggi ni Roni.
"Ms. Ronalisa Salcedo naging busy lang ako sa work, hindi ako nagka-amnesia. We have known each other since you're four? Kaya kilala kita. Pati yang kunot ng noo mo kabisado ko." Sagot ni Borj "so Anong problema?" Dagdag nito.
YOU ARE READING
Borj and Roni
FanfictionBorj and Roni's AU 'Cause deep inside my heart I knew that it was love. - Love by Mofatts I want to give justice to Borj's character so ... This is purely fanfiction and for entertainment purposes only.