CHAPTER 25
HINDI ko alam kung anong gagaawin ko. Natataranta na ako. Paano ko matatago ang anak ko kung nakatingin siya sa'min. Naging blanko na ang isip ko at nagsimula namang bumalik sa'kin ang lahat na nangyari.
He shouldn't know about my daughter. Dahil kapag nakita niya ito ng malapitan maguguho na ang mundo ko. Three years kong tinago ang anak tapos ganon lang kadali ang lahat para malaman niya?
Hindi pwede. Naalala mo uli nung muntik na akong makunan akala ko talaga mawawala din siya sa'kin. Paano siya nakasurvive sa tatlong taong nakalipas na parang wala lang nangyari. Na para bang hindi siya nagsisi sa ginawa nilang pagtaksil sa'kin.
Paano niya na gagawa 'yon? Habang ako ay nahihirapan sa bawat paglipas ng araw tapos kung tignan ko siya ngayon para wala lang. Nakalimutan kong playboy pala siya, alam kong wala na siyang makialam kong may masaktan man siya ng iba.
Sa una palang dapat iniiwasan ko na siya. Pero masyado akong napabulang sa pagmamahal sa'kanya kahit na hanggang ngayon ay hindi ko parin siya kayang kalimutan. Ayaw ko namang maging sinungaling sa sarili, para lang ipakitang naka-move on na ako. Na hindi na ako naeepektohan. Pero ngayon, hindi man mawala ang pagmamahal ko sa'kanya pero hindi ko ata kaya siyang patawarin pa.
"Hali kana na baby..." yaya ko anak. "Let's sleep na. It's already twelve."
Baka makita ka pa ng ama mo.
Ngumuso ang anak ko habang naglalaro parin sa buhangin. Umiling siya. "But I want to play more."
Pinilit kong kinalma ang sarili lalo pa't ramdam ko ang masamang tingin niya sa deriksyon namin. Parang mamawalan ako ata ng hininga dahil sa matalim na tingin niya dito.
"Hala kana baby. Namumula na yang pisngi mo. You know naman diba kung anong pwedeng mangyari kapag naka-sunburn ka." mahinahon kong saad.
Alam ko kung ano ang pinaka-ayaw ng anak ko ay madumihan or may kung anong mangyari sa mukha niya. Hindi ko naman siya tinakot na makasunburn siya pero kailangan ko talaga itong sabihin sa'kanya. Ito nalang ang paraan ko para makaalis kami dito.
Dahil sa bawat minuto lumilipas baka kapag hindi kami makaalis dito baka hindi ko nalang namalayan na nandito na pala siya sa harap namin. At ayaw kong mangyari 'yon.
Bago ko makarga ang anak ko ay kusa siya tumayo at tumakbo sa ibang deriksyon.
"Papa!"
Agad din siyang binuhat ni Vincent at doon sumiksik sa leeg ni Vincent. Na galit pa ata sa'kin. May anong binulong ang anak na kinatawa ni Vincent. Nakita ko ang pag-ngumuso ng anak pero lumiwanang naman ang mukha ng anak ko nang may kung anong binulong si Vincent dito.
Nanghihina akong tumayo at lumapit sa deriksyon niya habang pinipigilan ang sariling lumingon sa deriksyon niya.
"Saan ang kwarto ninyo?" Tanong niya nang nakalapit na ako sa'kanya.
Umiling lang ako. "Ako nalang bahala Vincent. Magbihis ka muna. Baby, dito ka muna kay Mommy." pero umiling lang siya habang nakasiksik sa leeg ni Vincent.
Mahinang tumawa si Vincent. Nagtampo nga. "Tinakot mo e. Matutulog na ata, anong number ng kwarto niyo?"
"204." sagot ko at hindi ko mapigilan ang sariling tumangin sa deriksyon niya. Kumunot naman ang noo ng makita kong wala na siya duon.
Umalis na siya? O baka naman imahinasyon ko lang 'yon kanina? Pero parang totoo yung nakita at hindi ako pwedeng magkamali. Alam kong maraming nagbago sa'kanya pero imposible namang imahinasyon ko lang 'yon.
Umiling ako. Ano bang pakialaman ko sa'kanya? Kung hindi totoo ang nakita ko kanina edi mabuti. Dahil ayaw ko rin naman siyang makita at ayaw ko ring malaman niyang may anak siya. Wala siyang karapatan para makilala ang anak ko! Marami naman siyang babae baka nga may anak narin siya. At baka nga nagbunga din ang nangyari sa'kanila ni Kathrine. And I don't care! Basta wag na wag lang siyang magpapakita sa'kin! And he doesn't even deserve to be a father to my daughter.
![](https://img.wattpad.com/cover/256492548-288-k352686.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving the Playboy (Montenegro Series # 1)
RomanceClark Kenneth 'The Playboy' Montenegro meet a girl named Ellise Jean Zamora who is secretly in love with him. They become bestfriend since they were kids until Ellise confess his feelings to Clark. But after that day Ellise just suddenly leave while...