04

1 0 0
                                    

6: 38 AM

Elite: Good morning, mi amore. How's your sleep? How's my girl? I hope you're fine, don't stress mmkey? Rest ka rin minsan. Paggising mo eat your breakfast and good luck for today. I miss you, naging busy na busy ako since patapos na sa school year. I'll make it up to you when things are smooth. I have my 7 am class, See you!

10: 09 AM

You: Good morning hun, have a great day ahead, and good luck din. Take care and stay safe always. Thank you for the reminders. Do your best today and huwag din pastress. I'll wait for you when you're free, I understand naman. I miss you too!


Spell ginalingan. G-E-M. Masyado na naming ginalingan ang pag in-character sa play or game na 'to. It's been a week now, sobrang comfortable na naming dalawa ni Elite na halos pag tinitignan mo ang chats namin ay parang true na mag-jowa kami. At dahil lagi kong kausap ang pinsan niya ay mas lalo ko siyang nakilala, isama mo na rin ang nagdaang activity sa group. So far wala pa namang natatanggal sa amin. Haha! Sino kaya ang mauna? God bless nalang sa mafafall.


So our previous activity was quite simple. Since magbibigay lang naman ang magpartner sa isa't isa ng five facts about each other. Hinintay ko pa maging libre si Elite para magawa namin 'yung activity kasi busy nga siya at halos sa gabi lang kami naguusap ng tuloy tuloy. Doon ko rin na confirm ang ilang mga nachika sa akin ni Chess. Na ang daming baon lagi na chika para sa akin jusko.

You:

Facts about Gem

1) I have curly hair.

2) I don't know how to ride a bike.

3) I like any shades of green.

4) My favorite flowers are sunflowers.

5) I love writing and reading.


Elite:

Facts about Elite

1) I only have 1 ex.

2) I like spicy foods.

3) I love traveling.

4) I have a huge family.

5) I can drive.


You: Gusto mo dagdagan natin ang ex mo?


Pabiro kong sabi sa kaniya, syempre hindi siya magpapatalo kaya pumatol rin. But as we talk, napagusapan din namin 'yung mga sinabi sa akin ni Chess. Since open naman ako sakaniya sa mga pinagsasabi ni chess tungkol sa kaniya sa akin. He confirmed naman din. I found out kasi from chess na, may isang naging ex 'tong si Elite at isang nililigawan dati na hindi natuloy. 'yung naging first girlfriend niya at first ex na rin ay pinagpalit siya sa kaibigan nito. Nag-cheat sakaniya kumbaga. While he was away dahil may pinagawa ang dad niya sakaniya ay doon na nangyari. Nalaman nalang niya ng may nagsumbong din na isang kaibigan sa kanila. Hindi rin naman nag-deny ang babae, at sinisi pa ito sakaniya dahil daw wala itong time at lagi itong busy. Doon naman sa niligawan niya a year after nong nag-cheat sakaniya, iniwan din siya bigla nong kasagsagan ng exam nila dahil sa same reason nong una, hindi nagparamdam.


Siguro love language nila ang quality time talaga. But do they have to cheat and ghost him? Hindi ba pwedeng magleave ng message or makipagusap ng maayos man lang? I really questioned bakit ganon. Hindi sila satisified sa binibigay nito, and I respect that, ang hindi ko lang matanggap is the way na pagend nila sa connection nila.


I assessed myself while we were talking.

Ayoko ba ng ganito? Hindi naman.

I respect his time lalo na I know he has his priorities in school, church, family, and himself. Hindi naman sa akin umiikot ang mundo niya. Also I'm good sa lagi niyang update sa akin at bumabawi naman siya if nagiging free na siya. He makes sure na I am well-assured. Why the heck am I even thinking about this? We're not even a real couple. Stupid.


"Sino kaba ha? Alam ko ang katawan ko, kaya huwag mo akong pangaralan!"

"Ang sabi ko lang naman, hindi ka pwede d'yan masyado kanang maraming nakain na matatamis ngayong araw."

"Alam ko ang katawan ko kaya pwede ba?"


I was busy writing on my journal when I heard shouts and screams outside my room. Mabilis akong tumayo at tinignan kung sino nanaman ba ang nagaaway sa pamilya namin. Yes, hindi na bago sa akin 'yon. Nang lumabas ako at bumaba ay nakikita ko ng nagsisigawan sina Mama't papa. Nagaaway nanaman sila sa mga maliliit na bagay. Lalo na si mama na laging inuunder si papa, eh itong si papa naman kinukunsinti at hinahayaan lang si mama.

I just wondered, does love really hit you hard?


After a few minutes, my sister came and talked to them. While ako sa nakagaulian ay bumalik sa kwarto ko. Kasi kapag nakisali pa ako, ako pa mapapagalitan at malilipat pa sa akin ang sala. I really don't have a voice inside our house dahil either magiging bastos ako or they would not include me since "bata" pa raw ako for things like that.


I always keep my mouth shut, dahil ayoko makipagtalo sa kanila. Kasi one time I tried explaining and defending myself. Ako pa rin ang mali kahit ang ayos ayos ko. Pero if sila? It doesn't matter if I get hurt or got offended on what they've said kasi nagsasabi lang naman daw sila ng totoo and even quoted that, 'Truth hurts.' Mas mabuti pa raw na sakanila manggaling kesa sa ibang tao. Just like what happened the next day.


"Tumataba kana Gem. Puyat kasi ng puyat tapos kain ng kain."

"Huwag ka nga kain ng kain, para kang napapabayaan sa kusina e."

"Nakikita ko na double chin mo."


Hays.


9:17 PM

Elite: Have you eaten?

You: Konti lang. Diet ako e.

Elite: Why?

You: Eh kasi tumataba na ako e.

Elite: What's the problem with that? Kain ka pa, dapat hindi ka nagugutom.

You: Eh ayoko nga, sabi ng family ko tumataba na raw ako at pangit daw tignan.

Elite: You're beautiful, kahit ano man ang body size mo. Don't listen to them. I know why you resort to eating a lot. Dahil you're stressed from school too, kasi graduating kana, and it's normal. Kumain ka lang sa gusto mo if that makes you happy. Huwag mo hahayaang idown mo ang sarili mo dahil lang sa sinasabi nila sayo. Beauty is confidence darling.

Napangiti ako sa reply niya. I didn't know may ganto pa na lalaki sa mundo. He's sweet. I immedietly typed a response for him.

You: Tanggap mo pa rin ba ako kahit tumataba na ako?

I giggled as I typed and hit send. It was just a joke lang naman but I was taken aback ng mabasa ko ang reply niya sa message ko.


Elite: Anong klaseng tanong 'yan? Ofcourse. Tanggap kita sa ikaw, nothing could change that. You're special and rare, Gem. I could not ask for more.








μαζί σου, αιώνια.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 11 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Time (The Falling game #1)Where stories live. Discover now