“Mahal kong Hari! Ano ba ang dapat kong gawin para mahalin mo ako?!” Puno nang hinanakit na sigaw niya sa Hari na kaniyang asawa din.
Hindi siya nito sinagot kaya't muli niya itong tinawag.
“Mahal na Hari! Sagutin mo ako!” sabay Hawak niya sa braso nito.
Isang galit na tingin ang binigay sa kaniya ng hari bago siya nito tinulak papalayo sa kaniya.
“mamahalin lang kita kung ikaw si Alexa” Malamig na sagot ng hari at muli siyang tinalikuran.
Hindi pa man nakakalayo ay muli niyang tinawag ang hari.
“Kieros, Bakit... Nangako ka sakin, Anong nangyari? Pinili mo akong maging ina nang Kahariang ito, Ginawa ko ang lahat para sa iyo. Ano ang ginawa ko para tratuhin niyo ako ng ganito?!” Sigaw niya at tumayo. Nakakuyom ang kamao at galit na nakayuko.
“Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para tumingin kayo sakin, para tumingin ka din sakin. Nandito pa ako Kieros! Bakit sa kaniya ka nakatingin?! Ako ang nauna dapat ako ang huli! Ako lang! Hindi siya o ang batang nasa sinapupunan niya! Ako! Ako! Ako dapat ang nasa tabi mo!” (kami dapat Kieros, kami ng magiging anak natin)
“Walang patutunguhan ang pag uusap na ito Da—”
“Sana mamatay ang batang nasa sinapupunan niya” Bulong niya na dinig na dinig pa din ng hari.
“Dahlia!”
Hindi niya ito pinansin at umalis na sa lugar na iyon upang bumalik sa palasyo niya.
—
“Kieros! Hindi ako iyon! Galit man ako sa kaniya ay hindi ko magagawang lasunin siya!” Paliwanag niya sa Hari habang nakaluhod sa harapan nito.
“Sa Labi mo mismo nanggaling na gusto mong patayin ang magiging anak namin, Dahlia”
“Pero alam mong hindi ko magagawa iyon” Muli ay hindi nanaman siya pinakinggan ng hari.
Hinarap ng hari ang mga kawal at sinenyasan ang mga ito na kunin ang Kawawang Reyna nila.
“Dahil sa pag lason at pagtangkang pagpatay ng Reyna sa Royal Concubine at sa batang nasa sinapupunan nito siya’y hahatulan nang panghabang buhay na pagkabilango sa Norte”
Nawalan ng pag-asa ang mga mata ni Dahlia sa Narinig. (hindi...) Alam na alam niya sa sarili kung anong madadatnan niya doon. Isang malamig na Lugar at... Kamatayan ang naghihintay sa kaniya.
“Dalhin na ang Reyna” Walang lakas na nagpadala siya sa hila ng mga kawal. Isang butil ng luha ang tumulo mula sa mata niya at muling sinulyapan ang haring walang emosyong nakatingin sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Empress is a Villainess
FantasyI woke up in a different body, in a different time and in a different place. Where the hell am I?!. Who are this people?!. The made called me Empress. Who? She then stated my whole name. Dalhia Fordafia, my face went pale. Did I became The Villaino...