CHAPTER 2

14 3 1
                                    



Nangmagising ako kinaumagahan ay napahiwod ako ng katawan.


“Hng~!” Napasarap ata ang tulog ko dahil sa lambot ng kama ko.


“Magandang umaga mahal na Reyna” bati sa akin ng isang maid.


“Magandang umaga din” Pabalik na bati ko sa kaniya.


Teka...mahal na Reyna? maid?!


Mabilis akong napamulat at nanlaki ang mga matang nilibot ang tingin sa buong kwarto.


What the h*ck! Na saan ako?!


Napatayo ako mula sa pagkaupo at tumakbo sa pinakagilid ng kama ko.


“S-sino kayo?! Na saan ako?!” Naguguluhang sigaw ko.


“Ayos lang ba ang kalagayan mo, Reyna Dahlia?”


Reyna Dahlia?


Nasa matinong pagiisip ako pero parang unti-unti na akong nababaliw sa nangyayari.


“S-sino? Reyna ano?”


Taka itong tumingin sakin.


“Ikaw po, Si Reyna Dahlia Fordafia Del Harona, ang unang asawa ni Haring Kieros” Pag sagot niya sa tanong ko.


Napasapo ako ng ulo at pagod na napaupo sa kama.


Processing everything that is happening.


Natulog ako kagabi matapos ang maliit na usapan namin ng Author ng storyang ito. At pagkagising ko ay isa na ako sa tauhan ng kwento at si Dahlia pa.


Eto ba ang ibig niyang sabihin sa baguhin ko ang kapalaran ni Dahlia? Hindi sa pagsulat ng kwento kundi ang maging si Dahlia mismo?.


Ano na ngayun ang gagawin ko? Teka saang parte na ba ako ng kwento?.


“Anong Petsa na ngayun?” tanong ko sa maid na nag-aalalang nakatingin sa akin.


“ika lawang araw ng Enero sa Taong Isang daan at dalawangput pito” napatulala ako.


Kagabi mismo nangyari ang pagkalason kay Alexa!. At ang araw ngayun ay ang araw kung kelan dinampot si Dahlia para dalhin sa harap ng hari at hatulan.


Bakit dito?! Bakit di sa oras kung saan una silang nagkakilala ni Kieros?!. Mas maiiwasan ko ang kapalaran ni Dahlia if nag simula doon mismo!.


“Anong Oras na?”


“Alas nuwebe po ng umaga”


What the f*ck...


Isang katok ang umistorbo sa pagisip ko.


Sinensyasan ko ang Maid na buksan at kilalanin ang Nasa Labas. At nang bumalik siya ay maputla ang mukha nito.


“M-mahal na Reyna, pinapatawag ka po ng Hari sa kaniyang Palasyo”


Eto na ba? Magsisimula na ba?.


Malalim akong napabutong hininga at tinanguan siya.


“sabihin mo muna sa kanila na mag aayos lang ako pag katapos mong gawin iyon ay ihanda mo ang papaliguan ko” Agad niya namang sinunod ang utos ko.


Habang ginagawa niya ang inutos ko ay hinanda ko ang plano ko.


Hindi ko alam kung anong kahihitnan ko ngayun. Kung maging successful man ang deal ay mapapatunayan na Hindi ako ang nag lason sa kaniya. Kung hindi man at itatapon pa din nila ako sa Norte ay tatakas ako doon.


Ginulo ko ang buhok ko dahil sa inis. Unang-una sa umaga ito na agad ang nangyari. Isang problema agad ang sumalubong sa akin.


“Mahal na Reyna, Handa na po ang paliguan niyo” biglang sulpot ng maid.


Tinanguan ko siya at dali-daling pumasok sa banyo.


Gusto ko pa sanang i-enjoy ang pagligo ko kaso may kailangan pa akong gawin kaya matapos akong maligo ay tumakas agad ako.


“Reyna, Saan po dito ang susuotin niyo?” Tanong sakin ng isang maid.


Nanlaki ang mata ko nang makita ang mga damit na hinanda nila. Pinili ko yung pinaka simple kasi yung iba parang binuhusan ng dyamante sa kintab.


Pulang off shoulder gown na may Black Lining ang pinili ko. Pinapili din nila ako ng sapatos at jeweleries syempre pinares ko din sa damit ko para magandang tignan.


Matapos nilang ayusin ang buhok ko at lagyan ako ng kolorete sa mukha ay tumingin ako sa salamit.


A goddess said Good morning to me.


Holy f- si Dahlia to? Ibang iba sa naimagine ko. Parang isang charater straight from fantasy world—right nasa nobela ako. Pero shuts, mahaba ang pilik-mata niya at matangos ang ilong, Plumpy din ang bibig niya. Ang buhok niya, tila isang dyamante kung matamaan ng sinag ng araw.


Napaka-ganda niya. Exaggerating man pero mukhang isang Goddess talaga siya.


“Mahal na Reyna” Tawag sakin ng Maid dahilan para matigil ako sa pagkamangha sa mukha ni Dahlia.


“Tara na” utos ko at lumabas sa kwarto.


Pagkalabas ko ay nakita ko ang isang kawal na nag-iintay sa labas.


Yumukod ito at binati ako bilang pag-galang. Tinanguan ko siya at naglakad kasama siya.


Tahimik akong naglakad palabas ng Palasyo ng Reyna. At paglabas namin ay hindi makapaniwalang napatingin ako sa kawal na kasama ko.


Isang kawal ay okay na sana pero bakit ang dami naman ata nang pinadala niya. Isang dosena ba talaga dapat?! Anong akala niya tatakbo ako?!.


Nag-iinit ang ulo ko dahil sa hari na ito. Kung pwede lang pagkatading namin doon ay puputulan ko siya ng ulo.


“Mahal na Hari, Nandito na po ang mahal na Reyna” Anunsyo ng kawal na nakatayo sa labas ng Audience Room.


Bumukas naman ang malaking pinto kaya’t pumasok na ako.


“Mahal na Hari” Pagbati ko sa kaniya at yumukod.


Pero laking gulat ko ng bigla nila akong pinaluhod. Teka wala ‘to sa story ah!


“Anong ibig sabihin nito, Mahal na hari?” Pilit ko mang taguin ang galit ay alam kong napansin niya na hindi ko nagustuhan ang pangyayari.


Hindi siya sumagot at sinenyasan ang lalakeng nasa tabi niya na mag salita.


“The Royal Concubine was Poisoned last night while she’s having dinner with the king, and you my Queen was the only Suspect everyone can think of”


Nagpangap akong nagulat sa balita niya.


“Poisoned?! Who would dare?!” gulat kong ani at sinamahan ko pa nang pagkatakot. Nanginginig na napahawak ako sa labi at yumuko “I-I would never ever think of poisoning someone”


Sabi ko at inangat ang tingin. Sumalubong naman sakin ang mata ng hari na puno ng pagtutol sa sinabi ko. Kagabi ko lang binasa ang part na to kaya expected na ang reaksyon niya.


“Sa labi mo mismo nanggaling na gusto mong patayin ang batang nasa sinapupunan niya, Dahlia” Sagot niya.


Pinantayan ko ang tingin na pinupukol niya sakin.


“Ang sabi ko Sana”






PrettyJejemon • Cutieπ
1000 words
Wed, Jan 25/2023

Thank you for reading ♡[ӦvӦ。]

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 25, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Empress is a VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon