Prologue

13 1 0
                                    

Prologue

-----


"Vesper, uuwi ka na ba?"


I looked to my side when I heard my name. It was my co-worker whose shift was about to begin while mine was already done. Parehas kaming nakasuot ng ID na nagpapakita ng kumpanyang pinagta-trabahuhan naming dalawa.


"Oo, halos isang araw din akong nasa bangko, e," sagot ko kasabay nang pag-tago ng cellphone sa loob ng bag ko. "Ikaw? Late ka na, ah?"


"Huh? Hindi pa, ah!" aniya bago tumingin sa suot niyang relo. "May ten minutes pa nga ako, e,"


Nginitian ko na lamang siya bago ako mag-paalam paalis. Dadaan pa kasi ako sa mall para mamili ng mga pagkain. Naubos na kasi ang stock ko ng pagkain sa condo. Kahit na madalas ay wala naman akong oras para mag-luto, mas maganda pa rin na may stock akong mga pagkain sa bahay para kapag day-off ko, may makakain ako. Hindi kasi maganda ang maya't mayang pag-order sa fastfood restaurant.


I budgeted all the things that I have put in my cart while roaming around the department store. Mag-isa lang naman ako sa condo kaya 'yung sakto lang sa isang buwan ang binili ko. Nang matapos ako sa pamimili ay namili na lang ako ng isang restaurant na pwede kong makainan dahil masyado na akong pagod para ipagluto pa ang sarili ko.


While waiting for my ordered food, I brought out my laptop. I opened it and clicked Photoshop to do my hobby which also became my source of income— drawing.


My work has become a comic book that flattered a lot of comic fans. They love my work, so now, I am working on another season of the same story. Ang pinagkaibihan lang, online na nila 'to nababasa dahil hangga't hindi pa tapos, hindi pa pwedeng maging comic book. The readers are aware that making comics isn't my profession, so most of them are willing to wait. While some of them aren't.


Nang dumating ang pagkain ko ay agad kong itinigil ang pagguguhit at itinuon na lamang ang buong atensyon sa pagkain. Mabilis lang din naman akong natapos sa pagkain kaya nakaalis agad ako mula sa mall. Nang makauwi ay agad akong nag-linis ng katawan bago ayusin ang mga pinamili sa kusina. Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit, humiga agad ako sa kama at natulog dahil maaga pa ang trabaho ko bukas.


Maaga akong pumasok sa trabaho dahil mas maaga akong nagising kaysa sa alarm ko. Isang light blue na long-sleeved dress shirt at itim na pencil skirt lang ang suot ko dahil nakalimutan kong wala na nga pala akong available na blazer sapagka't lahat ng mga blazers ko ay nasa marumihan na. Sinuot ko na lang ang working ID ko bago tuluyang bumaba ng bus.


Kinuha ko ang cellphone ko para mag-laro ng mobile games habang hinihintay na mag-kulay berde ang traffic light na nasa unahan ko. Habang nag-lalaro ay nakarinig ako ng sigaw mula sa tabi ko na naging dahilan upang mapabaling ako rito.


Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang matandang lalaki na inatake sa gilid ng kalsada. Hawak-hawak niya ang dibdib niya habang nakabukas ang bibig, nahihirapan nang huminga. Dali-dali naman siyang nilapitan ng mga tao upang tanungin kung ayos lang ba siya na halata naman na hindi.


"Tumawag kayo ng ambulansya!"


Natauhan ako nang madinig ang sigaw ng isang babae na nasa tabi na ng matanda. Mukhang sinusubukan niya itong tulungan kahit na wala siyang ideya kung papaano. Nanginginig man ay agad kong binuksan ang cellphone ko para sana tumawag nang ambulansya nang halos matumba ako dahil sa lalaking nakabangga sa 'kin dahil sa pagmamadali.

Doubled LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon