"Madami akong gustong sabihin sa'yo.
Mga salitang noon palang ay dapat ipinagtapat ko.
Kaso huli na ang lahat.
Huli na.
Dahil alam kong sa pagmulat ng iyong mga mata,
Pangalan ko'y hindi mo na maaalala.
Samantalang ang mga sugat na sakin mo'y iniwan,
Araw araw kong pagdurusahan.
Kasalanan ko ito. Alam ko.
Ngunit sana'y malaman mo,
Kung gaano ko pinagsisihan na naging mahina ako."
--
Everything I Could Never Tell You
Written by: itsmechiqui