1. Patay!

25.9K 300 37
                                    

Chapter 1


Ako si Adrianna Raquel Espinoza a.k.a. Rocky. Hindi ako kasing puti ng mga models at artista sa magazine, tama lang naman ang kulay ko. May maikli akong buhok na hanggang balikat at may 5'2 na height. Ako yung tipong hindi kagandahan, pero malakas ang dating. In short, meron akong karisma. Di tulad ng mga kuya kong napakinis ng balat, ang akin konti nalang pwede ng magtayo ng oil company sa dami ng pinoproduce na oil ng aking mukha. Isa lang din akong teenager na maraming pinagdadaanan sa buhay.

At nagsimula ang sunod sunod na problema sa buhay ko dahil sa isang..

"Scandal?" Natigilan ako at napunta ang atensyon sa laptop ni Kuya August. Naka-play ang isang videong nakuhanan nung pumunta ako sa isang birthdayan nung Sabado. 'Scandal' nga daw sabi nila. Pero hindi naman actual na gumagawa ng himala! Kissing scene lang kasama ng isang estranghero.

Gayunpaman, nakakahiya pa din! Hindi lang dahil para akong tuod kung humalik, kundi pati na rin pagala gala ang kamay nung lalaki sa katawan ko. Mula sa likod.. papuntang beywang.. hanggang pababa sa pwet.

"Sht!" Napasinghal ako ng makita sa video na pinisil pisil ng lalaking iyon ang pwet ko. Bastardo!

Bumalik ako sa katinuan ng matapos ang thirty seconds na video. Nakaramdam ako ng pag-nginig mula sa tuhod ko. Hindi nga lang pala ako ang nanonood.. Buong pamilya ko.. Nakita na pala. At alam kong ilang sandali nalang, katapusan ko na!

"Hindi ka ba talaga nag-iisip, Rocky? Alam mong sa bawat galaw mo, madadawit ang pangalan ko!" Sabi ni Mr. Espinoza. Problema ng mga 'anak' ng gobernador.. Limitado at kailangan pinag-iisipan ang bawat galaw. Pero sorry naman sa kanya, ha! Hindi naman ako perpekto na kahit lasing kaya pang kontrolin ang sarili.

"Sorry, po."

"Sorry?!"

'Alangang thankyou?!' Siyempre sa isip isip ko lang siya binabara. Malaki din naman ang takot ko sa kanya.

"Your sorry isn't enough!" Singhal niya sa akin. Napa-iling nalang ako. I know.. kahit mag 'sorry poooo' ako katulad ng ginawa ni Chichay kay Joaquin na may kasama pang bow. Hindi sapat ang isang sorry sa taas ng pride niya.

"Pasalamat ka, wala pang nakakakilala sa'yo" Aniya. Nakatagilid kasi ako sa camera. Mas malinaw iyong mukha ng lalaki. At siguro makikilala kaagad ako ng tao, kung kilala na talaga ang itsura ko kahit nakatagilid.

"Sorry po talaga." Sabi ko. Iyan lang talaga ang lumalabas sa bibig ko. Ni-kakarampot wala akong maisip dahil wala namang excuse ang ginawa ko. Alam kong mali.. Sobrang mali..

"Sinabi ko na sayo, hindi sapat ang sorry mo. Pabigat ka na masyado sa pamilyang ito. Bumalik ka nalang dun sa walang kwenta mong ama!"

"Huh?"

"Narinig mo naman ako. Pinapalayas na kita." Sabi niya at iniwan ako sa estado ng pagkagulat.

Layas? Pinapalayas na niya ako? Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Sht!

Nagmabilis akong umakyat sa kwarto ko at padabog kong sinara ang pinto. Grabe. Simula nang tumungtong ako sa bahay na ito, puro ka-dramahan nalang ang nangyayari sa buhay ko. Sa sobrang dalas ng pang-aapi sa'kin ni Mr. Espinoza- pwede na'kong magpadala ng sulat sa MMK.

Nakaka-sawa na rin makinig sa paulit ulit niyang hinaing sa'kin. Maliwanag naman na ang tanging problema niya ay anak ako sa labas. Kung ayaw niya sa'kin... Obvius namang mas ayaw ko sa kanya!

Maganda nga siguro na pinalayas na niya ako. Gusto ko pa siyang pasalamatan para dun. Matagal ko ng gusto umalis, lagi lang akong napipigilan gawa ni Mama. At mukhang hindi na ako ngayon mapipigilan pa niya. Nakapagpasya na kasi ang magaling niyang asawa. Sunud sunuran lang din naman kasi si Mama kay Mr. Espinoza. Malaki ang takot niya dito.. Hindi ko rin naman masisisi si Mama. Makapangyarihan iyong lalaki 'yun. Kaya ayan.. Under masyado!

Everything I Could Never Tell YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon