Isang malamig na hangin ang sumampal sa aking mukha medyo nagulo na din ang aking buhok dahil sa lakas ng hangin. Andito ako sa dagat kung saan saksi sa lahat ng ala-ala namin, Tatlong taon na din pala simula ng naghiwalay kami, tatlong taon na ding sinusubaybayan ko siya sa malayo and it was three years since I break his heart and break my own heart
Napakalayo na ng narating niya ngayon, mas marami na rin ang nagmamahal sakanya. I'm super proud of him, lahat ng sakit na dinanas niya nalagpasan niya, ang saya niya ngayon at mas lalong ako kahit hindi na ako ang dahilan ng mga ngiti niya ngayon. Hindi ko na siya guguluhin at kahit kailan hindi ko na siya kakausapin pa.
Pero ako? saan na ba ako? tatlong taon na pero bakit lahat ng sakit andito pa din? bakit lahat ng takot at trauma ko andito pa din? bakit yung pagmamahal ko sakanya andito pa din? Lahat ng masasamang salita sinalo ko para sakanya, lahat ng bashing at kung ano ano pang tawag sinalo ko, para sakanya. Pero ikamamatay ko pala yun, paulit ulit na sakit at takot ang naramdaman ko. Pero bakit hanggang ngayon siya pa din? ang sakit sakit niyang mahalin at nanga-ngako akong huli na siya. Ayaw ko na, gusto kong tuparin ang pangako ko sakanya at sa sarili ko na kahit maghiwalay kami siya pa din ang mamahalin ko, at kahit sa kabilang buhay siya parin ang hahanapin ko.
Tahimik ko lang pinagmasdan ang dagat hanggang sa magtakip silim. Dahan dahan akong tumayo at pinagpagpag ang aking damit. Babalikan kita, babalik ako dito at sana sa pagbalik ko makita kita. Sana pagbalik ko tayo na ulit at sana ako parin ulit. Napabuntong hininga na lamang saka tuluyang nilisan ang lugar. Wala ng masyadong tao, pawang ang mga nakatira na lamang malapit dito ang mga nakikita ko.
Kanina parin nagtetext saakin ang dalawa kung nasaan na daw ba ako at kung uuwi daw ba ako. Sinabi kong pauwi na ako at dadaan lang ako ng makakain. Medyo traffic at malakas din ang ulan kaya dahan dahan lang pagpapatakbo ko. Binuksan ko ang radio ng sasakyan ko habang nasa daan ng may marinig man lang ako. Hindi ako sanay na nagda-drive lagi lang akong sa passenger seat naka-upo dahil hindi niya ako pinapayagang magdrive. Kahit pagod siya galing rehearsals nagagawa niya pa din akong sunduin. Kahit saan ako tumingin siya ang naaalala ko, ganito ba talaga ang impact ng pag-ibig saakin, ganito ba talaga ang impact niya saakin. Ang sakit kahit saan ako tumingin. Nagsimulang tumugtog ang kanta ni Taylor Swift na "Midnight Rain" diretso lang ang tingin ko sa daan nang hindi ko namamalayang tumutulo na pala ang luha ko, inihinto ko muna ang sasakyan ko tsaka ko hinayaang dumausdos ang luha ko. Bakit? hanggang ngayon nasasaktan pa din ako? bakit namimiss pa din kita sa araw araw. Nang nahimasmasan ako pinagpatuloy kong magdrive. Dumaan ako sa isang fastfood chain na lagi kong kinakainan dahil nagugutom na din ako, wala pa akong kain simula pa kanina, habang nag oorder ako may narinig akong pumasok dahil tumunog ang sabit ng door. At isang pamilyar na boses ang narinig ko. Hindi na ako nag atubiling lumingon pa dahil kilala ko ang boses na iyon, ang boses na ang tagal tagal ko ng gustong marinig.
"Jay" sabi ko sa isip ko
Saktong oorder sila ay tinawag ni Mary ang name ko
"Ate Aya! Hindi ka man lang nagsabi na uuwi ka pala, edi sana sinundo kita." sabi niya
"Tawagin mo nalamg ako pag okay na" sabi ko nalang
Tsaka, dire-diretsong umupoal ako sa table ko. Nakita ko at ramdam ko kung paano nila ako pasadahan ng tingin. Mabigat ang paghinga ko ramdam ko ang takot at kaba. Hindi pa ako nakaka-upo may narinig ulit akong pamilyar na boses.
"Guys, you here pala" sabi ni ate Jisoo
"How's the rehearsals going?" tanong ni ate JennieMay rehearsals pala sila kaya andito pa din sila kahit mag 9 na ng gabi. Kaba ang namumutawi sa puso ko ngayon, dahil si Kelly at Raven lang ang may alam na bumalik na ulit ako. Sa dami ng kainan dito sa Korea bakit dito pa sila napunta. Kung alam ko lang sana nag convenience store nalang ako kaya kong tiisin ang pagkain dun kaysa makasama ko sila dito, hindi pa ako handa na harapin sila.
"Ate Aya! okay na po" tawag saakin ni Mary
halos ayaw kong tumayo sa kina-uupuan ko natatakot ako.Tumayo ako, saka nagtama ang paningin namin lahat kita ko sa mukha nila ang gulat, alam kong hindi nila inaasahan ito at ako rin naman. Kailangan ko ng umalis dito ngayon na.
"Mary, Can I take that out? it's already past 9 I need to go home na din" saad ko ng hindi tumitingin sakanila. Alam kong alam ni Mary ang lahat ng nangyari saamin
"Sige po ate Aya. Saglit lang I-wrap ko lang po ito" sabi niya habang nagmamadali. Diretso lang ang tingin ko habang nagtitipa sa cellphone ko, para magkunwaring busy ako.
Ramdam kong gusto nila akong kausapin, pero alam ko natatakot din sila lalo na sila ate. Dahil simula ng mangyari ang gulo saamin wala na kaming communication pa. Dahil pinutol ko na ito at ayaw ko ng makigulo pa sa pamilya nila.
"Ate Aya, ito na po" sabi ni Mary and she handle me a paper bag. Nginitian ako ni Mary saying that okay lang lahat.
Nagmamadali akong lumabas pero bago pa man ako makalabas ng pinto may tumawag ng pangalan ko
"Aya" alam ko kung sino yun, ang boses na gustong gusto ko ng marinig pero hindi ito ang oras, nagpanggap na lamang ako na hindi ko narinig at tuluyang lumabas ng fast food chain.
Pagsakay ko ng kotse nag uunahang tumulo ang luha ko. Ito nanaman, ang sakit at pagkamiss ko sakanya. May tamang oras alam ko.
YOU ARE READING
Midnight Rain
FanfictionThis was Korean Inspire story, You can read here a real names. This was only a Fanfiction. On-going Story