Dumiretso agad kami sa food court ng mall dahil gutom na talaga kaming apat.
"Oh my g!! Pupunta na siya yann!!" Kilig na sabi ni yeen, habang nakakatotok sa phone niya at sabay subo ng pagkain.
Sino na naman kayang katext ang pinagsasabi nito. I think i guess now kung bakit sinuggest nila na dito nalang kami sa mall instead sa restaurant kami kakain. Dahil may ka meet silang lalaki.
"What!?? You mean yong medyo kalookalike ni my loves Daniel Padilla???" sabi ni yann na parang na excite, nagsasalita pa rin kahit puno ang bibig niya. Takaw kasi. -_______-
"Yup! Sabi niya papunta na daw sila"
Sila??? Nagdala pa ng ibang kaibigan. Aba, dami siguro nila.
Kami naman ni Krista ay patuloy sa pagkain. Ganyan naman palagi silang dalawa. Ang daming kaharutan lalo natong si yeen. Pero never pa silang nagkaka bf or let just say kaming apat.
"Sino na naman ba kasi yan? Mukhang kinikilig ka yeen ah! Don't tell me, tinamaan ka na sa lalaking yan, haha" pabirong sabi naman ni krista sabay punas ng table napkin. Halata kasing namumula sa kilig tong si yeen eh.
"Hahaha,, oo nga! Sa gwapo ba non eh, kahit sino naman atang babae hinding hindi magkakamaling ayawan yon noh, mala Dj ang mukha non" yann. Fan na fan kasi tong si yann sa kathniel eh at lalong lalo na kay daniel padilla na ultimate crush niya.
"ahm... i think so, hihi" yeen, sabay kindat niya samin
Hala?? I think so daw? Haha, iba talagang klase tong si yeen pag tinatanong namin ng palaging naman niya yong sinasabi na "i think so" tas sabay wink. Line na niya talaga yon. Player talaga tong babaeng to. Player na hindi pa nagkakabf ever since. Hahaha.
"Pakilala mo samin yan ha,!" Sabi ko
"Oo, naman ako pa, palagi ko naman pinakilala yong mga ka echusan ko sa inyo,kayo pa" sabi ni yeen "di ba promise natin sa isa't isa na walang sekreto at tyaka kung sino yong lalaking mangligaw sa kahit isa sa atin ay dadaan muna satin" dagdag ni yeen. Oo tama siya promise namin yon, simula elementary magkakaibigan na kasi kaming apat kaya parang magkapatid na ang turingan namin. Kailangan wala ng sekreto sa isa't isa. Wala naman kasing sekreto ang hindi mabubunyag para't saan pang wala kang balak sabihin kung malalaman at malalaman lang din naman, diba?
Sabay sabay kaming tumayo para mag shopping na kami. At para ma meet na din namin yong lalaking sinasabi ni yeen at yann.
Nasa may botique kami ng mga dress. Dito kasi talaga pupunta eh, para bumili ng mga bagong dress daw. Dami namang damit nila, pero ok lang bibili na rin ako. Kahit hindi ako mahilig mag dress maganda din naman at tyaka magagamit ko rin naman to sa mga importanting okasyon lang.
"ahm, teka lang guys lalabas muna ako papuntang powder room" sabi ni yeen sabay labas sa botique. Tumango lang kaming tatlo kay yeen. Habang tuloy pa din kami sa pag sukat ng mga dress.
Sabay lingon kami sa papasok, si yeen lang pala na may kasama siyang lalaki. Ito na siguro yong sinasabi nila. Teka, bat isa lang ? Sabi nila kanina may kasama ito asan na? bahala na nga. Bakit ba ko interesado don?? tss..
"Guys! Meet mark, mark meet yann, krista at ann" pakilala niya sa amin sa isa't isa.
"Hi! Nice to meet you guys"sabi ni mark
"Hello!! Mark nice meeting you also" sabay na sabi nila krista at yann na nakangiti. Grabe ang lapad ng ngiti ni yann abot hanggang langit. Haha
Nakatingin sila sa akin na parang bang may gustong sabihin ako. Pero wala naman ah.
Siniko ako ni krista. "Hoy babae, nag hi yong tao oh, wala ka bang balak magsalita dyan kahit simpleng hello??" Pabulong na sabi niya sakin, at nginitian niya si mark.
Ayy, oo nga pala nadala ako sa pamimili ng damit dito eh.
"Hihi, sorry, oh hello mark nice to meet you also" sabay nag fake smile ako at pinandilatan naman ako nila. Dahil sa ngiti kong made in china, ganun ba ka obvious? Eh, sa wala akong mood makipag ngitian at makipag usap, problema ba yon? Tss..
Nginitian din naman ako ni mark.
"Ahm, kala ko may kasama ka mark?" sabi ni yeen
"May binili lang siya, susunod lang daw siya dito" mark
"Ahh, gwapo ba yan? Tulad mo? pakilala mo ko ah, kung pwede nga palakad na din hihihi" yann.
Natawa naman si mark sa sinabi ni yann. "Don't worry, papunta na yon siguro dito" mark
Binatukan naman siya ni krista dahil sa sinabi niya.
"Aray naman!" Reklamo ni yann
"Alam mo yann, ang kapal talaga ng face mo no, baliw ka talaga, nakakahiya ka, kaibigan mo pa naman kami, ali ka nga dito ann tayo nalang dalawa ang tahimik mo kasi, bahala diyan si yann ang daldal"sabi krista sabay punta sa gilid ko
alam na dis, magkaka away na naman to sila, palagi nalang tapos bati na naman para talagang mga bata. Nakakahiya tong mga to kasama talaga pinagtitinginan na naman kami dito. Mga baliw talaga isip bata pa. -_____-
"hahahaha!!" Natawa na lang kami sa kanila,
"Wag mo silang pansinin, ganyan lang sila maglambingan, hahaha" sabi ni yeen kay mark, natatawa pa rin si mark sa dalawa.
Ako, ito hindi sila pinapansin at pumunta na ako sa cashier para bayaran sana ang mga pinamili ko. At sila yeen naman patuloy na pagpili ng mga damit. Pero amin tong mall na to eh, hihi. Yon eh kung makikilala ako nito, tagal na din kasi akong di nakapunta sa mall namin na to eh, dami na palang nagbago. Wlang alam ang mga kaibigan ko about dito. Wala naman akong balak itago. Pero gusto ko normal lang talaga. Yong walang mga taong makakilala sa akin dahil lang sa sobrang yaman namin at sa pinanggalingan ko. Gusto ko yong nakilala nila ako bilang ako lang.
"Ate, ito po" at binigay ko kay miss cashier lahat. Iba yong tingin niya sakin, parang may halong pag dududa
"may dumi ba ko sa mukha?" Tanong ko sa kanya, hindi niya talaga ako makikilala dahil naka sout ako ng eye glasses at iba na yong itchura ko nung last time na pumunta ako dito, pwera nalang kung kilala niya boses ko, pero impossible yon. Ito kasi si ateng cashier eh matagal ng nagtatrabaho dito sa mall namin at medyo closed ko siya noon. Madalas ko kasi siyang makita sa bahay dahil doon nagtatrabaho mama niya at dito sa mall noon nong nagsimula ng magtrabaho siya. Kasi mama niya matagal na din nagtatrabaho sa family namin kaya kilala ko siya. Ate ganda tawag ko sa kanya, eh maganda kasi siya. 2-3 years nakong hindi nakapunta dito. Kalaro ni ate ko si ate ganda noon sa bahay.
"Ahm.. wala naman, parang familiar ka lang sakin eh, nagkita na ba tayo??" sabi ni miss cashier na maganda.
Tinanggal ko eye glasses ko at inayos ko buhok ko. Din I saw her face reaction na parang hindi mapaliwanag, she was so shock.
"Hello?? Ate..ate,," sabay wave ko sa mga kamay ko sa kanyang harapan, nakatingin parin siya sakin na di makapaniwala sa nakita niya. Hahaha, sabi ko na nga ba eh.
"ma..maam ann?? Ikaw ba yan??"utal utal na sabi ni ate ganda, at tumango naman ako sa kanya "grabe, dalaga ka na!" Napalakas ang boses ni ate ganda kaya napagalitan tuloy siya sa isang babae na feel ko manager ata nila, dahil nakipag kwentuhan daw siya sakin at may mga nakaline pa daw.
"Hoy! Wag nga kayong mag daldalan diyan!ikaw hindi ka sinuwelduhan para magdaldalan,,at ikaw umalis ka na kung tapos ka nang magbayad hindi mo ba napansin na madaming pang nakapila sa likod mo ha? " sabi samin nong babae, aba't pinahiya pa kami ni ate ganda sa madaming tao ah, sumbong kaya to siya kay dad, ay naku wag na,papalampasin ko lang to ginawa lang naman niya trabaho niya eh di naman ako ganun kasama noh.
"Ahm.. maam excuse me po.. " sabi ni ate ganda "siya po kasi ang anak ng may ari ng mall nato in short isa siya sa nag aari ng mall na to" sabi ni ate sabay ngiti sa akin
"Totoo ba to? yong bunsong anak ng may ari?" sabay tanong niya kay ate ganda ,at palipat lipat ng tingin sa aming dalawa, ngumisi lang ako sa kanya at tumango mango "so-soo- sorry po, di ko po yon sinasadya, " paumanhin nong babae , tumango lang ako at ngumiti sa kanya. Di ko namalayan nakatingin na pala yong mga tao sa paligid sa amin, nang dahil sa nangyari kani kanina lang at pati na din sina yann. Na parang nagiging freez sa kinatatayuan nila. Hay ! Naku kaya ayoko ng ganito eh. Nakakahiya. Titili na naman tong mga to.