Nagtatawanan ang lahat. Makikita mo ang saya sa kanilang mga labi habang nakikipagsayaw at inuman sa iba pang mga bisita.
"Maligayang kaarawan", bati ng isang ginang saakin.
Ako ay nagtaka.
"Anong araw na po ba ngayon?"
Napahalakhak ang ginang sa aking tanong.
"Iyo na bang nakalimutan?"
Naliligo na naman ako sa pawis ng matauhan ako sa panaginip kong iyon. Kaya ako'y nagtataka sapagkat hindi ko naman kaarawan ngayon, bakit ganun ang panaginip ko. Gabi na. Kay ganda ng mga bituin sa kalangitan. Kay ganda pagmasdan ng kanilang munting liwanag sa madilim na kalawakan.
"Teka, alitaptap ba iyon?"
Bihira nalang magsilabasan ang mga alitaptap ngayon. Minsan nga napapaisip ako kung nahanap na ba ng alitaptap ang pinakamagandang babae sa mundo. Naalala ko ang malungkot na kapalaran ng isang binatang hindi lamang napansin ng magandang binibini, ito'y kaniya ng kinutya at pinagtawanan. Kay sarap balikan ng alamat na iyon. Bigla akong natauhan ng may marinig akong mahinang paghikbi sa di kalayuan. Hanggang sa ako'y napadpad sa isang tulay. Bago saakin ang lugar na ito ngunit kay gandang pag masdan ng bituin sa bahaging ito. Bakit ngayon ko lang ito natagpuan?
Hay naku, bahala na! Hinanap ko ang munting paghikbi sa kadiliman. Isang babaeng nakatingala sa kalawakan ang aking naabutan di kalayuan.
"Baka marinig ng mga bituin sa kalawakan ang iyong pag-iyak, malulungkot din sila kung ganun."
Kitang kita ko ang pagdaloy ng luha sa kaniyang pisngi ngunit hindi ko maitatangging kayganda ng kaniyang mga mata at ng kaniyang labi.
"Ano ang iyong pangalan?"
"Luna."
Kaysarap pakinggan ng kaniyang tinig. Akin siyang nilapitan.
"Tahan na, kapag patuloy kang umiyak matatakpan ng mga ulap ang bituin sa kalawakan at unti-unting bubuhos ang ulan bilang pagdamay sa iyong malungkot na nararamdam."
Napatawa naman siya ng malakas.
"Ang lalim naman nun."
Napakamot nalang ako ng aking ulo at nahawa na rin ng kaniyang pagtawa. Marami kaming napagkwentuhan. May pagkakapareho rin ang aming mga hilig tulad ng pagkabighani sa mga bituin sa kalawakan. Nabubura ng buwan ang kaniyang lungkot sa tuwing ito'y kaniyang pinagmamasdan. Malalim na ang gabi kung kaya't napagpasyahan naming mapaalam muna sa isa't isa.
"Hanggang sa muli nating pagkikita Luna."
Hindi ko alam ngunit natatakot ako na baka ito na ang huli naming pagkikita.
Hapon na ng magising ako. Wala naman akong gagawin kaya naligo na muna ako. Kumain na rin ako ng tinapay bilang hapunan hindi naman ako nagugutom kaya hindi na ako mag aabala pang magluto. Nang kumagat ang dilim sa kalangitan, tila natutuwa ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit ngunit gusto kong bumalik sa tulay na napuntahan ko kagabi. Hintayin mo ako Luna, magkikita ulit tayo. Dali-dali akong pumunta sa tulay, kay ganda talagang pagmasdan ng mga bituin sa bahaging ito. Tila kay lapit ng mga ito at kayang kaya mong abutin. Hindi ko namalayang hating-gabi na pala. Walang akong Lunang nasilayan ng mga sandaling iyon. Malungkot man ngunit kailangan ko ng umuwi. Ngunit sa aking pagtayo, naamoy ko ang pamilyar na samyong aking ding naaamoy kagabi. Sinundan ko ang amoy na iyon at hindi nga ako nagkakamali. Ang babaeng ninanais masilayan ng aking puso ay nasa harap ko ngayon at nakahiga habang pinagmamasdan muli ang mga bituin sa kalawakan.
"Kanina ka pa ba?" tanong ko sa kaniya.
"Oo, at alam kong nariyan ka naghihintay sa akin."
"Bakit hindi ka nagpakita?" tanong ko ulit sa kaniya.
"Sapagkat kung ninanais mo akong matagpuan, ako'y iyong hahanapin at ika'y hindi maghihintay lamang."
Hindi ko man maintindihan ang kaniyang mga binitawang salita ngunit hindi napigilan ang aking sariling yakapin siya.
"Natatakot ako, natatakot ako na baka hindi na kita muling masilayan."
"At bakit ka naman natatakot?" tawa niyang tanong saakin. Bigla naman akong natauhan sa aking inasal. Bumitiw ako sa aking mahigpit na pagkakayakap sa kaniya at mabuti nga'y hindi gaanong maliwanag ang paligid, hindi niya masisilayan ang nahihiya kong mukha. Aking napansin ang kaniyang kwintas.
"Kayrami mo namang kwintas?"
"Iyan ay mahalaga sa akin. Sampung kwintas tanda ng sampung gabi, hudyat ng pagbuo ng buwan sa kalawakan."
Napatingala naman ako sa buwan, halos kalahati na nga ito.
"Limang kwintas, ibig sabihin limang gabi pa bago mabuo ang magandang buwang iyon?"
"Hmm", sabay ngiti sa akin.
Hindi ko man ibig ngunit aking iibigin malasap ang kaniyang labi ngayong gabi. Isang matagal ngunit puno ng pag ibig ang aking ipinadama sa kaniya. Hanggang sa aking dahan dahang paglayo'y nakapikit pa rin ang aking mga mata. Pagdilat nito'y isang ngiti ang bumungad saakin, kaya ako'y nagtaka.
"Ipagpaumanhin mo ang aking kapusukan."
Napalakas naman ang kaniyang pagtawa.
"Mahal din kita."
Isang maliwanag na bagay ang gumuhit sa kalangitan ng kaniyang sambitin ang mga salitang iyon. Kay lakas ng tibok ng aking puso at alam kong rinig niya rin ang tunog nito. Hindi ko inaasahang mapapalit ang loob namin sa isa't isa. Dalawang kwintas na lamang ang kaniyang suot at hindi na kami makapaghintay na masilayan ang pagkabuo ng buwan. Magkahawak ang aming mga kamay habang naglalakad sa tulay na aming tagpuan.
"Ikaw ba'y makakapaghintay?"
Nagtaka naman ako sa kaniyang tanong.
"Ikaw ba'y lilisan?" turan niya.
"Saan ka pupunta?"
"Sa lugar kung saan nagsimula ang lahat."
Hindi ko man maintindihan ang kaniyang mga salitang binitawan ngunit iyon ay aking isinantabi na lamang.
"Ang mahalaga ay kasama kita ngayon, at pangakong hihintayin ko ang pagbabalik mo."
Kasabay ng pagdampi ng aking labi sa kaniya, ang pagkalaglag ng kaniyang kwintas. Kay lakas ng tunog nito dahilan ng paglakas ng tibok ng aking puso.
Pagdilat ko ng aking mga mata, mag-isa na lamang ako sa tulay. Aking hinanap si Luna ngunit hindi ko siya masilayan. Buong magdamag ko siyang hinanap ngunit hindi ko siya matagpuan. Inabot na ako ng bukangliwayway hanggang sa muling pagkagat ng dilim sa kalangitan ngunit ni samyo niya'y hindi ko maramdaman. Ako'y napatingala na lamang sa mga bituin sa kalangitan. Pinagmamasdan ang lumiliwanag na buwan.
Nasambit ko rin sana saiyo ang salitang Mahal Kita
Ngunit alam ko namang batid mo na ikaw saakin ay mahalaga
Ang pag-ibig kong ito ay hindi mag-iiba
Lipasan man ng taon, ikaw lang talagaSa gitna ng pagkauhaw
Tirik man ang haring araw
Hindi aalintanain ang pagdampi ng init sa aking balat
Sapagkat ang masilayan ko lamang ikaw, hihilom din ang mga sugat.Ramdam ko pa ang init ng iyong halik
Pangakong hihintayin ko ang iyong pagbabalik
Hanggang sa aking pagpikit
Pagdilat ko sana'y unang masilayan ang mukha mong marikitAking naramdaman ang paghaplos ng hangin sa aking balat kung kaya't ako'y napapikit upang madama itong ganap. Tila may nakayakap saaking likuran. Pagdilat ko ng aking mga mata kasabay ng pagtulo ng aking luha. Walang buwan akong nasilayan sapagkat tirik ang araw sa kalangitan. Wala ring tulay sapagkat ako'y nakahiga sa aking higaan. Sampung gabi, sampung gabi ng kasinungalingan. Nagising akong muli sa isang panaginip. Hindi totoo ang lahat.