Kuya..

33.9K 135 2
                                    

Akala ko, may pag-asa ako.

Akala ko, parehas kami ng nararamdaman,

Akala ko lang pala lahat yun.

Oo, close kami pero bilang kapatid-kapatid lang. Well, hindi naman literal na magkapatid. Alam mo yung parang kuya nya ako pero hindi kami magkadugo? Aish, magulo diba?

Mahal ko sya, higit pa sa inaakala nya pero para sakanya..

Isa lang pala talaga nya akong hamak na Kuya.

×××××

"KUYA ZAAAACK!"

Napapikit naman ako nang marinig ko nanaman ang matinis na boses na yun.

"Oh, ano nanaman ba Faye? Magkwekwento ka nanaman tungkol dun sa crush mong hilaw?" Pangunguna ko sakanya.

"Paano mo alam? Galing mo ah!" Sabi nito na halata namang sarcastic. Baliw talaga.

"So eto na nga, magkwekwento na ako.."

Ako nga pala si Zack Kim, Grade 12 sa SMTown University at itong babaeng nasa harapan ko, si Faye Han. Grade 10 naman sya at nag aaral sya sa kaparehas na eskwelahan.

Ewan ko ba kung bakit kami close nito, ang alam ko eh nagsimula ito nung 1st year sya at 2nd year ako. May program sa school nun at naging magkalaban kami pero simula nun, naging close din kami.

At dahil dun, diko nalang namamalayang lumalala na pala ang nararamdaman ko para sakanya. Hindi nalang basta ading, mahal ko na sya bilang sya.

"HOY! NAKIKINIG KA BA?"

Nagising ako sa realidad nang sigawan nya ako sa tenga.

"H-ha?"

Umirap naman sya na ikinatawa ko.

"Bahala ka na nga! Di ka naman nakikinig eh! Nakakaasar ka!" Sabi nito sabay tumayo at umalis. Baliw talaga yon.

Sya na nga lang tong nagkwekwento tungkol dun sa hilaw nyang crush, sya pa galit.

Speaking ng crush nya, crush nya si Vandrick Ken at actually, manliligaw nya na. Ka-batch nya yun at masasabi kong almost perfect. Matalino, sporty, may talent at gwapo. Ano namang laban ko dun kung parehas naming liligawan si Faye diba?

Hays. Sana lang di sya sagutin ni Faye.

"Zack!"

Napalingon naman ako sa tumawag saakin at doon, nakita ko si Chelle. Kaklase ko.

"Tara na! Parating na si Ms. Hernandez!"

Nako! Yung terror naming teacher! Pucha naman oh!

~~~

KUYA (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon