Kuya.. (ending)

31K 113 0
                                    

(Kinabukasan)
Habang naglalakad ako sa hallway namin sa 2nd floor, may naririnig akong hiyawan sa baba kaya naman I decided na sumilip.

Fck.

Sana pala diko nalang tinignan.

Nakita ko sina Faye at Vandrick, masayang magkayakap tapos sumisigaw ng YES yung crowd.

Mukhang alam ko na nga ang nangyari.

Sinagot na ni Faye si Vandrick.

Di ko namamalayang tumutulo na pala yung mga luha ko. Pucha, ang sakit pala ng ganito!

"Uy Kuya, bakit ka umiiyak?"

Agad kong pinunasan ang mga luha ko nang biglang andito na sya sa harapan ko at tumawa ng peke.

"M-masaya lang ako para sayo, hahahaha! Pakatatag kayo ha? Sige, may tatapusin pa akong project. Mamaya nalang. Bye!"
Tapos tumakbo na ako paalis. Kitang kita ko naman ang pagtataka sa mukha ni Faye pero hindi na ako nag-abalang lumingon pa. Sakit pucha.

Shet! Nakakakinis naman! Ayaw tumigil tong pag iyak ko.

"Panyo oh."

Napatingin naman ako sa panyong nakalahad sa harapan ko bago ko tignan ang taong mismong naglahad ng panyo.

"Ikaw pala Chelle."

"Anong nangyari?"
Naramdaman ko naman na tumabi na pala sya sakin.

"Hahahah! Sabihin nalang nating yung taong mahal ko, may iba ng mahal."

"At eto pa, isang hamak na kuya lang ang turing niya saakin! Pucha!"

Niyakap naman na ako ni Chelle.

"Pwede namang ako diba? Bakit hindi nalang kasi ako? Bakit!?"

Magmula ng araw na yun, nagdesisyon akong iwasan muna si Faye para maka move on at sa kabutihang palad, nagawa ko naman.

Nagawa ko dahil sa tulong ng isang tao.

"Zack.."

"Hmm?"

"Si..si Faye.."

Tumingin naman ako dun sa tinitignan ni Chelle.

And to my surprise, wala na talaga.

Di na ako affected.

"Oh..si Faye lang pala eh..tara na ."

Masaya na ako kung ano mang meron ako ngayon.Masaya akong si Chelle ang kasama ko..

Masaya na ako.

The END.
██████████

██████████

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
KUYA (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon