Chapter 3: The Bloody Welcome Party

8.3K 284 28
                                    

Ryan's POV

Ako si Ryan Perez panganay na anak nila Alyssa Lee Perez at Jin Perez, nakatatandang kapatid ni Alice Perez. Half korean pero di masyadong marunong mag korean, 'di naman kasi nila ako dinadala sa korea eh.

Nerd daw, nakasalamin lang naman ako ng medyo makapal nerd na agad, pero aminado naman ako na bookworm ako at suki ako ng library but does that mean na nerd na ako?

Nandito na pala kami sa school. Medyo nagpa late kami kasi sabi ni Sky imposibleng walang welcome party para sa bagong nerd sa isang star section. Well, tama siya. Naranasan ko yan nung Grade 8 ako, mild lang ang bullying dati. Binuhusan lang naman nila ako ng tubig at flour. Ewan ko lang ngayon kung anong pakulo ang meron sila.

Nagdala na kami ng mga extrang uniforms, shoes, payong, glasses, at towel naka kotse naman siya eh. Maganda na daw ang prepared. Pinadala pala nila Mom yung mga damit ko sa bahay ni Sky.

Nasabi ko na sa kaniya na dun muna ako ng 2 months. Sila Mom kasi pupunta ng korea kasama si Alice, baby pa kasi siya. Nasabihan niya na daw yung Kuya ni Sky at pumayag naman daw ito para naman daw may kaibigan din at kasama si Sky.


Skyler's POV

Papasok na sana si Ryan nang pigilan ko siya. May kakaiba kasi sa floor namin. Kung bakit ito ganun katahimik. Maingay kasi sa 1st and 2nd floor kasi wala daw teacher.

Para talagang may mali kasi nung dumaan kami sa floors na yun ay bigla silang nagbulungan at tinignan kami at yung iba nga nag smirk pa. Tss kung 'di lang ako mukhang nerd ngayon eh magdadalawang isip kang titigan ako. Kasi nga staring is rude. At saka they won't like me being rude *smirks*.

My instincts says na kapag may taong pumasok sa pinto ay matatapunan ito ng kung anong liquid. Sinipa ko ito ng malakas, tama nga ang hinala ko, may tumapon na pintura sa sahig. Pumasok kami ng room. At biglang napuno ng mga reklamo nila ang room.

"Shi*!! Bakit 'di man lang sila nadumihan??!!"

"Wala ba kayong Plan B?!" Dahilan iyon kung bakit kinuha ko ang payong ko sa bag at nakita kong nataranta si Ryan at kinuha rin yung payong niya

"Hey guys!, Plan B daw!! *smirks*" signal iyon upang buksan ko yung payong at gawing shield sumunod si Ryan at nagsimula na silang magbato ng mga itlog. Nadudumihan na rin yung mga sapatos namin dahil medyo maliit lang yung payong.

"Dahan dahan tayong lalabas" sabi ko sakanya. Tango lang ang naging tugon niya. Nang makalabas kami ay tumigil na rin sila dahil sa tingin ko naubusan na sila ng itlog. Nakita ko silang sumisilip lang sa bintana. Pakiramdam ko na naman ay may mali. Tumingin ako sa taas, may mga sprinklers.

"Shit!" Agad kong iniangat yung payong para hindi mabagsakan ng ulan ng slime ganun din ang ginawa ni Ryan kaso nadumihan na siya ng konti.

"Ry, 5th floor" tumingin lang siya pero hinatak ko na siya pataas. Hanggang sa hagdan ay may slime pero pagdating sa 4th floor eh nawala na rin.

Aakyat na sana kami nang may nakita ako. Isang Grade 10 na nerd at pinagbabato ng mga classmates (As star section din na Grade 10) niya. Nilapitan ko siya ng dahan dahan at ginawa na namang parang shield yung payong at hinarangan lahat ng mga itlog na papunta sa kanya. Humahagulgol na siya. Hinintay namin (sumali na rin si Ryan) na maubos ang mga itlog na pang bato nila.

Nang maubos ito ay tumakbo na kami papunta sa 5th floor. Agad kong pinindot ang code sa pintong iyon ngunit di ito bumukas. Alam ko na kung bakit.

"Open the door" cold na utos ko

MS. NERDY is the PURPLE-EYED REAPER?! (Very Slow UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon