Pagdating ko sa bahay, agad akong nagchat sa kanya
Cath: Leo! Thanks kasi nakapunta ka kanina ha. Sayang umalis ka kaagad. Di ka nakasama sa kainan. Ui sama ka sa amin bukas sa birthday ng mama ni Sally ha. :)
Naghihintay ako sa reply niya.
Wala pa rin
Baka galit nga siya sakin.
Bakit naman?
Hindi yun.
Baka busy nga lang kasi Cath.
Kinabukasan, nagkita kami ni Karlo sa hallway malapit sa room ko.
Tinawag niya ako
"Cath!"
"Bakit?"
"Sabay tayo mamaya papunta kila Sally"
"O sige ba. Kailangan ba nating bumili ng regalo para sa mama niya?"
"Hmm wag na"
nagtatawanan kami habang naglalakad sa hallway.
Nakasalubong namin si Leo
kaya lang bigla niya kaming iniwasan.
"Leo! Mamayang uwian ha hihintayin kita."
Nakita niya naman kami pero umiwas siya.
Sana naring niya yung mga sinabi ko.
"Sasama raw ba siya sa atin?" tanong ni Karlo.
"Di ko alam eh. Sana"
"Sige Cath kitakits mamayang uwian ha. Sabay tayo"
"O sige sige"
Mamayang hapon pa naman ang klase ko kaya hinanap ko muna si Leo.
Naglakad lakad ako.
Pinuntahan ko siya sa room niya pero wala siya.
Pinuntahan ko rin siya sa field pero wala rin.
Nasaan na yun?
Ang dami ko ng pinuntahan.
BINABASA MO ANG
Mahal ko o Mahal ako?
JugendliteraturKung mahal mo, ipaglaban mo. Kung gusto mo siya, gumawa ka ng paraan para mahalin ka rin niya. Nasasaktan ka kahit di naman kayo, nahihirapan ka kakaisip kung darating ba yung araw na mamahalin ka rin niya. Iutuloy mo pa ba kahit na alam mong wala...