Chapter 1: Me and my effin grade!

341 15 4
                                    

sorry if first five chapters ay titipirin ko muna pro watch out na lang!!! waaahhhh amasorry!!

enjoy nalang muna kayo!!! tyaga2 lang!

*********************************

 Hey! Ako nga pala si Allison Chik Isuzuka or just call me chik for short. I’m 16 and currently studying high school. So that’s a summary of my background so let’s start the fun right away…….

“Yaya asan na ang juice ko?!” inis kong sabi habang naglalakad papuntang pool suot ang blue kong two piece. Kanina ko pa hinihintay ang juice pero wala parin hanggang ngayon.

“andyan na po.”mahinahon nitong sagot

Nadagdagan pa ang paka-inis ko nung nakita kong maraming dahon ang swimming pool.”Ano ba naman tong mga palangoy-langoy na dahon sa pool! Hindi ba to nililinis?”

“Hindi po ba obvious?” pilosopong sagot ng butihin kong yaya.

“Gaga! ahh sasagot ka pa, itulak kaya kita diyan!”

“E sa nagtanong ka e. Edi parang ang bastos naman ‘nun kung hindi kita sinagot ma…..” Sagot nito.

“Sige sumabat ka pa at ilalaglag na talaga kita!” banta ko sa kanya.”Makapasok nga ng bahay.”

 Kinuha ko ang robe ko at sinuot at naglakad papalayo sa pool nang sumabat uli si yaya.”Ma’am juice niyo po.”

“sa’yo na lang yan!”

“ano po gagawin ko dito?”

Bumaling ako sa kanya.”ipaligo mo.”naglakad na uli ako papasok ng bahay.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay ay ang nagsasalpukang kilay agad ng papa ang nakaharap ko. Sigurado ako na may nagawa naman akong di kanais-nais para magsalpukan ang kanyang kilay.

Ting! Bright Idea! I will play my favourite game ang playing safe. Lumapit ako sa kanya at binati ito.

“Hi pa good morning! The sun is shining brightly in the sky isn’t it? So smile and relax and feel the essence of a beautiful day.” Pagbati ko rito.

“What is good in the morning kung ang grades mo ang makikita ko!” galit nitong sabi. E teka lang hindi ko naman pinakita sa kanya report card ko ah. Crap. I’m doomed.

“P-paano niyo po…?”

“Anong papaano ka diyan? Kinuha ko personally sa school mo ang report card mo.” Mahinahon na nitong sabi. Hay makakahinga na rin ako sa wakas.” Anak naman. Mabubuhay ka na lang bas a 80 mong average?”

Hindi naman sa bobo ako no pero tinatamad lang kasi talaga akong mag-aral.

“Hay pa, pasalamat ka na lang nga at na kuha pa ako ng 80 kaysa naman sa iba diyan na 75.” Pagdedepensa ko.

“Nak tandaan mo you are the one who’s making your future. Pagbutihan mo pag-aaral mo.” He said in a soft and caring voice. Kahit ganyan magalit ang papa ko e mahal na mahal ako niyan.

Ngumiti ako sa kanya.” Ok pa. First grading pa lang naman ‘yan e. diba nga sa finals bumabawi lagi ako.”

“That’s my girl.” He said proudly. “O siya babalik pa ako sa office.” Sabi nito at hinalikan ako sa noo at umalis na agad ni hindi man lang ako nagkaroon ng chance na mag ba-bye din.

Nagtaka kayo siguro kung saan na mama ko? Well she just had an affair with her business partner na 10years younger sa kanya. And I don’t know kung saang lungga na sila ngayon dahil basta ako Masaya kasama si papa.

************yaaaayyy. First part sana magustuhan niyo readers.

Hey don’t forget to Vote! Comment! And Follow!

Hintay-hintay lang ng konti sa updates.

Chik ------->>>>

You're the one for meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon