RelationSHIT 8

296 9 0
                                    

Twenty-five Tangled Strings

Hanggang ngayon eh hindi parin ako makapaniwalang hindi parin siya mawaglit sa isip ko

Dalawang taon na ang lumipas

Pero eto ako at nahihibang parin sa kakaisip sakanya

Dalawang taon ko na din siyang hindi nakikita pero nananatili parin siya sa isip ko

Hindi na lubos maintindihan ng binata ang kaniyang sarili

Sa loob ng dalawang taon ay pinilit niyang isubsob ang sarili sa negosyo

Wala siyang ibang inatupag kundi ang palaguin ang kaniyang kompaniya

Gusto ng binatang iwaglit na sa isip niya ala ala niya tungkol sa dalaga ngunit tila siya'y bigong bigo

Araw gabi hindi lumipas ang isang araw na hindi niya inisip ang dalaga

Nasan na ba ito?

Anong ginagawa nito ngayon?

Okay lang kaya siya?

Nakain ba ito sa tamang oras?

Masaya kaya ito ngayon?

Mahal pa ba siya nito?

Andami tanong na rumaragasa sa utak ng binata sa tuwing naiisip niya ang dalaga

Marahil kung totoo man ang kasabihan na kapag may iniisip kang tao ay mabibilaukan ang taong iyon siguro ngayon ay pinag lalamayan na ang katawan ng dalaga dahil sa walang humpay nitong bilaok na natatamo

Hindi lubos maisip ng binata na sa loob ng dalawang taon ay wala siyang babaeng nagalaw

Tila ba na trauma na siya sa naganap noong umagang iyon kung kailan nakipag hiwalay sakanya ang dalaga

Ngunit bakit kailangan niyang matakot?

Hindi na naman sila ng dalaga at ngayon ay wala na naman ito sakanya

Nag pakawala siya ng isang malalim na buntong hininga hindi siya makapaniwalang dadating siya sa puntong ipahahanap niya sa isang private investigator ang tinutuluyan ng dalaga

At ngayon nga ay patungo na siya sa East Wood Subdivision kung saan ito kasalukuyang nag lalagi base sa impormasyong ibinigay ng Private investigator na kaniyang inupahan

Gabi na ng maka rating siya sa tinutuluyan nito

At tila yata wrong timing siya dahil nakita niyang pa alis ito ng bahay sakay ng kotse nito

Napag pasiyahan niyang sundan na lamang ang dalaga

Bahagya siyang nagulat ng mag park ito sa harap ng isang bar

Ipinark niya na din ang kaniyang kotse sa di kalayuan sa space nito
Sinuot niya ang kaniyang bull cap pati narin ang hood ng kaniyang jacket

Tinitigan niya ang dalaga

Tulad ng huli niyang makita ito sa loob ng UP naka suot ito ng isang cocktail dress ang kaibahan lang ngayon ay kulay purple ang suot nito

Nakakapanibago din ang ayos ng buhok nito na ngayon ay hanggang balikat nalang ang haba kulot na iyon at ngayo'y kulay brown na

Bumagay naman ang kulay nito sa maputing kutis ng dalaga

Sinundan niya ito hanggang sa makapasok ito sa loob ng Bar

Naupo ito sa isang table sa dulo kung saan walang gaanong nag lalaging tao

Pumwesto ako sa table katabi ng table nito tumalikod ako dito upang hindi niya ako makita

Umorder siya ng alak sa waiter at ako din naman ay umorder narin

Ilang oras na kaming naka upo doon ng marinig ko siyang humikbi

Pakiramdam ko'y dinurog ang puso ko ng marinig ko siyang umiyak

Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko'y nasasaktan ako dahil siya ay nasasaktan

Tatayo na bale ang binata upang takbuhin at yakapin ang dalaga ngunit hindi niya ito itinuloy ng may babaeng lumapit dito

"Uy Yhana tumahan ka na dyan" alo nito sa dalaga

"Ipinag palit niya ako sa iba Shine hanggang ngayon ang sakit sakit parin eh"

"Sshhn best tama na madami pa namang iba dyan"

"Best mahal na mahal ko siya akala ko mahal niya ako pero hindi pala"

"Tahan na Best "

"Best ang sakit talaga mahal ko parin siya kahit na sinaktan niya ako mahal ko parin siya kahit ang sakit sakit na"

"Best hindi ka nga niya diba mahal humanap ka nalang ng iba yung mamahalin ka"

"Pero kasi Best ano eh ipinakita niya na mahal niya ako akala ko talaga Best mahal niya ako eh"

"Best hayaan mo na siya Marami kaming nag mamahal sayo"

Hindi na kinaya ng binata ang kaniyang mga nadinig hanggang ngayon parin pala ay mahal siya ng dalaga

Gusto niya itong yakapin kanina ngunit natatakot siya

Agad siyang umalis sa lugar na iyon

Kailangan niyang umisip ng paraan upang maging masaya ng muli ang dalaga

-Youdontkier
May 19 2015

TFTS1: In a RelationSHITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon