Chapter 1 - How I met you

421 9 0
                                    


Sam's POV

Year 2012

Isa lang akong studyante. Pero isa subject nalang meron ako, kaya sa vacant time ko nagtatrabaho ako sa isang fastfood chain. Kagagaling ko lang sa breakup, my EX cheated on me for the third time. So ayun, I had enough at binuhos ko nalang ang oras ko sa paglalaro ng computer games at pagtatrabaho.

Tumatambay ako sa internet cafe, sa tapat lang naman ng apartment ko ito, kaya kahit abutin ako ng umaga ay okay lang. Nagbabasa lang ako ng post sa FB at biglang may natanggap akong notification

Friend Request: Mon Rebecca Koh

Nacurious ako, kaya agad agad kung binuksan yung profile nya.

"wow ang ganda nya, parang model ata ito. Halos nasa studio ang uploaded pictures nya" sabi ko sa sarili ko.

Maya maya ay naisipan kong mag message sa sakanya total single naman ako at walang ginagawa. Ang totoo attracted ako, ganda talaga eh. "Di ko naman kilala to, machat ko nga".

Sam: TFTA (Kinakabahan ako baka isipin nito, chickboy ako o ano)

Mon: Hey! No probs

Sam: Ahh, taga san ka po?

Mon: Chiang Mai

Sam: Ahh talaga? May bahay kami jan. Kaya lang dito ako sa Pattaya nag aaral.

Mon: Gnun ba? Minsan din ako napunta dyan. Bumisita ako sa friend ko

Subukan ko kaya hingin ang number nito? hehe baka lang naman pumayag

Sam: Pwede ko ba hingin ang number mo?

...Seen... Naku , galit ba to? haha sorry naman. Makalipas ang ilang minuto, typing..

Mon: I'm sorry, but no.

Sam: Ah no worries, pasensya na. Anyway, it's nice meeting you. goodnight

Mon: Goodnight

Mon's POV

Wala akong magawa ngayon, kaya naisipan kong gumawa ng facebook account. Atleast dito, walang nakakakilala sa akin. Kakabreak ko sa jowa kong 6years, at gusto maghanap ng kausap dito. Just for fun, nothing serious. In-add ko si Yuki, kasama ko sa trabaho dati. Lumabas naman ang mga suggested friends. May isang profile ang nakakuhang attensyon ko.

"Hmm, ang cute naman ito." Mutual Friend namin ni Yuki si Samantha Chankimha. I sent her a friend request. Makalipas ang ilang minuto, she accepted me, at alam nyo na. Stalk agad sa profile.

Maya maya ay nag message sa akin si Sam. "Lakas ng loob nito, number agad? Ano ako easy to get?"

Mon: I'm sorry, but no.

Sam: Ah no worries, pasensya na. Anyway, it's nice meeting you. goodnight

Mon: Goodnight

Mukhang disappointed si Sam, natawa nalang ako at hinayaan ko na. Samantala, nagchat naman si Yuki

Yuki: Hi Sis! Musta?

Mon: Hello! I miss you. I'm okay. Ikaw?

Yuki: Okay lang naman, dito ako sa Pattaya ngayon. Pasensya na di pa ako makabisita sa Chiang Mai.

Mon: No worries Yuki. Pupunta rin naman akong Bangkok in a few days. Ahmm, kilala mo ba si Samantha?

Yuki: Samantha? Chankimha ba?

Mon: Ah oo, kakafriend ko lang sa kanya sa dito.

Yuki: Ahh oo, kasama ko dati sa fastfood yan nung nag-aaral pa ako.

Mon: What do you know about her?

Yuki: Omg, interesado kaba? Parehas naman kayo single so why not?

Mon: ah talaga single to? humingi nga ng number ko, mukhang disappointed di ko binigay

Yuki: Haha, rejected agad, don't worry di galit yan. Mag memessage yan sayo ulit.

At natapos ang gabi nag nagkukumustahan kami ni Yuki. Nacucurious na tuloy ako nito kay Sam. Sige, tignan natin kung mag message ka ulit.



________________________________________________________________________________

A/N: Well, kumusta guys? okay ba so far? This is me and my partner's true story. I am not a writer so don't expect much, pero sana ay magustuhan nyo ang storya namin.



Tadhana | FreenbeckyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon