Chapter 2 - Just being friendly

122 4 0
                                    

Sam's POV


"Ayaw ko, ayaw ko mag extend, may pasok pa ako bukas" Sabi ko kay Jim

"Sige na naman oh, please? Libre kita bukas. May lakad kami nila Mama. Payag kana Sam please?"sabi ni Jim.

Eto nanaman po tayo, alam kasi nilang isa lang ang subject ko, at wala naman akong pinupuntahan kundi trabaho, school, at internet cafe. Sa tuwing may aabsent eh ako talaga ang nakikita nila para punan ang oras nila.

"Cge fine, pag ako naman aabsent, no buts from you okay? Ano deal?"

"Oo ba! Ngayon lang naman to, ang bait mo talaga Sam. Regaluhan kita babae bukas you want?" Sabay tawa ng kaibigan ko.

"Wala akong oras dyan, pare pareho lang naman mga cheater mga yan."

"Di nga? May kachat ka nga dba? Ano ba pangalan nun.. Mon dba? Don't tell me di mo type yun" wika ni Jim.

"Malabo yun, mukhang mayaman naman yun at sobrang ganda. Di tayo mapapansin , kaya okay lang gawin ko nalang crush yun pero kahit papano may konting kilig naman tong buhay ko. "

"Naku, masyado mo naman minaliit sarili mo, ganda mo rin naman ah? Masipag at matalino pa."

"Jim, kung sakaling maging close ko to, di rin papatol sa akin. Ang labo talaga"

"Sige, sabi mo yan ah, goodluck sayo, sana di ka mafall sa pachat chat mong yan"

Natapos ang shift ko, 14hours exhausted ako nako naman. Pagkadating ko ng bahay ay agad kong inayos ang gamit at school uniform ko para bukas. Nilabhan ko narin uniform for work, isa lang meron ako kaya kelangan ko labhan para magamit ko agad.

Pagod ako pero di pa ako inaatok kaya naisipan ko ng buksan ang facebook ko. "Uyy, online si Crush" pero baka turn off to sakin kaya si Yuki nalang kinausap ko.

Sam: Yuki, kilala mo ba si Mon? Mutuals tayo eh. baka kilala mo lang

Yuki: Yes Sam, kasama ko dati sa work sa Chiang Mai. Alam ko nag-usap kayo. Sinabi nya sakin.

Sam: Nako, nakakahiya haha.. pangit ata first impression ko sakanya. Kasalanan ko ba? Ganda ng kaibigan mo eh.

Yuki: Haha, sorry Sam, head turner talaga yan kahit san kami pumunta. Crush mo?

Sam: Ha? Hindi ah. Nagagandahan lang ako

Yuki: Talaga? O ayaw mo kasi di ka binigyan ng number? haha pasensya na Sam, medyo private yang kaibigan ko na yan eh. Pero di naman nagalit yun, mabait yun.

Sam: Pati yan sinabi nya? nakakahiya, baka isipin nya napachickboy ko. and mukhang straight naman yang kaibigan mo.

Yuki: Tinanong mo ba?

Napaisip ako sa sinabi ni Yuki, oo nga naman di ko tinanong. Ang awkward naman, imagine tanongin ko sya, are you into girls? Anyway, di pa talaga ako inantok at online naman si Mon :)

Sam: Hi po!

Mon: Hello, bat gising kapa?

Sam: kagagaling ko lang sa work, di pa ako inaantok eh.

Mon: Work? Oh so working student ka pala. Sipag mo naman pala

Sam: Hehe don't be impressed. Wala lang akong magawa. May isang subject lang kasi ako ngayon at para may extra allowance ako. Ikaw?

Mon: Matangal na akong graduate, nagwork narin ako, kasama ko si Yuki before. Pero ngayon, mag aabroad kasi ako

Sam: Oh wow, saan?

Mon: Norway, Au pair :)

Nagtaka ako sa sinabi nya. Au Pair? Nagkamali ata akong ng basa sa kanya. Kala ko mayaman at maarte tong girl na to. Judger ko ba? Sorry naman.

Lumipas ang mga araw at lagi ko na nakakausap si Mon bago matulog. Nakakatuwa sya kausap, minsan may sense, minsan wala, pero napakacomportable ng conversation namin. Parang matagal ko na sya kilala

Mon's POV

Sam: Uuwi ako sa amin sa diyan sa Chiang Mai next week, pwede ba kita makita?

Nagdadalawang isip ako, mukha namang harmless si Sam, at iba sya sa mga nakilala ko dito sa socmed. Di man okay ang first impression ko sakanya kasi nanghingi agad sya ng number, pero nirespeto nya at di naman nagbago pakikitungo nya sa akin.

Mon: Sige ba, libre mo ko ha Starbucks(Biro ko sakanya)

Sam: Ah cge, iupdate kita :) goodnight Mon

Mon: Goodnight Sam


Tadhana | FreenbeckyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon