PLOT TWIST
Action!
Sa salitang 'yan nagsimula ang lahat. Ang salitang 'yan ang bumuo ng iba't-ibang eksena sa buhay ko na hindi ko malilimutan.
Habang umaandar ang mga kamera, at nakatutok sa ating dalawa ay lubos kong iniisip kung hanggang saan nga ba aabot ang kuwento ng buhay natin.
Minsan iniisip ko na lang na ang mga nakasisilaw na liwanag mula sa screen lights ay mga alitaptap sa gabi habang tayong dalawa ay magkasama. Na ang script ng pelikulang ito ay ang kuwento nating dalawa. At ang bawat linyang binabato natin sa isa't-isa ay totoo—na sinasabi mo rin sa akin ang mga katagang ako ang pinili mong ibigin.
Minsan iniisip ko na lang na habang nagroroll pa ang mga kamera ay tuloy lang ang kuwento nating dalawa—na hangga't 'di tapos lahat ng eksena sa pelikula ay may pag-asa pa akong makasama ka pa.
Hanggang ganito lang ba tayo?
"Cut!" sabi ng direktor na nagsilbing hudyat ng paghinto ng filming sa araw na 'to. "Good take, guys. That's all for today. Magpahinga na muna kayo."
Namatay na ang mga ilaw. Huminto na ang kamera. Natapos na naman ang isang araw ng kwento nating dalawa.
"Good job." nakangiti mong bati sa akin, "Napakagaling mo talagang umarte, Josh."
Sa totoo lang, hindi naman talaga ako umaarte lang para sa kamera.
"Salamat," sagot ko sa kanya, "Ayoko lang talagang madisappoint sa akin si direk. Kaya ginagawa ko lagi ang best ko."
Hindi naman kasi natatapos ang nararamdaman ko para sa kanya kapag natapos na rin ang mga eksena sa pelikulang ginagampanan naming dalawa.
"I doubt naman na madidisappoint si direk sa'yo," sabi niya. "Pagkakaalam ko nga, Josh, ikaw talaga ang napili para sa role na 'to. Bagay raw kasi sa'yo yung karakter nung pelikula."
"Pakiramdam ko binobola mo lang ako e."
Ang gusto ko lang naman kasi makasama kita sa labas ng mga screenlights, 'yung hindi sana tayo karakter sa isang pelikula—yung ikaw ay ikaw at ako ay ako.
Narinig ko ang mahina niyang tawa pagkatapos kong sabihin 'yon.
"Anyway, may plano ka ba after this?"
"Wala naman. Bakit?"
"Eh, last day na kasi ng filming bukas. Hindi pa tayo nagkakaroon ng time para maglibot. Ang ganda kaya rito sa shooting location natin. Gusto mo maglibot tayo?"
"Tayo?" tanong ko, "Ikaw? Tsaka ako?"
Minsan napaghahalo ko na ang pelikula at reyalidad. Minsan may mga bagay na akala ko nasa pelikula pa rin ako.
"Oo. Ayaw mo ba?"
"A-Ahh. Hindi naman. Akala ko lang kasi nagsu-shooting pa tayo." sabi ko, "It's not like you to ask someone out like that. Usually kasi pagkatapos ng shooting ay diretso ka na agad sa hotel na tinutuluyan natin. Nakakapanibago lang kumbaga."
Narinig kong tumawa siya pagkatapos kong sabihin 'yun.
"I guess gusto ko lang ng konting extension na kasama ka?" sabi niya, "Matatapos na lahat bukas 'di ba?"
Ito na ba 'yun? 'Yung plot twist sa buhay ko na hinihingi ko ng pagkatagal-tagal?
"Sabagay." sagot ko, "Saan ba tayo pupunta?"
"Basta samahan mo na lang ako." sabi niya.
Naglakad kami hanggang marating namin ang pampang ng dagat. Ramdam ko ang pinong buhangin sa aking mga paa. Nakatingin ako ngayon sa karagatang hindi mo makita ang katapusan, sa langit na unti-unti nang nagiging kahel dahil sa paglubog ng araw.
"Naaalala mo 'yung eksena natin dito?" tanong niya habang natatawa, "Alam mo sobrang awkward nun sa totoo lang."
Oo, naaalala ko. Kissing scene kasi 'yun. Pero sa totoo lang, 'yun yung eksenang pinakagusto ko.
"Hindi ka ba sanay?" tanong ko, "'Di ba lagi ka namang nagkakaroon ng kissing scenes sa mga dati mong proyekto?"
"Not like this." sabi niya, "Not with another guy."
"I see."
Hindi ko alam kung bakit ako nasaktan pagkatapos niya 'yung sabihin. Pero sa totoo lang, sanay na rin akong ganun ang naririnig.
"If you're not comfortable, bakit ka pumayag sa project na 'to?"
"I didn't say I was uncomfortable with it," sabi niya, "Hindi ko lang inexpect 'yung outcome."
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
Pagkatapos kong itanong 'yun ay tumingin siya sa akin. Naramdaman ko 'yung kamay niya sa kamay ko.
"Iba lang ang naramdaman ko n'on, Josh." sabi niya.
Naramdaman ko 'yung paghigpit ng hawak niya sa kamay ko. Na para bang ayaw na niya itong bitiwan.
"Is that scene just an act, Josh?" tanong niya.
It's not just an act to me.
"Sa tingin mo, act lang 'yun? For the sake of the film?" tanong ko rin sa kanya.
Nakita ko 'yung hesitation sa mata niya. Umiwas siya bigla ng tingin sa akin.
Biglang natahimik ang lahat. Yung alon na lang ng dagat ang naririnig ko.
Dugdug. Dugdug.
Naramdaman ko 'yung pagbilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ito na 'yung huling pagkakataon ko para malaman ko kung totoo ba ang lahat ng 'to.
Hindi pa rin niya binibitiwan ang kamay ko.
"Kung gusto mo malaman, pwede mo namang...gawin siya ulit." sabi ko, "without all the cameras pointed at us."
Hinawakan ko ang pisngi niya. Tinignan ko ang mga mata niya. Unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa mukha niya.
Ito na 'yun. Ito na ang plot twist na hinihintay ko.
And...cut.
BINABASA MO ANG
The End of the Rainbow (2023)
Short StoryA collection of short cheesy love stories that may or may not be loosely inspired by real-life situations.