T H E P R O M I S E
by: louiseangelique
"You will find as you look back upon your life that the moments when you have really lived are the moments when you have done things in the spirit of love."
~Henry Drummond~
Shane's POV
"Galit ka ba sa akin?", seryosong tanong nya sa'kin.
Hindi ako makasagot. Sabi kasi ng isip ko "oo", pero itong puso ko, walang ibang sinisigaw kundi ang pagmamahal ko sa kanya.
Masaya naman kami... NOON!
Sobrang masaya.
Magkababata kami ni Justin. Magkaibigan kami , at hindi lang basta magkaibigan, mag-bestfriends kami at para na nga kaming magkapatid. Pareho kaming solong anak ng mga magulang namin. Nakatira lang rin kami sa iisang village.
Prinsesa ako kung ituring ni Justin. Lagi nya akong inaalagaan at prinoprotektahan. Para nagng totoong kuya ko na sya eh.
Sya at ang pamilya nya ay parang kapamilya na rin ang turing sa akin.
Naalala ko pa nga noong bata pa ako, pag may business trip ang mga magulang ko sa ibang bansa, dun ako kina Justin nag-iistay.
His mom took care of me. At okay lang naman daw sa mommy nya dahil wala syang anak na babae.
Habang lumalaki ako, nasasanay na ako sa buhay na ganito, yun bang madalas kong hindi makasama ang parents ko kasi busy sila sa business namin. Pero kahit na ganun, wala akong anumang sama ng loob sa kanila. Naiintindihan ko sila at alam ko para sa akin din naman lahat ng sakripisyo nila.
I'm proud of them and really love them.
"Shane...", mahinang tawag nya sa akin.
Hindi ko na napigilan.
Napaiyak na ako.
Niyakap ko nalang ang sarili ko at isinubsob ang mukha ko sa aking mga palad.
Suddenly, I felt his arms wrapped around me. Then he leaned my head on his shoulder.
"I'm sorry...", bulong nya sa akin.
Hindi ako makasagot dahil patuloy pa rin ako sa pag-iyak.
"Shane, I'm not forcing you to forgive me, pero sana balang araw,mapatawad mo na din ako."
Nanatili pa rin akong tahimik.
"I'm sorry. I'm really sorry. It's just a joke, di ba sinab---"
"Stop please!", I said at the top of my voice.
Is he really apologizing or just blaming me because I believed on his stupid jokes!
Hindi naman ako galit sa ginawa nyang pag-announce sa classroom namin last week na kami na daw at sinabi pa nyang mahal na mahal nya dw ako more than a friend. Niyakap pa nga nya ako noon eh. Hindi ko naman akalain na gagawin at sasabihin nya iyon sa harap ng mga classmates namin...sa harap ng maraming tao. Mas lalo tuloy kaming tinukso ng mga kaklase namin.
I don't know, it's just that i believed on everything he said.
And you know what? That was the happiest day in my life dahil nga mahal rin pala ako ni Justin more than a friend... mahal din pala ako ng lalaking matagal ko ng lihim na minamahal.
Pero laking gulat ko nalang na noong isang araw, sinnabi nyang joke lang ang lahat ng sinabi nya at sakyan nalang daw namin yung panunukso ng mga kaklase namin. Honestly, I really don't know what's happening on him!