Kabanata 6

965 66 8
                                    

T-shirt

Maingat akong nakinig sa mga ka grupo ko para sa event. They accepted my suggestion of making a cupcake. Palihim naman akong napangiti. Iyong matalino sa amin ay abala sa costing. Siya na ang nagkalkula sa posibleng presyohan ng cupcakes.

We gathered here in cafeteria at napapansin kong may nag me-meeting ding ibang grupo.

"By box ba ang bentahan or by piece?" Ani Bella at inayos ang salaming sout.

"May by box at by piece para mas madaling maubos. Assorted ang cupcakes if by box---customers choice." Paliwanag naman ni Pat--iyong matalino.

"What do you think, Dulce?" Baling nila sa akin.

"Kung ano sa tingin n'yong mas mainam."

They just nodded. I exhaled. Mabuti nalang talaga at mabait naman itong naging ka grupo ko. May kasama akong taga Finance at Marketing kaya komportable ako sa mga plano nila. They seem very good at this. Kitang-kita mo sa mga mukha nilang hands on sila pagdating sa business.

Parang nagbulong-bulongan ang mga studyante dito kaya kami ng mga ka grupo ko ay napatingin din sa paligid.

Isaac is with his friends. Nakita ko rin iyong Felix at nakapamulsang naglakad katabi ni Isaac. Umupo sila sa hindi kalayuan kung saan malapit lang sa counter. Nagsihagikhikan naman iyong mga babae malapit sa kanila.

Mukhang hindi niya ako nakita nang napatingin siya sa banda namin. Agad din siyang nagbawi nang may binulong ang isa niyang kaibigan. Isaac just answered an evil smirk of whatsoever his friend's whisper.

Kumibot ang bibig nito nang may sinabi. Nagtawanan naman silang lahat sa kung anong sinabi sa mga kaibigan at isinandal ang katawan sa inuupuan. His hair was bet disheveled at ang dalawang butones sa kan'yang polo ay naka bukas. Gwapong-gwapo siyang nakaupo riyan, ah?

They are busy laughing when a girl shyly went to them.

"Hindi ba ay break na sila?" Ani Karen--isa sa ka grupo ko.

I am fighting my self to ask Karen kung anong ibig niyang sabihin when Mica did it for me.

"Nino?"

"Hindi ba ay naghiwalay na si Mica at Isaac? Sayang at bagay na bagay pa naman sila."

"Oo nga, iyon din ang pagkaka-alam ko. Arki student 'yan, 'di ba?"

Napatitig ako sa babae. She is very pretty. Nagmistula siyang anghel nang tumabi siya ni Isaac. She is white as me and her jet black hair made her stunning. I pressed my lips when I realized who she is. Siya iyong babaeng kinausap ni Isaac. Baka hindi naman talaga sila nag break? Baka nag cool off lang?

I excused myself para magbanyo. Pagtayo ko biglang may natapon na juice sa damit ko. I just wore a spaghetti top and mint green cardigan. Nang tiningnan ko kung sinong may sala ay bahagyang umawang ang labi ko. It was Yani's ex friend.

"Oh! Sorry!" Aniya sabay halakhak.

My groupmates stood up. Nagtinginan na rin ang mga studyante sa amin.

"Bakit ka umaaligid dito, Rachel? Nag s-spy ka ba?" Bella said annoyingly.

Rachel scoffed, "Come on, bakit ko naman 'yon gagawin? As if!"

Hindi ko nalang siya pinansin at baka masampal ko pa siya. Clearly, she's just bitching us. Or probably me?

Napatingin ako sa sarili. Nagkalat ang orange juice sa akin. Natalsikan pa ang mukha ko. Luckily, iyong cardigan ko iyong basang-basa and I had no choice kundi ang hubarin ito bago pa madamay ang inner top ko.

A Candied Rivalry (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon