“Ang sarap pagmasdan ang isang sunset lalo na’t kasama mo ang taong mahal mo. Masasabing perfect couple na ito, pero panu pag isang araw kasabay ng sunset na ito ang pagkawala ng taong mahal mo?
-----------------------------
Sunset na, ang ganda talaga, lalo na pag ang kalahati nito lubog nasa dagat..samahan pa ng mapupulang langit at ulap. Teka, asan na ba sya?? Asan na ba si Esa (short for Theresa).. nakalimutan nya ba na 8th anniversary naming ngayon. Imposible, kilala ko si Esa. At tiyak papunta na sya dito..
Ako nga pala si John at si Esa pala, siya lang naman ang longtime Bestfriend ko, at longtime crush ko na din, kaso hindi ko maamin-amin sa kanya. Kasi ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin. At ngayon, handa na akong sabihin sa kanya ang lahat.. handa ko ng sabihin na MAHAL KO SIYA..
Habang naghihintay ako sa kanya tumunog na yung ringing tone ng cp ko “Bestfriend by Jason Chen”.. pero nung tinitignan ko ang cp ko nakaramdam ako ng kaba.. pero sinagot ko pa rin ito..
Huh???? Anong nangyari? Natataranta kong pagtatanong sa taong kausap ko.. si Esa naaksidente at kritikal ang lagay nya.. isinugod sya sa ospital dahil sa iniwasan nya ang truck na papalapit sa kanya..
Sige-sige,, aalis na ako,,pupuntahan ko na sya dyan. Si Miya ang kausap ko sa cp, pinsan ni Esa. Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit hindi ko nalang sya sinundo, panu ba naman kasi inuna ko pa ang surpresa ko sa kanya kesa sa pagsundo ko sa kanya.. lahat ng ito kasalanan ko..pero hindi ko sya masisisi kasi sabi nya na may surpresa din sya sa akin.
Sinisisi ko pa rin ang sarili ko habang minamaneho ko ang sasakyan ko.. hindi ako nag alangan na magpatakbo ng mabilis, mapuntahan lang sya… pagdating ko sa ospital nadatnan ko si Tita at agad nya akong niyakap..tinanong ko kung asan si Esa pero patuloy pa rin ito sa pag-iyak kaya tinahan ko nalang sya kasi alam kong masakit na malaman ang anak mo ay nasa isang kritikal na kondisyon.. kaya’t hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na malungkot at mag-alala ng sobra. L
Lumabas na ang Doctor at lumapit sa amin. Umiiyak pa rin si Tita,, kinausap sya ni doc, “kayo ba ang nanay ng pasyente?“ umihikbing sumagot si Tita.. “oo, ako nga ” :’( “sorry, maam to say this but she is in coma.” At ayun nga dun na humagulgol sa iyak si Tita, at dun na din hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko L.
-----------------------------
3 days passed.. at ganun pa din si Esa wala pa ding malay, nag aalala na talaga ako sa kanya.. matapos ang insedenteng yun,, araw-araw ko ng binibisita si Esa dala na din ng mga prutas.. kinukwento ko sa kanya yung ginagawa ko araw-araw pag wala sya sa tabi ko.. sinasabi ko sa kanya na miss na miss ko na sya na sana gumising na sya.. pinagmasdan ko ang mukha nya, ang ganda talaga nya, mukha syang anghel na natutulog..
Hindi ko namalayan ang oras,, dahil sa nakatulog ako at di ko namalayan na gabi na,, mukhang nag-aalala na sila mama.. kaya nag paalam na ako kay Esa, pero bago yun may sinabi ako sa kanya.. “Esa, sana pagbalik ko bukas gising kana, miss na kita..I love you.”
BINABASA MO ANG
SUNSET (One Shot Story)
Teen Fiction“Ang sarap pagmasdan ang isang sunset lalo na’t kasama mo ang taong mahal mo. Masasabing perfect couple na ito, pero panu pag isang araw kasabay ng sunset na ito ang pagkawala ng taong mahal mo?