Chapter 4

43 7 1
                                    


"Do not waste one moment in regret, for to think feelingly of the mistakes of the past is to re-infect yourself. Turn from appearances and assume the feeling that would be yours were you already the one you wish to be."

Neville Goddard, "Feeling is the Secret"


Habang naglalayag pinipigilan niya ang sariling kiligin kay Isaac dahil ito na yata ang pinakgwapong afam na nakita niya sa kaniyang tanang buhay. xa nito sa mga sandalinng iyon ang camera nito at panay ang pagkuha ng larawan, matamang nakamasid lamang siya dito ng bigla itong luminga sa kaniya sabay click ng camera. Biglang nag-init ang kaniyang mukha ng mapagtanto niyang kinuhanan siya nito ng larawan. Isang malawak na ngiti naman ang gumuhit sa mga labi nito ng makita ang kaniyang reaksyon. 

Inalis niya ang bara sa kaniyang lalamunan bagon nagsalita." There is so much beautiful spot that you can take a picture later  Sir Isaac," wika niya na pilit ngumiti.

" Yeah, I know it's so beautiful,'' tugon nito na hindi inaalis ang tingin sa kaniyang mukha habang nakatutok parin sa kaniya ang camera nito sabay rinig ulet niya ang pag-click noon.Kinuhanan na naman siya nito ng lawaran. 

" Ermh,Mang Eddie pakibilisan nga ho ng patakbo,'' wika niya. Ngiti-ngiti naman ang matanda habang napapailing na nkatingin sa kaniya.

May-maya pa'y narating na nila ang isala matiloc idinaong ni Mang Eddie ang bangka sa pangpang,mabilis naman siyang bumaba at tumalon sa puting-punting buhangin na kumikinang dahil sa sikat ng haring araw. Sumunod naman sa kaniya si Isaac habang sukbit sa leeg nito nag lace ng camera. Tinalikuran nito para igala ang paningin sa paligid at isang malalim na buntong hininga ang kaniyang pinawalan at gumuhit ang isang malawak na ngiti sa kaniyang mga labi.

" Welcome to Matinoc Islands Sir Isaac!" malakas niyang wika na biglang humarap dito. Pero naglaho ang kaniyang ngiti ng walang Isaac na bumulaga sa kaniyang harapan ibinaba din niya ang kaniyang dalawang braso na nakataas para sana sa pag wi-welcome dito. Nakangiting iginala niya ang kaniyang paningin at nakita niya ito sa dikalayuan habang kinukuhanan ng larawan ang isang malaking pitak ng bago.

" Pakiramdam ko Genie, magkakatuluyan kayo ng binatang iyan," halos mapalundag siya ng marinig ang boses na iyon ni Mang Eddie na nasa kaniya palang likuran.Nakangiwing humarap siya dito.

" Nagkakamali ho kayo Mang Eddie, dahil imposibleng magkagusto sakin iyang foreigner na iyan ho," tugon niya na umiiling pa.

" Malakas ang pakiramdam ko na magkakatuluyan kayo at hindi ako magkakamali,patingin nga ng mga palad mo," wika nito na kinuha ang kaniyang dalawang palad.Wala naman siyang nagawa kundi hayaan lamang itong pag-aralan ang kaniya mga palad. Ilang segundo itong hindi nagsalita habang kunot ang noong pinagmamasdan ang kaniyang mga palad. Palipat-lipat naman ang kaniyang tingin mula sa kaniyang palad at sa mukha ng matanda.

Maya-maya pa'y binitawan nito ang kaniyang palad at tumitig sa kaniyang mukha." May malaking pagsubok kang dadaanan sa buhay pag-ibig pero nakakasiguro akong malalampasan mo iyon at katulad ng sinabi ko ang lalaking iyan ang makakatuluyan mo," seryosong wika nito." 

" What is Maka-ka-tulungan," 

Pareho silang napalingon sa nagsalita na walang iba kundi si Isaac habang kunot ang noo. Halos mali pa ang pagbigkas nito sa salita.Napatingin siya kay Mang Eddie bago nagsalita.

" Nothing Sir,did you take a lot picture over there?" tanong niya para ibahin ang usapan. Akala niya eh pinoy lamang ang may pagka-tsismosa pati para foreigner lahat nalang gusto malaman.


"Yeah, this Island is so beautiful I love the white sand,"tugon nito.

" Do you like me to take a picture of you?" tanong niya.

" Yeah, sure!" wika nito na inalis sa pagkakasukbit sa leeg ang lace ng camera at iniabot sa kaniya, tinanggap naman niya agad iyon.

" Okay Sir, you stand there so the blue sea is in your background,''aniya na inutusan itong tumayo sa may malapit sa dalampasigan.Kaagad naman itong sumunod tumayo roon bago nag pose  ng kaaya-aya sinimulan niya itong kuhanan i-click ang camera. 

" Hold on," wika nito. Bago inisa-isang alisin ang mga botones sa white sleeves nito at habang unti-unting bumubungad sa kaniya ng mga mata ang matipuno nitong dibdib unti-unting umaawang ang kaniyang bibig. Parang naging slow motion ang bawat galaw nito hanggang tuluyan  na nga nitong hubarin ang sleeve at tumambad sa kaniya ang matipuno nitong dibdib at ang bukol-bukol na mga abs nito, para siyang nabato balani habang tutok na tutok ang mga mata sa katawan nito.


Lord bakit? bakit pinahihirapan mo ako? diyos ko patawarin mo ako pero hindi ko mapigilang hindi pagnasaan ang lalaking ito!

" Hey! I'm ready,'' malakas nitong wika na nagpabalik sa kaniyang katinuan.

" Yes sir, Yes!" wika niya na natatarantang itinaas sa kaniyang mukha ang camera. Pipi niyang panalangin na sana matapos na ang araw na ito para makahinga na siya ng maluwag. Ilang poses ang ginawa nito bago sila natapos.

" Let me see," wika nito ng makalapit sa kaniya habang kinuha ang camera.Pinagmasdan nito ang sariling larawan." Hmm nice, you are a great photographer," wika nito na tinapunan siya ng ngiti.


" Excuse me Sir Isaac, do you like me to take a picture of you and Genie,'' Sabay naman silang napatingin ni Isaac kay Mang Eddie na makahulugang ngumiti sa kaniya. Pinanlakihan naman niya ito ng mga mata habang panay ang kaniyang iling.

" If its okay with her,'' si Isaac na tumingin sa kaniya.Ilang segundo siyang hindi nagsalita habang nakamata ang dalawa sa kaniya.

" Huh,ei no problem Sir," wika niya na pinagpapawisa ang palad.

Isanf malawak na ngiti naman ang gumuhit sa labi  ni Mang Eddie na halatang tinutukso niya. 

Nako Mang Eddie humanda ka sakin mamaya.


Binigay naman ni Isaac dito ang camera bago tumabi sa kaniya. Nakaharap sila kay Mang Eddie na handa na para kunan sila ng larawan. Pilit siyang ngumiti sa camera habang pahapyaw niyang sinulyapan si Isaac na malapad ang ngiti.

" Sir, can you put your arm on her shoulder?" wika ni Mang Eddie.

Nanlaki naman ang kaniyang mga mata sa sinabi nito bago tumingala upang tingnan si Isaac na hindi nawawala ang ngiti.

" Sure!" anito na mabilis umakbay sa kaniya at hinila pa siya palapit sa katawan nito. Hindi siya maka-react naninigas ang kaniyang katawan dahil nakadikit iyon sa hubad na katawan ni Isaac.

" Genie, can you put your arms on Sir Isaac's waist,''utos naman sa kaniya ni Mang Eddie. Gusto na niyang lumubog sa lupa sa mga pinagagawa ni Mang Eddie pero wala naman siyang magawa kundi sumunod. Kumilos ang kaniyang isang braso at pumaikot iyon sa bewang ni Isaac, muntik pa siyang mapakislot ng lumapat ang kaniyang palad sa matigas nitong bewang. Naramdaman naman niya ang mas pagdiin ng hawak niya sa kaniyang balikat at bahagya nitong pagpisil doon.

" Good," si Mang Eddie na malawak na malawak ang ngiti." Smile!" wika nito bago niya narinig ang pagclick ng camera.



                                                          To be continued.......





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 30, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

INTO THE ISLAND Where stories live. Discover now