Prologue

1 1 0
                                    

The Mystery Lost by: @Icynna_Hikari

"Ma, bakit hindi nyo ko ginising?" pagsasalita habang pandalas sa pagaayos ng kanyang hinigaan at nagbabadyang ilabas ang unipormeng kagabi lang naplantsahan.

"Ano ba naman kasi ang ginawa mo kagabi at nagpuyat ka na naman para hindi ka magising sa alarm clock mo?!" sigaw balik ni mama, na nanggagaling sa baba.

"Ma, nagsabi ako sainyo diba ngayon ang First day ng Midterms naming this sem, pano na ako nito? Halatang naghihintay na mga kaibigan ko sa Library." Napasinghap na lang ito at walang nagawa kundi pumasok sa loob ng cr para magmaligo.

Naisipan kasi ng kaniyang mga kaibigan na pumasok ng maaga kahit ang oras pa naman ng test nila ay sa hapon pa naka schedule. Naisipan din nilang tumambay na lang sa Library para doon ubusin at gugulin ang oras sa pag-aaral para sa mamayang pagsusulit na mangyayari.

Natapos na sa pagligo at pagbibihis si Ria kaya agad-agad niyang kinuha ang backpack. Sigurado syang walang nakalimutan sapagkat kagabi pa lang bago matapos syang gumawa ng mga reviewer ay nailagay at naisaayos nya na ito sa kanyang bag.

Patakbong bumaba si Ria sa hagdan at lumapit sa kanyang ina. "ma, baon ko po" hindi ito utos kundi pagtatanong.

"anak, wala ka bang naitabeng pera muna dyan? Yun muna gastusin mo may babayaran pa kasi ako sa trabaho ko eh magkukulang." Napasinghap na lamang ulit si Ria kasi wala syang magagawa kundi gamitin at gastusin sa araw nayun ang kanyang ipon na sana ay ipangbibili nya ng bagong ipad.

Malakas ang kutob ni Ria na walang pera ang ina, kasi nagiging halimaw ito pag wala. Nakasanayan na din niyang ipagoverthink ang mga ito. Na isipan nya na ding pumasok sa trabaho kahit sa isang Fast food chain lang pero nauunahan sya ng kaba at takot pati 17 years old pa lang ito, hindi nya alam kung matatanggap ba siya o hindi. Kaya sa huli overthink at paghiling na lang sa taas na sana makatapos na agad sya at yumaman para makatulong sya sa kanilang pamilya.

Lumabas na ito ng kanilang bahay at naghintay sa waiting shed ng dadaang jeep ng dahil dio naisipan nya ng buksan ang cellphon upang makabalita sa kanyang mga kaibigan kung nasaan na ang mga ito.

----------------

Kira: nasaan na kayo guys?

Patricia: nandito pa ako sa may SM sobrang traffic.

Pearl: OTW

Blaire: Nandito na ako mga nini, nasa 3rd floor kasama ng ibang college at kabatchmates natin.

Si Blaire ang naunang dumating kasi malapit lang ang tirahan nila sa paaralan.

Patricia: OTW? kana Pearl wow, ibakana ex

Hindi namn talaga sila mag Ex talagang ukitan lang naming lahat yun, since ang dalawa daw ay nbsb No Boyfriend Since Birth. Kahit nagging kafling din naman sila. Pero tinuturing lang daw nila yung puppy love.

Pearl: Hindi otw- On The Water

Blaire: gago ka nini, akala ko naman malapit na kayo.

Patricia: malapit na naman ako, si V ba nandyan na din?

Blaire: wala pa din, jusko mga nini usapan natin bago magbukas ang Library ngayon malapit ng mapuno kaya bilis bilisan nyo dyan kasi baka umalis ako dito at mawalan tayo ng table.

Midterms kasi ng lahat kasama ang nursery hanggang college. Panghapon nga lamang ang mga SHS pero ang mga JHS at elementary ay mga pangumaga ang schedule. Kaya karamihan ng SHS students at College ay nagsasama at nagkakaubusan ng mga pwesto kasi lahat ng tao ay nais mag-aral.

Victoria: naghihintay pa lang ako ng jeep, puro puno kasi dumadaan huhuT^T

Pearl: edi sana inagahan mo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 30, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Mystery LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon