"MANGGAGAWA" (Part 2)

32 2 1
                                    

PART²

Bumalik ako sa Opisina para kunin ang naiwan kong bag. Todo pahid ako sa luhang pilit na umaagos. Bakit ko pa kasi sya nakita?Kung masasaktan lang naman ako.

Nangunot ang noo ng isa sa mga kasama kong nag opisina ng mapansin ang pamumula ng ilong at mata ko. Kaya hindi naiwasang hindi sya magtanong. Nakakaseguro ako na ang babaeng niyakap ng manggagawang minahal ko ay asawa na niya. Sino ba naman ang hindi magmamahal ng iba kung ilang taon na ang lumipas. Kaya naiintindihan ko kung bakit may asawa na siya.

Suminghap ako para pigilan ang luhang nagbabadya na namang umagos uli. Wala akong naisagot sa tinanong ng kasama ko. Ni walang lumabas na salita sa bibig ko dahil sa kakaisip sa nakita ko kanina.

Dito na pala sya naka destino. At ngayong kasal na sya ,may sariling pamilya hindi ko sya kayang makita. Kaya aalis ako mag ta-transfer ako muli sa ibang lokal. Bahala na.

Mabilis akong lumabas ng opisina at ng marating ang kapilya ay Wala na ang mga ito roon. Muli na namang umagos ang mga luha ko habang bumabalik ang aming nakaraan at ang aking nasaksihan kanina.

Umuwi ako sa tinitirhan kong bahay. Sa Tita at Tito ko. Ginabi ako sa pag-uwi kaya't wala ng umiilaw na ilaw sa buong bahay. Pumasok akong naroon parin ang sakit. Akmang aakyat na ako sa kwarto ng maramdamang may tao sa kusina.
Natakot ako. Baka magnanakaw.

Kinuha ko ang pamaymaypay na nasa gilid ko at tumago sa gilid at dahan-dahang lumapit sa pintuan. Halos malaglag ang panga ko sa nakita. Gusto ko ng magpalamon sa lupa dahil sa hiya.

"Oh , Andyan na pala eh. Te-teka ano ang ginagawa mo?."dahan-dahan kong ibinaba ang pamamaypay habang kagat labi. Napunta ang tingin ko sa lalaki-o manggagawang nakaupo. Tumayo sya. Tinawag ako nina tito at tita kaya wala akong magawa. Nagmagandang gabi ako pero tila hindi na nila narinig pa. Ipinaghila nya ako ng upuan na kaagad ko namang ipinatigil. Dumistansya ako sa kanya at naupo sa kabilang upuan.

Nagkatinginan sina Tito at Tita. Tumikhim si Tita kaya natigil ako sa panginginig. "Hi-hindi mo man lang ba sasalubungin si Ethan?."nangunot ang noo ko. Bakit hindi nya kasama ang asawa't anak nya?Nasa akin ang tingin ni Ethan. Pinagsakop ang mga daliri na nasa ibabaw ng Mesa."Kamusta kana?."tanong nya. Umalis ang mag asawa sa harapan namin kaya mas lalo akong nainis. "Ok Lang. Matapos kang hintayin buo parin ang puso ko kahit pinaasa mo lang ako."hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas para sabihin iyon. Nagbago ang ekpresyon ng mukha nya at tila nagulat sa sinabi ko.

Tumikhim sya at lumunok"Nag transfer kana pala dit—."

"Kasal ka na pala."suminghap ako ng hangin matapos kong sambitin yon. Nasasaktan na naman ako. Nangunot ang noo nya"Kasal?."

"Kasal , Ka Ethan. May anak na pala kayo."ngumiti ako ng pilit at bahagya pang tumawa. Muling nangunot ang noo nya at bumuntong hininga"Wala pa akong Asawa at Anak. At lalong hindi pa ako Kasal."natigil ako. Ngunit iniisip ko parin na biro lang nya."Hindi ka parin nagbabago bolero, Ka Ethan."tumawa ako."Seryuso ako, Kapatid na Sheila. Hindi ako kaylan man magpapakasal hangga't hindi ko muli nakikita ang babaeng nagpatibok sa puso ko. At ngayong—."ngumiwi ako. Ngumisi sya at tila alam ang pinupunto ko." Nakita kita kanina pabalik ng opisana balak sana kitang habulin pero kaylangan ko ng magpaalam sa kapatid ko at sa pamangkin ko. Dinalaw nila ako kanina. Kaya naisipan kong puntahan ka na lamang dito."

Biglang kumirot ang dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag ang sayang naramdaman ngunit nagkamali ako pinaratangan ko syang kasal na at sinungitan ko pa sya. Ngumisi sya at tumayo.
"Narito ako para hingin ka"

Mula sa labas ng kapilya ay napatunayan kong walang imposible ang lahat sa Ama. Tinupad nya ang lahat ng mga panata ko. Lalong-lalo na ang makapiling ang taong inilaan nya sa akin. Ang lalaking Patuloy kong mamahalin , pagsisilbihan sa abot ng aking makakaya. Sasamahan kung saan man sya dadalhin ng Ama upang ipalaganap ang kalooban ng Diyos. Suot-suot ang puting gown habang papasok ng kapilya ay dala-dala ko ang sayang umaapaw sa aking dibdib habang hinihintay ako ng Manggagawang laan nya sa akin.

:::::::::

Kapatid marahil akala nati'y hindi na tutupadin ng Ama ang ating mga panata , ang kaylangan lamang nati'y magtiwala , maghihintay sa magagawa nya. Hayaan natin ang Ama ang pumili ng tamang tao sa atin. Tao na dadalhin at ilalapit sa kaniya hindi sa pag-alis sa Kanyang Iglesia.

Magandang Gabi po sa lahat.💚

INC StoriesWhere stories live. Discover now