Pag-ibig sa panaginip

1 0 0
                                    

                  🖇️. 𝐎𝐧𝐞-𝐒𝐡𝐨𝐭 𝐒𝐭𝐨𝐫𝐲.









"Lucio asan kana?" sigaw ko sa masulok na kagubatan sa likod ng aming bahayanan.



"Hindi ito magandang biro, Luciooo" isa ko pang sigaw sakanyang pangalan.


"Binibini andito lang ako sa iyong likuran" tinig na kanina ko pa inaantay at hinahanap.


"Tumingin ka sa iyong likuran at itaas ang iyong ulo" mahabang paliwanag nito at sinunod ko naman.



"Kanina pa kita hinahanap hindi ako pwede mag tagal sa gubat hahanapin ako saamin" makahulugan pag sumbat ko ngunit ngumiti lang ito habang abala bumaba mula sa puno.




"Ihahatid nalang kita mamaya upang hindi ka maligaw sa kagubatan" nakatalikod siya sakin at abalang pagpagin ang kanyang damit.




"Paano? Kabisado mo ba talaga ang pasikot dito?" Pagtatanong ko habang sinusundan siyang maglakad sa masukal na daan.




"Oo naman binibini eto ang tahanan ko"
Humarap ito sakin at nasulyapan ko ang kanyang maamong mukha na may ngiti sakanyang labi.



"Sabe mo yan lucio bubugbugin talaga kita" umakma pa akong parang susuntukin sita at tanging tawa lang ang sinagot niya sakin.



Patuloy lang kami sa paglalakad at nakakaramdam ako ng lamig , huminto si lucio at muli itong humarap saakin


"B-bakit?" Putol kong tanong sakanya at lumakad lang ito papalapit sakin , hindi siya kumibo pero may kinuha siya sakanyang dalang tela sa tagliran.


"Eto ang ipang taklob mo saiyong katawan upang maibsan ang lamig na iyong nararamdaman" mahaba ngunit mahinahon niyang paliwanag at muling naglakad

"Salamat lucio" sunod lang ako ng sunod sakanya hanggang sa makakita kami ng ilog sa kabilang dako

"Kaya ka nakakaramdam ng lamig ay dahil dito ang hangin ay tinatangay ang lamig ng katubigan" biglang sambit niya.


Napatango nalang ako at naglakad muli.


"Binibini akin na ang iyong kamay at aalalayan kita upang makatawid tayo sa mababatong ito" isang paanyayang kamay ang inilahad niya sakin at inabot ko naman ang aking kamay.



Inalalayan nya ako sa bawat hakbang namin sa mababatong daan madulas din dito dahil sa tubig galing ilog.




"Lucio sino kaba talaga?" Walang pansintabing tanong ko sakanya, natigilan siya sa paglalakad at humarap sakin.




"Isa lang ang pwede kong isagot binibini, ako ay isang ginoo na umiibig sayo" nabigla ako sakanyang sinabe, na para bang ang pula ng aking pisngi sa kilig.




"Paano mo na sabing ako ay iyong iniibig?" Taas kilay kong tanong sakanya ngunit salip na sumagot ay bigla nalang niya akong hinatak at sinalo gamit ang kanyang bisig.




"Binibini ikaw ay huwag gagawa ng anumang ingay" nakakatakang sinabe niya at wala pang isang segundo ay may narinig ako ng putok ng baril.




"Lucio a-ano yun?" Nanginginig ang aking kamay at kumapit sakanya ng mahigpit.




Naramdaman nya siguro ang aking panginginig dahil kinuha nya ang aking kamay at hinawakan ng mahigpit.






"Hindi ko rin alam binibini ngunit napapaisip ako na baka ang mga ito'y mga mangangaso at masasamang tao" hindi siya nagsalita pa pero dahan dahan niya ako hinila sa malaking bato at doon kami umupo upang magtago.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 31, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pag-ibig sa Panaginip Where stories live. Discover now