CHAPTER 3

539 28 2
                                    

Elena POV



Preskong simoy ng hangin ang malalanghap mula rito sa may soccer field ng University.

"Hmmmm! Ang sarap mo talagang magluto, El. Pwede bang kahit isang linggo ampunin ka muna namin sa bahay?" Pambobola sa akin ni Mae.

Natawa lang ako sa sinabi nito habang napapailing. Ipinagluto ko kasi sina nanay kaninang umaga ng beef steak kaya naman nagbalot na rin ako para sa baon ko ngayong tanghalian. Pinasobrahan ko na rin dahil alam kong kapag ganitong may baon ako ay nakikisabay sa akin sa pagkain si Mae.

Ang sarap kumain kapag ganitong may kasama ka na magana ring kumain. Lalong napaparami ang pagkain ko eh. Lalo rin akong mananaba.

"Alam mo, kapag ikaw talaga ang kasabay ko sa pagkain, hindi uso talaga ang diet eh." Wika ko.

"Sira! Ikaw nga itong ang sarap kasabay sa pagkain. Paano walang arte sa katawan." Muli akong natawa.

"Halata naman sa katawan 'di ba? Kahit anong ihain mo d'yan, siguradong kakainin ko talaga." Dagdag na biro ko rin. Kaya naman sabay na nagtawanan kaming dalawa.

Hanggang sa may bigla na lamang na sumaboy ng tubig sa akin habang kumakain. Nadamay pa ang pagkain na kinakain namin ni Mae at pati na rin ang palda niya. Habang ako naman ay basa na naman ang uniform pang itaaas.

Napahinga na lamang ako ng malalim. Lalo na noong marinig ko na pinagtatawanan ako nung mga sumaboy ng tubig sa akin. Bago ito tuluyang nagsitakbuhan palalayo sa amin.

"Napakawalangya talaga ng mga tao rito!" Rinig kong reklamo ni Mae at napamura pa ng mahina sa dulo.

"Hayaan mo na! Magbibihis na lang ako mamaya." Pagpapakalma ko naman sa kanya. Mabuti na lang at mayroon pa akong pamalit dahil kaninang umaga, muling sinabayan na naman ako ni Kassandra sa may gate kaya walang nang-bully sa akin.

"S-Sorry talaga, El. Hindi man lang kita magawang---"

"It's alright." Putol ko sa kanya. "Hindi mo naman kailangang gawin yun. Kaya ko namang magtiis." Dagdag ko pa. "Hindi mo ako kailangang ipagtanggol."

"Yun na nga eh. Tinitiis mo na lang."Sagot naman niya." Ewan ko ba kung bakit hinahayaan lang din ng University na ito ang pangbu-bully rito. Wala naman silang ginagawang aksyon bukod sa pagagalitan at ipatatawag ang mga magulang nangbu-bully sa'yo eh. Pagkatapos no'n? Ano? Wala na! Kaya sila nasasanay eh. Porke't anak ng mayayaman kasi kaya hinahayaan na lang din nila." Pagpapatuloy pa niya.

"Sshhh. Ano ka ba! Baka may makarinig sa'yo." Saway ko sa kanya. Bago ito mahinang hinampas sa kanyang braso.

"Eh bakit? Totoo naman ah." Muling wika niya habang pinupunasan ang noo at ulo kong nabasa ng tubig.

"Ahem!" Sabay kaming napalingon ni Mae noong marinig namin na may napatikhim mula sa aming likuran.

Nanlalaki ang aking mga mata noong makita namin ang isang lalaki na seryosong nakatingin sa amin. Agad naman akong kinabahan hindi para sa sarili ko, kundi para kay Mae.

Paano kung dahil sa mga nasabi niya ay siya na ang susunod na i-bully?

Napalunok ako ng mariin. Lalo na noong humakbang ang lalaki palapit sa amin. At iniabot ang bitbit nitong paper bag na mayroong mukha ni Jollibee. Noon ko lamang napansin 'yung hawak niyang iyon.

Dahil walang may isa sa amin ni Mae ang kumuha nito mula sa kanya. Kaya siya na lang ang naglapag nito sa aming harapan. Sa lapag lang kasi kami ni Mae nakaupo. Sa mismong damuhan at naglatag lang ng manipis na tela upang hindi marumihan ang aming suot na uniform.

My First Love Is A Superstar (GirlxGirl) ONGOINGWhere stories live. Discover now