CHAPTER 3

18 0 0
                                    

Alex's POV

Yung babaeng yun. Sigurado ba sila na yun yung ipapakasal nila sakin? Eh pinahiya nga ako sa harap ng madaming tao? Parang inakbayan ko lang naman siya, akala mo naman ni rape ko na para sprayan niya ko ng pepper spray sa mukha at sampalin pa ko! Grrrr! Sinabihan pa niya ako ng bastos? Duuh! Etong mukhang to? Bastos? at yung ganung mukha pa babastusin ko.. May taste naman ako noh! Kala mo sino siyang maganda eh ang panget niya kaya! Ayan dapat lang siya dun sa room na yun! HAHAHAH! Engot niya nlang kung di siya makalabas dun. Di ko naman ni lock yun! Di naman talaga gaano na irritate yung mata ko eh, plinano ko lang talaga yun para makaganti ako sa kanya. Pasalamat nga siya yun lang ginawa ko sa kanya. 

"Ang tagal mo naman, san ka ba galing?"  Tanong ni Ry. 

"Sa CR."  Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila na ginawa ko yun, Malamang lang na magalit sila. Siguro naman nakalabas na yun ngayon, marunong naman siguro magbukas ng pintuan yun. 

"Di naman pala na irritate yang mata mo eh, akala ko naman kung ano ng nangyari, makapag shades ka pa kanina.."  Sabi ni Drake.

"Oyy Alex! Asan yung fiance mo? Bakit hindi kasama ni Kelly?"  Nandun na si Kelly sa may first row  sa tapat ng stage, wala pa nga dun si Alice. Baka naman nag CR lang. 

"Aba! Ewan ko! Ry! Tigilan mo nga kakasabi jan na Fiance ko Alice! Mamaya may makarinig pa sayo eh!"  Nasa back stage kasi kami, magpeperform kasi kami mamaya after magsalita nung Daddy ni Drake na may ari ng University at ng kung sinu-sino pa. 

"Bakit anong masama? Totoo naman na fiance mo si Alice.." Sagot pa ni Ry. Kahit kailan talaga tong tao na to! Siguro naguguluhan na kayo? Oo, fiance ko si Alice, pero hindi niya alam. Sa totoo lang marami siyang hindi alam, hindi niya alam na Fiance niya ko, hindi niya pa pwedeng malaman, patunay na Fiance ko siya? Yung pangalan naming dalawa. Princess Alice siya, ako naman Prince Alex. Pinagkasundo kami ng mga magulang namin nung bata pa kami, bago pa man nagkaron ng problema yung family nila at nagkahiwalay ang mommy at daddy niya. Ang buong story niyan, sa totoo lang hindi ko naman talaga alam, wala naman akong dapat alamin, hindi naman ako chismoso! 

"Ry, hindi pa niya pwedeng malaman.. Sikreto nga diba?!" Sabi ko sa kanya.

"Bakit ba hindi niya pwedeng malaman?"  Tanong pa ni Ry. Napaka slow talaga ng tao na to! 

"Tama na nga yan! HIndi niya pa kayang tanggapin ang lahat.. Galit siya kay Dad, sigurado pag nalaman niya yung katotohanan pati sa atin magalit yun, malalaman niya din, pero sa tamang panahon.." Sabi ni Drake, salamat ng natahimik na si Ry. 

Ang daming salita, ang daming sinasabi sa stage. May mga ibang nag perform din, kami yung pinaka last kaya eto kami upo lang sa back stage. -_____________- Boring!! Teka, nasan na kaya si Alice? Nakabalik na kaya siya? Sumilip ako sa labas ng back stage, kita dito si Kelly. Wala padin si Alice. Ano na kayang nangyari sa kanya at hanggang ngayon wala padin siya? Baka siguro na badtrip kaya umuwi na, mukha namang di nag aalala si Kelly, siguro nagpaalam na sa kanya. Hmm, mamaya ko na nga lang i-checheck yung room kung nakaalis na siya, hayaan ko nalang muna siya dun magdusa sa ginawa niya sakin. 

Ilang oras din nakalipas.. Sinilip ko si Kelly, wala padin si Alice, hindi naman ako mapakali.

"San ka pupunta?" Tanong ni Daniel sa akin.

"May titignan lang ako.." Kailangan ko hanapin si Alice. Baka kung ano ng nangyari sa kanya, baka mapatay ako ni Drake. 

"at ang pinakahihintay ng lahat! Ang DJRD!!"  Nag sigawan na yung mga tao sa loob ng Gym.

"Mamaya mo na puntahan yan, tinawag na tayo, tara na!"  Sabi ni Daniel. Wala na akong magagawa, pumunta na kami sa stage, ang ingay at ang gulo ng crowd, karamihan sa kanila puro mga babae, pinilit kong hanapin si Alice, wala naman akong makita masyado, nakakasilaw yung mga ilaw na nakatapat samin. 

Nagsimula na kaming magperform, pero nasa isip ko padin si Alice. Bakit ganito? Alam ko maingay eh pero bakit parang wala akong naririnig? Bakit parang ang naririnig ko lang ay yung sarili ko, yung nasa utak ko, si Alice! Puro nalang si Alice.

Finally! Natapos na din! Anong oras na ba? Almost 6pm na. Nakakapagod. 

"Hey guys! Nawawala si Alice!" Nagtatakbo si Kelly papalapit sa amin. Nawawala? Pano naman mawawala yun?

"Baka naman umuwi na?" Sabi ko naman.

"Naka off yung fone niya kanina ko pa siya tinatawagan, akala ko nga pupunta siya dito para manuod, eh tapos na ang program wala padin siya dito.." Sabi pa ni Kelly.  Saan naman kaya nagpunta yung babae na yun. Baka kung ano ng nangyari dun. Yari ako kay Drake nito. Haaayyy buhay! 

"Hanapin ko na siya.."  Sabi ko at nagtatakbo na ko palabas ng Gym.

Nagmamadali akong umakyat dun sa room kung san ko iniwan si Alice. Shit! Ang dilim pala dito sa taas, grabe naman! Bakit wala manlang ilaw dito?! Binuksan ko yung mga ilaw. Nagmadali akong tumakbo sa room pero wala na akong naabutan kundi yung sirang pintuan. Nakaalis na pala siya dito. Sa sobrang galit siguro niya sakin nasira niya yung pintuan. Eh parang babaeng macho yun, ang sakit nga nung sampal niya sakin kanina eh. Ehh nasan na kaya yun?! pumunta ako sa room naming DJRD, may sarili kaming kwarto dito sa buong university. Pinasadya ni Drake para sa grupo. 

*BLAG!*

Napaupo ako sa sahig sa sobrang lakas ng pagkakasuntok ni Drake sa akin.

"Tama na yan!" Sigaw ni Kelly..

"Gago kasi to! Pasalamat ka Alex at nakita siya ni Daniel! Kung hindi baka makalimutan kong kaibigan kita at hindi lang yan ang nagawa ko sayo.."  Sabay labas ni Drake, si Daniel siguro nakasira ng pintuan na yun. 

"Bakit mo ba kasi ginawa yun Alex?"  Sabi ni Kelly.Eh bakit ko nga ba kasi nagawa yun? Hindi ko alam isasagot ko kaya hindi nalang ako nagsalita, umupo nalang ako sa sofa. 

"Alam mo ba na ang tagal na nakulong ni Alice duon? Iyak siya ng iyak nung nakita siya ni Daniel." 

Linapitan ako ni Kelly, umupo siya sa tabi ko inabot niya sakin yung ice bag..

"Takot pa naman sa dilim yun si Alice, tsaka alam mo naman ni first time nun pumasok sa school diba? Tapos ganun pa yung ginawa mo. Buti nalang talaga nakita siya ni Daniel, hinatid na din siya sa bahay.." 

With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon