Chapter 4

9 1 0
                                    

Jasmine POV

Pagdating namin ng simbahan.. wala ng pwedeng maupuan kaya tumayo na lang kami sa bandang likod.. at dahil nasa bandang pinto kami.. lagi akong nabubunggo sa tuwing may papasok..

Nagulat ako ng bigla niya akong hilain at dalhin sa harapan niya.. kaya nasa likod ko siya ngayon.. napangiti ako..

Pero mas nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at mas nilapit ang katawan niya sakin..

Nagsimula na ang misa kaya naman tumahinik na ang lahat maliban na lang sa mga batang nagiiyakan at nagtatakbuhan pa ang iba kahit sobrang sikip na.. pero nakakatuwa silang tignan sa tuwing sinasaway sila ng mga mommy nila.. ganyan-ganyan din ako dati..

Dati na si mommy lagi ang kasama ko tuwing linggo para magsimba.. simula ng lumipat ako kina nanay.. hindi na ako nakatungtung pa ng simbahan.. dahil hindi naman daw ako mabubusog ng Panginoon ko..

Hindi na binitawan ni Zenon ang kamay ko hanggang sa matapos ang misa hanggang sa paglabas namin..

"dito na tayo kumain sa labas.."sabi niya

Tumango na lang ako.. siya ang may pera kaya siya ang boss..

Pumasok kami sa isang fastfood chain na malapit lang din sa simbahan..

Pagpasok namin.. napansin ko agad yung mga estudyanteng nagbulungan ng Makita si Zenon..

Napasimangot tuloy ako..

"anong problema?"tanong niya napansin niya siguro..

Umiling lang ako.. naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa kamay ko.. napangiti ulit ako.. ako na ang baliw..

Pinaupo niya muna ako bago pumunta sa counter at umorder..

Pinagmasdan ko ang likod niya..

Gwapo naman kasi talaga.. napangiti ako na parang baliw..

Pagbaba niya ng pagkain.. napangiti ako.. matagal tagal na rin nung huli kong nakakain dito..

"sino yung mga batang yun?" tanong niya.

"ah.. yun? Mga kapitbahay ko yun dati.. sila yung mga batang hindi nag-aaral.. natuturuan ko sila dati every Saturday and kapag walang pasok.. eh diba nga lumipat na ako kaya siguro pinuntahan nila ako.." sabi ko nakatingin lang siya sakin.. ang totoo may gusto akong irequest sa kanya.. kaya lang nahihiya ako..

... "hmm.."pero umurong bigla ang dila ko..

"ano?" tanong niya

"kasi.. ano eh.." sabi ko hindi ako maktingin ng derecho sa kanya..

"ano nga?" medyo pasigaw niyang tanong..

Nagulat ako.. kaya napayuko ako..

Tinaas niya ang baba ko..

"ano yun?" ngayon mas mahinahon na..

"can I have a favor?" sabi ko

"ano nga?"

"pwede bang minsan sa bahay ko maturuan yung mga bata? Promise hindi sila magkakalat.." sabi ko

Tumingin lang siya sakin.. Mukhang ayaw niya..

... "but its ok kung hindi pwede .. I understand.." sabi ko at tinuloy ang pagkain ko..

Hindi na siya nagsalita.. naiintindihan ko naman.. ang kapal naman masyado ng mukha ko para iexpect na pumayag siya.. eh ako nga nakikitira lang sa kanya..

Pagkatapos naming kumain.. akala ko uuwi na kami.. Pero huminto kami sa isang bahay dalawang iskinita bago ang samin na hindi ko alam kung bahay ba talaga..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 02, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pambayad UtangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon