Part one

8 0 0
                                    

Nagkakape sa garden ang pormal na binata kinaumagahan nung matanaw nito ang papalapit na isa pang binata.
Kampante lang na humigop ng kape si miro nung nilapag ni kiel ang cp n'ya.

"Anong kalokohan 'yan?"may bahid ng asar ang tono ni kiel,ngumiti lang ang binata

"Natakot ka?"natatawang tanong ni miro

"Hindi ako natatakot,nabubwisit lang ako 'pag pinapasahan ako ng mga ganyan,samantalang halata namang walang sense 'yan."sagot ni kiel

"'Yon naman pala eh. Bakit mo pa mina-mind?"sa tono ni miro ay nang-iinis pa 'to kaya halata sa muk'a ni kiel ang pagkairita nung

"Men!"napalingon ang dalawa sa papalapit na binata. Halatang hiphop ito sa porma n'ya."si adik!ano ba yung pinadala mong chain message? Naalimpungatan pa'ko. Loko ka!nakiti ako nung mabasa ko eh. Wala pa naman akong load."bungad ni lenien

"Isa kapa?natakot kadin?"natatawang tantya ni miro
"Malamang!ayoko ngang nakakabasa ng gano'n at kinikilabatutan ako." Sagot nito

"Wala lang 'yon."tanging sambit ni miro.

Kinagabihan...
Nagkakasiyahan ang mga kabataang 'yon. Magkakumpol ang mga dalaga na nagkukwentuhan
"...by the way guys,may natanggap ba kayong chain message?"tanong ni ara

"Yung galing kay miro?"tanong naman ni jessie

"Oo,kaloko no'n,magpapasa ng gano'n kung kelan witch hour tapos byernes pa ?sama!"anas ni ara

"Natakot ka naman?"tanong ni amber

"Sino'ng 'di matatakot do'n,nagising ako nang dahil do'n tapos 'yun pa bubungad sa'kin?'di tuloy ako nakatulog ng maayos."sagot ni ara

"Para yun lang?"saka uminom ng juice si jessie

"Hello? Nakakatakot kaya,tapos 'di ko pa naipasa."natawa naman si amber

"'Di kasi ako naniniwala sa gano'n eh."hayag nito.

"Ako din. Aksaya pa ng load."tugon ni jessie

"Hi guys!"bati ng lumapit na si lenien sabay akbay kay jessie at amber. "Ano'ng kaganapan?"tanong nito

"Wala paba si miro at kiel?"tanong ni jessie,lumingon naman si lenien sa nasa sulok na si vin at brent

"Hoy!"tawag ng binata,matic naman ang lingon ng dalawa."sila kiel?"tanong nito nagkibit-balikat naman ang dalawa.

Pinarada na ni kiel ang kotse n'ya kahilera ng kotse nila lenien. Bago 'to bumaba ay tumingin muna s'ya side mirror at wala sa isip n'yang mapatingin din sa rare mirror nung magulat 'to at mapasinghap sa muk'a na nag-reflect sa mirror pero pagkurap n'ya ay wala naman na ito. Agad s'yang lumabas saka ni-lock ang kotse nung pagbaling n'ya ay napaatras s'ya sa pagkagulat

"Ok kalang?"tanong ni miro,do'n lang kumalma ang binata

"Ba't ba nanggugulat ka?"anas ni kiel ngumiti lang si miro.

"stress kaba?"natatawang biro ni miro. Tiningnan lang s'ya ng masama ni kiel at nagdire-diretso sa tambayan nila.

"Amigo...sigurado!"paakap na bati ni lenien sa kadarating na si kiel. "...natagalan ah?may ginawa kapa no? Aminin?"pang-aalaska nito

"Sira!kung anu-ano ang mga nalalaman mo."anas ni kiel

"Oh,eto nalang." Saka kumuha ng shot glass ang binata at inabot kay kiel. Agad naman 'tong shinat ng binata at binalik kay lenien "that's my boy!yee hah!!!!"nakatawang suporta ni lenien. Natawa nalang si kiel at tinapik ang binata sa balikat saka lumapit sa mga dalaga.

"Miro!"bati ni brent at vin,nag-appear pa sila saka inabutan ng maiinom ang binata.

"Kumain ka muna."alok ni vin.

"Sige lang. Tapos na."tugon ng binata.

"...how are you handsome?"malambing na bati ni jessie saka hinalikan sa pisngi si kiel.

"I'm still."biro ni kiel saka humalik kay ara at amber.

Nag-set na sila sa long table at masayang nagkukwentuhan nung sumingit si ara

"...napaka mean mo miro."napatingin naman ang lahat sa dalaga "ba't naman nagpapasa ka ng chain message ng gano'ng oras?"anas nito,ngumiti lang ang binata.

"Don't mind it nalang."sabi ni miro

"Natakot din ako eh,honestly."hayag ni brent

"Ako din naman, pinasa ko nga din eh...kaso,expired na pala 'ko."saka tumawa si vin.

"Alam n'yo guys!wag n'yo ng isipin 'yan. We're here to have some fun right?"saka tinaas ni lenien ang baso,pinalakasan naman ni brent ang sounds "let's have some fun babies!yeah!!..."sigaw ni lenien kaya nakitugon na ang lahat.

The chain messageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon