Part four

1 0 0
                                    

May katagalan naring binabanatan ni ara ang babae nung hilahin s'ya ni brent kaya pagapang na tumakas ang babae bitbit ang mga damit nito.

"Wait lang-"awat sana ni brent nung sampalin s'ya kabilaan ng dalaga.

Nagtatawanan pa si lenian at kiel habang binabagtas ang hi-way,kagagaling lang nila sa bar no'n at parehas ng may tama nung tumunog ang cp ni kiel,sinagot n'ya.

"Kiel?naistorbo ba kita?"mula sa kabilang linya, si amber

"Hindi. Pauwi palang kami,ba't ka napatawag?"tanong ng binata

"Si ara kasi umalis kanina,siguro nasa bahay s'ya ni brent. Ok lang bang paki-check?"

"Ah o sige,dadaan kami."sagot ng binata,akmang papatayin na nito nung

"Kiel. Salamat."nangiti lang ang binata at in-off ang cp

"...makinig kanga muna!"saka binagsak ni brent si ara sa kama paupo."ano ba'ng problema? Ba't nagwawala ka ng gan'yan?! Hindi naman tayo diba?"parang nagulantang ang pagkatao ng dalaga sa narinig.

"Ano kamo?"halos wala ng boses ang dalaga habang tumutulo ang luha.

"Look ara...oo may usapan tayo,m.u. tayo pero hanggang do'n lang,with benefits lang diba?pero wala tayong pakealamanan, 'di kita pinapakealaman 'pag ikaw ang gumagawa ng ganyan,pero 'pag ako? That's unfair."anas ng binata.

"Kasi nga mahal na kita. Mahal na kita brent!"hagulgol ng dalaga

"What?uhh sorry but i don't love you!"natigilan ang dalaga sa narinig kaya matic ang pagtayo nito at solid na sinampal ang dalaga saka n'ya ito hinawi.
Napabuga ng hangin si brent pampakalma nung may mag-txt,kinuha n'ya 'yon agad at binasa ,isang chain message. Napabuntong-hininga 'to sa pag-aakalang si ara 'yon pero hindi.
Nahihilam na ang dalaga sa luha nito pero tuloy parin s'ya sa paglakad nung kunin n'ya ang cp n'ya para tumawag pero napahinto ito nung may madaanang imahe kaya kinabahan ito.

"Hello? Ara?"boses 'yon ni amber mula sa kabilang linya pero 'di na makasagot ang dalaga dahil kinakabahan na 'to at dahan-dahang lumilingon para kumpirmahin ang imaheng napansin nung mamulagat ang dalaga.
Nagtaka pa si amber nung maputol ang tawag na'yon. Sapul sa bunganga si ara ng matalim na bagay na tumapyas patagos sa likod ng ulo n'ya. Bumagsak nalang ang kalahati ng ulo nito kasabay ang katawan n'ya.

Napahinto sa paghihilamos ng muk'a si brent nung makarinig ng kalabog mula sa baba kaya agad n'yang pinunasan ang muk'a n'ya.,kinuha ang cp at tumakbo palabas nung una n'yang mapansin ang itim na imaheng nasa dulo ng hagdan at lumakad na parang papunta sa labas.

"Sino 'yan?"tanong ng binata at agad na tumakbo pababa para tingnan nung madulas ito sa naapakang kung ano kaya nabitiwan n'ya ang cp at gumulung-gulong ito pababa.
Dahan-dahan pa s'yang tumatayo dahil parang nabalian ito nung pag-angat n'ya ng ulo n'ya ay namulagat 'to at binugsuan ng matinding kaba dahil may matulis na bakal na galing sa bintana ang tatama sa kanya pero huli na para umiwas mabilis 'yong tumama sa kan'ya at sakto ito sa bunganga. Pagbagsak n'ya ay tumukod pa ang bakal sa sahig at dumulas pa ang nakatusok dito.

Saktong pumarada sa tapat sila kiel at agad n2 nilang napansin ang kotse ni ara kaya bumaba sila.

"Pupuntahan paba natin? Baka makaistorbo pa tayo."sabi ni kiel.

"Ich-check lang naman natin eh. Edi pag andyan tara na at umuwi diba?"sagot ni lenian,nakumbinsi naman ang binata.
Dahan-dahan pang pumasok sila nung mapansin ni lenian ang nakahiga malapit sa pinto.
"Shit brod!"sambit ng binata kaya napatakbo si kiel palapit nung mapaatras 'to sa takot.
"Oh shit!!!" 'Di na maipinta ang muk'a ni lenian nung makita ang karumaldumal na sinapit ni ara.
"Si brent."sambit ni lenian,agad naman itong pumasok at hinakbangan si ara na 'di n'ya makuhang tingnan nung pagpunto n'ya sa direksyon ay halos masuki ito nung makita n'ya si brent.
Agad na napansin ni kiel ang cp ni ara kaya kinuha n'ya 'to. Napansin n'ya na may unread message pa ang dalaga kaya binuksan n'ya 'to.
Chain message. Hindi nakaregister ang number ng nagpasa at nung tingnan n'ya ang oras na narecieve ay 2:11am kaya agad n'yang tiningnan ang oras 2:15am.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The chain messageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon