BOOK 4 > Ch. 6 ~ HIDDEN ~

11.7K 333 36
                                    

'Out of all your lies, I love you and I will never hurt you are my favorite'







i...







Pag-sapit ng eksaktong ala-sinko, halos liparin ni Geneva ang pintuan palabas ng kanyang opisina dala-dala ang kanyang shoulder bag. Lumalaki na ang kanyang tsan sa kambal na ipinagbubuntis, at aaminin niyang mas madalas ang hip cramps na nagpapabagal sa kanyang paglalakad. Nagmamadali siya. Kahit na binabati siya ng mga empleyado nila, ngiti lang ang iginaganti niya. Gustong-gusto na niyang maka-alis sa Triple R Building, kung kaya't hindi na siya dumaan sa opisina ng asawa at tinext na lang niya ito.


Halos tatlong beses na niyang pinindot ang elevator pababa, pero sa pagkakataong ito, bagal na bagal siya sa usad ng pag-akyat nito sa 35th floor. Hindi pwedeng ngayong araw na ito pa magbagal ang elevator at may pupuntahan siya. Pikon na pikon na siya ng marealize niyang limang minuto na ang nakakaraan at hindi pa rin nagbubukas ang elevator. Kung hindi lang siya buntis, baka tinakbo na niya ang fire exit. Pini-pindot pa rin niya ang elevator, nang may nagsalita sa kanyang likuran.




" Babe? "




Hindi na kailangan pang lumingon ni Geneva upang mahulaan kung sino ang nagsalita. Hinarap niya si Rafa Armand na nagmamadaling lumapit sa kanya. Agad siyang ngumiti pagkakita sa asawa.




" Hi. "




Ang sabe ni Rafa Armand na parang nagliwanag ang mukha pagkakita sa asawang paganda ng paganda sa paningin niya araw-araw. Binigyan niya ang esposa ng isang quick kiss pagkalapit niya dito, hindi alintana ang mga dumadaang empleyado.




" Where are you heading, Baby? 'Ni hindi mo man lang ako dinaan sa office ko? "




Ang sabe ng CEO ng Rainbow Inc. na tipo bang nagtatampo. Inabot ni Geneva ang labi ng asawa para alisin ang stain ng kanyang lipstick dito.




" Babe, napag-usapan na naten 'to kaninang lunch, 'di ba? Pupuntahan ko lang si Elizabeth sa apartment niya. Three blocks lang naman 'yun eh from here. Don't worry, tuloy parin naman ang movie date naten later. I just need to check on her. Is that okay? "

" Love Untitled " ~ Secrets And Scandals ~ BOOK FOUR #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon