"Hi, Idol!"

425 13 2
                                    

"WHAT?!" Shocked na sabi nito.

"Break na tayo."

"You're kidding, right?" Umiiling-iling pang sabi niya.

"No, na-realize ko lang na walang patutunguhan 'tong relasyon na 'to. Na-realize ko ding mali na nilayuan ko mga bestfriends ko dahil lang gusto mo. At alam ko na sikreto mo."

Nandito kami sa isang restaurant sa MOA. Nakikipag-hiwalay na ako. Na-realize kong hindi ko naman pala siya mahal at tama ang sinabi ng mga kaibigan ko

[Flashback]

"Hi, Bullies! Na-miss ko kayo!" Masayang bati ko sa bullies pagkarating ko dito sa Starbucks.

Na-miss ko 'tong nga lokang 'to. Hindi ko na sila masyado nakakasama dahil sa condo ako ni Mama nakatira ngayon. Injured din ako kaya hndi ako kasali sa training at bihira ako pumunta ng training nitong nakaraan dahil kailangan ipahinga ang tuhod ko. Ngayon, medyo okay na daw at wala na din akong crutches. At isa pang dahilan ay dahil ayaw niya na kasama ko ang bullies dahil apat sa mga ito, pinagseselosan niya. Pati sa ibang team mates ko nagseselos siya. Kaya naman umalis na din muna ako ng dorm para wala ng away.

"Uy, Ara! Andito ka na pala." Masayang bati ni Kim sa akin saka umusog para may maupuan ako.

Ara Kim Cams
     *table*
Yeye Cienne Carol

Awkward naman na ngumiti sa akin ang tatlo saka nagpatuloy sa kuwentuhan nila.

Tinignan ko naman si Cams na poker face habang humihigop.

"Hi, Cams! Kamusta?" Nakangiting bati ko sakanya. Tinignan niya lang naman ako at tumaas ang kilay niya.

"Anong ginagawa mo dito?"

Natigilan ako sa tanong niya. Ganun din ang mga kasama namin.

Ano daw?

"H-huh?"

"Sabi ko, anong gin--"

"Camille!" Naputol ang sasabihin niya ng magsalita si Kim.

"What? Nagtatanong lang ako." Sabi niya at nagkibit balikat.

Feeling ko napahiya ako sa tanong niya. Anong ibig niyang sabihin?

"Anong ibig mong sabihin, Cams?" Nakakunot noong tanong ko. Nagtataka talaga ako. May nagawa ba ako sa kanilang hndi nila nagustuhan? Wala akong maalala.

"Hindi mo alam? Really, Vic? Really?" Nagulat ako ng si Cienne naman ang sumagot. Masama ang tingin niya sa akin--no, nila pala. Lima sila.

Umiling lang ako.

"Mga baks, chillax lang."

"No, I think dapat niyang ma-realize yung mali niya." Sabi naman ni Yeye.

"Teka, ano bang nangyayari? Ano bang nagawa ko? Wala naman akong ginagawa sa inyo ah. Bakit ganyan kayo magsalita?"

"Bakit ganito? Ara, NASAKTAN KAMI. NASAKTAN MO KAMI!" Nagulat kami ng biglang hampasin ni Camille yun lamesa. Napapatingin na sa amin yung ibang tao.

"Nasaktan? Kayo? Niloloko niyo ba ako? Kung oo, itigil niyo na, hindi kayo nakakatuwa." Inis na sabi ko. Wala naman kasi akong idea kung ano pinaglalaban nitong mga 'to

"Mas hindi ka nakakatuwa, Ara. Sana nga niloloko ka lang namin eh." Nagulat ako nang magsalita si Kim sa tabi ko.

"Tangina naman Bullies eh."

About USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon