"I don't love you. I never did."
Parang may isang bombang sumabog sa puso ko na dahilan ng pagkawasak nito. Masakit. Sobrang sakit.
"P-Pero sabi mo mahal mo ako?" Nanginginig na tanong ko
"I never said that." Cold na sabi nito sa akin.
"Pero yung mga pinapakita mong sweetness. Ganun na din yun di ba?"
Patuloy sa pag-agos ang luha ko.
Umiling lang siya. "No. I'm sorry, Leah." Saka siya nag-simulang mag-lakad palayo.
Gusto kong humiyaw para tawagin siya pero walang boses na lumalabas. Hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.
Bakit?
Akala ko mahal niya ako? Akala ko...
Para akong winawasak sa sakit.
Napaupo na ako sa kinatatayuan ko at tuluyan ng napa-hagulgol. Nanghihina yung tuhod ko.
Hndi ko alam kung kaya kong tanggapin. Bakit ang unfair? Bakit ganoon?
Mula freshman years sa high school, mag-kaibigan na kami. Magkasama sa lahat ng bagay. Halos sa kanya na umikot yung mundo ko. At habang lumilipas ang panahon, lalo kaming nagiging sweet sa isa't-isa. Lalo na siya sa akin. Umabot sa puntong, inakala ng lahat na may relasyon kami.
Pero biglang nagbago yun nung senior year namin, hindi ko namalayan unti-unti na pala kaming nagiging cold sa isa't-isa.
At eto na nga ngayon, sinabi niyang hindi niya ako mahal. May mas sasakit pa ba doon?! Fuck this life.
Hndi ko alam kung gaano na ako katagal na umiiyak habang nakaupo dto. Namalayan ko nalang na may nag-aabot ng panyo sa akin.
Nung una, hndi ko makita ng mabuti yung mukha niya dahil malabo ang tingin ko gawa ng luha. Pero habang tumatagal, unti-unti nang lumilinaw.
Una akong napatingin sa singkit niyang mata, gwapo siya. Matangos ang ilong, manipis ang lips, maputi...
"Miss, panyo?"
"Uh, yes. Sa-salamat." Nahihiya ko namang inabot yung panyo at ipinahid sa basa kong mukha.
Nang matapos kong punasan yung mukha ko, in-offer naman niya ang kamay niya para tulungan akong tumayo.
Pero nagulat ako ng feeling ko nakuryente ako, poste ba siya ng Meralco?
Pinaupo niya ako sa isang bench na malapit at umalis.
Habang pinapanood ko siya mag-lakad palayo, bigla ko na namang naalala si Kiefer kanina nung iniwan niya ko. Tangina niya, mahal na mahal ko siya pero bakit?
Nag-init yung gilid ng mata ko, naiiyak na naman ako. Peste.
Sinayang niya yung almost 5 years na samahan namin. Taragis, all this time, akala ko kami, pero assumera lang pala ako.
Pero kung ikaw nasa puwesto ko, panigurado ganoon din iisipin mo. Kasi ginagawa namin halos lahat ng ginagawa ng mag-jowa, well except for the kiss and all. Promise, never yun. Oh, kiss lang sa forehead at hug pero hanggang doon lang, nothing more, nothing less.
Ngayon, hndi ko alam kung paano mag-uumpisa ulit ng wala siya. I-denepende ko na sa kanya lahat, kasiyahan ko, kalungkutan ko, buhay ko.
Ramdam na ramdam ko yung sakit hanggang sa kaloob-looban ko. Ganito pala feeling ng broken-hearted. Akala ko noon, oa lang yung iba. Na umaabot sa pagiging suicidal, pero totoo pala. Sa sobrang sakit, mas gugstuhin mo nalang mawala. ARGH!