H 1 - Sirenas
×××
Sirena, sila 'yung mga taong pusong babae, kilos babae, pero napunta lang sa maling katawan. Ewan ko lang sa iba.. pero ako sobrang laki ng pagmamahal ko sa mga gays. Kasi may mga kaibigan akong gays, 'yung hinahangaan kong artista gay, natutuwa ako sa kanila.. sobra. I think sila 'yung isa sa pinakadahilan kung bakit nagkakaroon tayo ng rason para ngumiti. Para magkaroon naman ng chance sumaya.
'Pag brokenhearted ka o kaya nag-away kayo ng jowa mo, pumunta ka lang ng comedy bar okay na. Kahit papaano sasaya ka sa mga jokes nilang hindi mo alam saan nila hinuhugot. Kung nalulungkot ka kasi feeling mo ang boring ng buhay mo, pumunta ka lang sa Youtube. I-search mo 'yung mga videos nila ate Gay, Vice Ganda at ate Charon solve na. Ako 'yung ganitong tipo ng tao, mababaw ang luha ko pero mababaw din ang kaligayahan ko.
Nakakatuwa 'no? Pinapasaya ka nila pero hindi mo alam maski sariling labi nila hindi nila mapatawa. Tao din sila, kagaya natin may mga problema. Sa tingin ko ang number one dito eh ang salitang acceptance. Aminin natin na hindi lahat tanggap sila lalong lalo na ang mga taong nakapaligid sa kanila. Especially 'yung mga tatay nila (karamihan). Well, siguro hindi naman natin sila masisisi kasi nga naman baka naghangad sila ng anak na magmamana sa kanila hindi sa asawa nila. Pero bakit ganun? Sobrang tanggap nila ang mga sarili nila pero anong point nun kung ang mga taong mahal nila eh hindi sila lubos na matanggap? Bakit hirap na hirap tayong ibigay ang kahit katiting na pagtanggap sa kung sino talaga sila? May mali ba sa pagpapakatotoo sa sarili mo?
Pangalawa siguro ang love. I-disregard na muna natin ang love sa pamilya, magfocus tayo sa love na pang-dalawang tao. Jowa kumbaga. Actually kaya talaga naisipan ko itong isulat eh dahil sa napanuod kong movie kanina. Tungkol siya sa isang gay na na-fall sa kaibigan niya. Siyempre hindi maiiwasan na masaktan.. kaya nung time na 'yun naitanong niya sa sarili niya..
"Why do boys only love girls?"
Bakit nga ba? (Kung may opinion kayo especially boys i-type niyo lang sa baba. Walang problema.) Ang akin lang, gender na ba ngayon ang nagdedefine sa salitang love? Bakit kailangan sa opposite sex lang tayo dapat umibig? Wala namang pinipiling gender ang pag-ibig 'di ba? Once na maramdaman mo 'yung mga pesteng butterflies sa stomach mo at ang kabog ng puso mo eh ayun na 'yun. Eh paano kung na-fall ka sa lalake samantalang lalake ka rin, mali ba 'yun? Kasi ako wala akong nakikitang mali dun. That's true love.. I think.
Naaawa ako sa mga taong hanggang ngayon hindi pa rin bukas ang isip sa mga ganitong issues. Na kung mandiri eh akala mo malinis. Na kung manghusga akala mo perpekto. Dumaan din ako sa ganito, naranasan ko rin ang manghusga at manlait ng kapwa ko. At oo hanggang ngayon gawain ko pa rin. Hindi ako perpekto.. walang perpekto. Pero pagkatapos nun eh habang nakahiga ako sa lapag, titingin ako bigla sa kisame at maiisip na mali ang ginawa ko at humihingi ako ng tawad at tulong sa Kanya. At hindi natatapos 'yun, hindi natatapos magkamali ang isang tao. Kaya ko ito ginawa para rin malaman niyo na tao tayo, we are all humans. Loved and accepted equally by our Almighty God.
Kaya sana matuto tayong matuto. Huwag sana nating iturin ang iba na iba sa atin. Huwag nating maliitin ang iba na 'di hamak na mas matangkad naman ang potential kesa sa atin. We are all humans, we all deserved to loved and to be loved. Kaya sana huwag nating ipagkait ang oportunidad sa atin na maging malaya at masaya.
To all sirenas, gays, bakla, beki, maders, te, bading, third sex (and whatever you call them) out there, siguro tatalikuran kayo ng marami pero remember He loves you so much. Kaya learn to love yourself.
Be happy.. be free!
xxx
[May 21, 2015 - 11:23 pm]
BINABASA MO ANG
H
Random"Kung ano ang nais kong isulat, isusulat ko." -H --- H Haning Polangi [May 21, 2015]