H 2 - Life

10 1 0
                                    

H 2 - Life

×××

Life, buhay. 11:52 na ng gabi at bigla itong sumagi sa isip ko. Paano kaya kung isang araw eh bigla na lang akong mawala sa mundo? Nagawa ko na ba lahat ng mga gusto kong gawin? Naging kuntento ba ako sa panahon na inilaan sa akin?

Ito dapat 'yung mga tanong na madalas nating itanong sa sarili natin. Hindi 'yung Maganda kaya ako para kay crush? o kaya naman Babalikan ko kaya siya? Yes alam ko na part na ito ng ating daily life pero marami pang mas makabuluhang bagay na karapatdapat pagtuunan ng atensyon kesa sa mga ganyan.

Masyado tayong nakukulong sa pag-iisip sa mangyayari sa hinaharap na nakakalimutan nating ang kahulugan pala talaga ng buhay ay ngayon. Kumbaga ngayon ang break mo! Dito pumapasok 'yung salitang Carpe Diem.. ibig sabihin i-enjoy mo kung ano ang ngayon, feel the moment.

Kung isang araw ba mawala ka nasabi mo na ba sa mga mahal mo na sobra mo silang mahal? Nakahingi ka na ba ng tawad sa mga kasalanang minsan mong nagawa sa kanila? Nai-drawing mo na ba ang matagal mo ng pinapangarap na iguhit? Nakapunta ka na ba sa pinapangarap mong lugar? O kaya naman naka-inspire ka na ba ng kahit isang tao man lang sa pananatili mo sa mundong 'to?

'Di ba? Sobrang daming dapat gawin. Sobrang daming dapat ginawa mo ngayon kesa ipagpapabukas mo pa. Life's too short. Huwag kang masanay na puro na lang ipagpabukas nang ipagpabukas ang isang bagay na kahapon mo pa dapat ginawa. Paano pala kung one day wala ka ng kakayahang gawin 'yun?

Ang akin lang, ngayon narealize ko na dapat pala ineenjoy at the same time binibigyang kabuluhan natin ang buhay. Hindi lahat nagkakaroon ng pagkakataon na mabuhay ng ilang taon. Huwag sana nating sayangin at baliwalain.

Ang motto ko nga 'pag may gusto akong gawin eh YOLO You Only Live Once Isang beses ka lang mabubuhay at nasa sa'yo 'yun kung gagawin mo itong tama.

Tigilan na ang pagpapanggap, hindi ka magiging masaya kung all along eh nabubuhay ka lang bilang ibang tao. Huwag ng gagawa ng hindi kaaya-aya, nasira na nga buhay mo mapeperwisyo pa ang iba. Maging masaya ka, gawin mo ang mga bagay na nagpapasaya sa'yo, huwag kang magpadala sa komento ng iba as long as wala kang tinatapakang tao. Live your life the way you want it.

Life's too short. You only live once but if you do it right, once is enough.

×××

12:06 am.

HTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon