Chapter 1

40 3 1
                                    

"Please, Gene! Samahan mo na kasi ako!"

Pakialalahanan nga ako kung bakit ako nagkaroon ng kapatid na babae? Na ganito ka kulit?

Inirapan ko sya, "Ayoko nga sabi, Althea."

Nag pout sya, "Bahala ka nga, Kuya! Isusumbong kita kay Ate Carol!"

Napatingin ako sakanya, "Kinakausap mo parin si Carol?"

Tumango sya, "Syempre, girlfriend mo kaya sya!"

"Aish!" Tumayo ako sa harap nya, "Sabi ko sayo, hindi mo pwedeng agawin ang atensyon ng girlfriend ko diba?"

"Mas love kaya ako ni Ate Carol!" Binelatan nya ako.

Ang childish!

"Halika nga dito Al-" Hindi natuloy yung pag sasalita ko kasi biglang may nag doorbell.

*Ding Dong*

"Sandali!" Sigaw ko, "Pag bubuksan naman!"

Pinihit ko yung pinto at ngumiti sya sakin.

"Kuya sino ya- Ate Carol!" Sigaw nya at niyakap kaagad si Carol.

Tumingin sakin si Carol habang nakangiti at inirapan ko lang sya. Konti nalang ipag palit nya ako sa sarili kong kapatid. Ganyan ba talaga kapag babae?

"Ate Carol, si Kuya!" Agad nyang sumbong nung nakaupo na sa tabi ko si Carol.

Tiningnan nya ako, "Ano nanaman ginawa netong halimaw mong kuya?"

Aish! Anong halimaw?!

Inirapan muna ako ni Althea bago sumagot, "Ayaw nya akong samahan sa gig ng Royal Bloods!" Nag pout sya, "Idol ko kasi yun, Ate Carol! Wala sigurong idol si Kuya, kaya hindi sya marunong mag support!"

Umiling ako, "Ang sumbungera mong bata ka."

"Babe..." Tawag nya sakin, "Payagan mo na si Althea, madalang lang naman mag gig yung Royal Bloods na hindi restricted sa age niya."

"Nag kampihan nanaman kayo." I breathe.

Nginitian ako ni Carol at sumandal sakin, "Kung gusto mo samahan natin sya? Para narin may kasama sya pauwi."

Tiningnan ko si Althea at nag pplease sya, napabuntong hininga ako, "Fine. Pero sasama kami ni Carol sayo."

"Talaga Kuya?!" Tumayo sya sa couch, "Yes!! Makikita ko na sa personal si RhiRhi at Cess!!" Sigaw nya.

"Hoy Althea! Bumaba ka nga dyan!" Inirapan nya ako at bumaba sya sa couch at tumakbo sa kwarto nya para mag bihis.

Nag paalam muna ako kay Carol na magpapalit ako ng damit. Naka pambahay pa kasi ako, wala naman talaga akong balak umalis. Kailangan ko kaya ng pahinga, nakakapagod maging Civil Engineering student. Nag suot ako ng pants at white shirt. Bakit? Kailangan bang nakaporma duon?

Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa sala. Nakita kong nakatayo na si Althea at Carol.

"Bakit ka naka shorts, Athea?" Nakasimangot kong tanong. Babaeng 'to, pupunta sa gig naka shorts.

Inirapan nya ako, "Ewan ko sayo Kuya! Hindi na ako magpapalit! Pinayagan na ako ni Ate!"

"Pabayaan mo na, babe. Madalang lang yan." Ngumiti sya sakin at wala na akong magawa.

Wala eh, nagkampihan na!

Pinaharurot ko yung kotse papunta dun sa sinabing lugar ni Carol, dun daw kasi yung gig ng Royal Bloods. Nung nakapunta na kami sa Remulle Club, nagikot ikot ako para makahanap ng parking.

"Kuya, mauna na kami ni Ate Carol ha? Para may maganda tayong pwesto."

Lumabas kaagad sila ng kotse kaya binaba ko yung window ko.

"Hoy, Althea! Alagaan mo yang si Ate Carol mo!"

Nag okay sign lang sya at naglakad na sila palayo ni Carol. Napabuntong hininga ako, obsessed ata kapatid ko sa girlfriend ko. Halos thirty minutes akong nagiikot para makahanap ng parking. Buti nalang may umalis na sasakyan at nakapag park ako.

Bago pa ako makapasok ng club, may narinig pa akong sigawan. Baka mamaya mag nag aaway dito madamay pa ako. Dahil sa may Elite Card ako, kaagad akong nakakapasok sa mga gantong clubs. Kinuha ko yung phone ko at dinial yung number ni Carol pero walang sumasagot.

"Nasan na ba yung dalawang yun?" I grunted at nag simula ng maglakad.

Habang nag lalakad ako at palinga linga, may nakabungguan ako kaya napatingin ako sa nakabungguan ko. Mag sosorry na sana ako nung bigla nyang tinaas yung ulo nya at nakita ko yung mukha nya...

"Rhirhi?" I blurted.

Si Rhirhi, ex ko. Pero matagal na yun, kaya no hard feelings. Nakamove on na kaya ako!

Nakita ko yung gulat sa mukha nya, "G-Gene?"

Ngumiti ako sakanya, "Long time, Rhi! Kamusta?"

"A-ayos lang.... Ano... Anong ginagawa mo dito?"

Tumango ako, "Pupuntahan ko yung girlfriend ko."

Bigla syang napatingin sakin, pero kaagad din syang umiwas ng tingin.

"Are you okay?" Tanong ko sakanya nung nakita kong nag punas sya ng mukha nya.

Tumamgo sya pero hindi parin sya tumitingin sakin, "Y-yeah... I'm fine..."

Nakahinga ako ng maluwang, "Then, mauna na ako. Baka hinahanap narin ako ng girlfriend ko."

Tumango sya at naglakad na ako. Pero bago ako makalayo sa lugar nya, may sinabi syang hindi ko maintindihan.

"Goodbye.... Gene..."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon