[ 2.6.23]
Balikan naten ang umpisa na puro, ikaw at ako lang ang nasa istorya.
Tayong dalawa at ang lahat na masasayang alaala,naaalala mo pa ba?
Nung unang araw na nagtagpo ang ating mga mata,unang araw na, nakita kita.
Araw na di ko inaasahan na makikilala kita.
Makikilala ang isang tulad mo na araw araw magbibigay sa akin ng saya.
Sa bawat araw na kasama ka di,ko na kailangan ng iba,at hinde ko na magagawang maghahanap pa.
Tinuring kitang mundo na kailanman di guguho dahil sa sobrang,pagiingat at pagmamahal ko.
Ikaw ang nagsilbing tahanan at maging pahinga sa nakakapagod na buhay kung ito.
Ngunit isang araw ay bigla nalang nagbago,naligaw na ata tayo.
Naligaw dahil di na alam kung ano pa nga ba tayo?.
Tayo na,sobra sa pagmamahal at saya ay bigla na lang naglaho.
Naglaho dahil sa,
pagod ka na intindihin ako,ang ugali na aking nabago,Kaya ang lahat ng meron tayo ,nawala na ng tuluyan dahil sa kung anong ugali ang meron ako.
Tayo,na inakala ko ay hanngang dulo,matatapos lang pala sa salitang AYOKO NA DAHIL PAGOD NA AKO SAYO.
Mas mabuti na nga na bumitaw kesa naman pilitin kitang mahalin at intindihin ako.
Salamat mahal at naging tayo,Salamat at naging parte ka ng buhay ko.