25

30 1 0
                                    

SUHO's POV

Pagkatapos nilang marevive si Tiffany .
Nagising narin siya sa wakas.
Yung ibang blue team ay pinauna na ni Donghae hyung . At Ako , Jessica Noona , at Lay nalang ang nandito .

Pero nandito parin kami .

Para siyang nanghina na Ewan.
Gusto ko siyang lapitan , Pero hindi pwede dahilan Baka madismaya siya pag nakita ako.

Makalipas ang 5 minutes , sa wakas ay nagpasya na kaming lahat na bumalik sa lugar kung saan nagtipon-tipon yung mga tent namin .

Pero , mukhang hindi pa kaya ni Tiffany na maglakad . Nanghihina pa siya.

" Su-- I mean Lay , pwedeng paki-buhat si Tiffany hanggang makarating tayo sa tent namin? Please?"-Paghingi ng tulong ni Noona kay Lay.
Bakit hindi nalang ako?!

" A-Ah , eh . Sige Noona .. " -Lay

Tapos binuhat na ni Lay si Tiffany na nawalan ulit ng Malay . Sabi ni Jessica Noona , okay lang daw yun dahil pagod lang siya.

Argh! Gusto kong ako ang bumuhat kay Tiffany!
Ewan ko ba , kung bakit pati si Lay ay pinagseselosan kona!

Habang buhat-buhat ni Lay si Tiffany ay nasa likuran lang kami ni Jessica Noona.
Pinapanood sila.

" Hindi ba masyadong marunong lumangoy si Tiffany? Hindi ba siya nakakatagal sa ilalim ng tubig? " -Tanong sa akin ni Jessica Noona.

" A-Ah , Medyo nga po , Madali po siyang mawalan mg hininga pag nagtatagal sa ilalim. Hindi din po niya kaya yung masyadong mainit at maraming tao , Na so-suffocate po siya . " -Pagkwe-kwento ko kay Noona.

Nakita ko naman siyang napangiti.
Ewan , Pero may iba sa ngiti niya eh.

" Gaano mo siya katagal na kilala ? "-Noona

" May 5 years po kaming nagkasama. "

" Ahh. "

" Lay , Saglit ! " -tinawag ni Noona si Lay na medyo malayo na sa amin.
Tumigil naman ito at nilingon kami.
Agad naman namin siyang inabutan.

" Lay , Si Suho naman . Baka pagod kana .. " -Noona
Woah! Haha , salamat Noona ah!

" Ah sige Noona"-Lay
At agad binigay sa akin ni Lay si Tiffany.
Kung alam lang nila , na kanina ko pa 'to gustong gawin para sa kaniya .

JESSICA's POV

Nung tinanong ko si Suho kung natural bang ganoon si Tiffany , natuwa ako sa sagot niya.
Kasi napatunayan kong kilala niya talaga si Tiffany
At walang duda na naging sila .

Pero , naiinis din ako sa parte na malaman kong niloko lang niya si Tiffany
At alam kong nasasaktan si Tiffany hanggang ngayon dahil bumabalik balik parin yung ala-ala na iyon .
Pero , napapakiramdaman ko din na nasasaktan siya dahil nagseselos siya kasi Si Suho na at ang kapatid ko .
Nakita ko din , kung gaano nalang ang pagtitimpi niya na huwag mainis o magselos kay Sunny , nung nagsasayaw sila ng marry you .

Nakikita ko din naman sa side ni Suho , na nasasaktan din ito dahil nagiging masaya si Tiffany dahil napapasaya siya ng ibang lalaki.

At alam kong mahal ni Suho si Tiffany .
May dahilan lang talaga kung bakit niya nagawang saktan 'to dati .
at alam kong maayos pa nila to.

"Lay ... Maayos pa nila yan diba? "-Tanong ko kay Lay. Halata ko naman na nagulat siya sa tanong ko. Baka akala niya kasi hindi ko alam. Diba ngat nabanggit ni tiffany na alam nila Lay Chanyeol at Luhan.

We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon