Bitter
halos lahat ng nagiging bitter at hindi naniniwala sa poreber ay minsan na rin naging biktima ng pag ka sawi sa pagibig, tinorture at nasaktan ang puso.
sabi nila pumanget daw ako ng sobra dahil sa break up namin ng jowa kong haliparot
lagi na akong puyat kaya syempre di maiiwasan ang pimples at napakalaking eyebags na isang kilo ang timbang. naging dry na din yung buhok ko dahil tinamad na akong magpaganda hindi na ako nagpupulbo or naglolotion man lang, para san pa diba? wala na akong pagpapagandahan
yung jowa ko minahal ko siya ng totoo tapos ano? pineperahan lang pala niya ko at ang mas masaklap pa
bakla pala siya.
hindi ko nakikita sa kilos niya, lalaking lalaki talaga aba malay ko ba , hindi ko pa pala lubos siyang kakilala, nakilala ko lang naman kasi siya sa school last year kaya medyo bago bago pa kami sa isat isa. pero tinahak namin ang pinaka delikadong sitwasyon na kung saan ay masasaktan lang din naman pala kami- AKO sa huli. sa una lang pala yung mga masayang bagay sa pagibig.
kala ko forever na kami, pinagtatangol ko salahat na may forever, di na kami matitibag at nag sasabihan pa kami ng 1kHuw LhUnG Sxz4PhAt nUaH.
putang ina lang ah, hindi na ko naniniwala sa forever nung nagbreak kami.
sinigaw ko pa talaga sa rooftop namin na "WALANG FOREVER"
nandito ako ngayon sa park upang magluksa , at magsuicide, syempre joke lang , nandito ako para asarin ang mga magjowang naglalakad at nagbobonding dito, sa sobrang bitter ko ay lahat ng dadaan ay sinasabihan ko na mag bebreak din sila at bigla nalang magtagaka sila at iirapan ako bigla nung babae at sasabihan ako ng "palibhasa di ka maganda"aalis sa harapan ko
WOW AH hiyang hiya ko sa itsura niya, eh mas maganda pa ko sa kanya eh ng mahigit sampung paligo, siya ay isang tao pero naninirahan siya sa isang dagat, siya ay isang hipon!, hoy ate katawan lang ang habol sayo ng manyak mong boyfriend at iiwan ka na niyan kapag nakuha ka na niya.
pinabayaan ko nalang din kasi ako naman yung may kasalanan at pinangunahan ko sila.
malapit lang naman kasi yung bahay namin sa park, konting lakad lang ay tahimik na ang kaluluwa mo sa sobrang peacefull dito. at nakakawala ng konting stress sa buhay ko
may kumuha ng pansin ko at tinitigan ko lang ang magjowa na lumalakad sa harap ko at nung nakatalikod na sila at nakalampas na aykinuha ko na kaagad ang phone ko at pinipicturan ko sali na likod lang nila ang nakikita at magka-holding hands pa ang dalawa at tinutok ko ang cellphone ko at binuksan ang camera
pagtutok ko at paglagay ko ng dirty finger ko mula sa likod nila ay may biglang may tumawag sakin mula sa likuran ko.
"pst hoy miss, masama yan ah" sinabi niya sa akin at biglang hinablot ang selpon ko aba infairness ha! me-itsura si kuya ang kaso lang ay nangunguha ng gamit ng di kanya tss.
"hoy! kuya wala kang karapatan pagsabihan ako, hindi kita tatay!" habang inaabot ko yung cellphone ko sa likod niya ay patuloy ang paglayo ng kamay niya sa likod niya sa akin.
"Ayaw mo talaga ibigay ahh" pagbabanta ko
may nakita akong kotse ng pulis sa di kalayuan at bigla akong sumigaw
"MANONG PULIS TULONG! MAY MAGNANAKAW DITO OH!" mabagal at maarte kong sinabi
"shh wag ka ngang mageskandalo! " sabi niya habang tinatakpan niya ang bibig ko, tinatanggal ko yung kamay niya sa bibig ko
"KUYA TULUNGAN NIYO KO! DADALIN NIYA DAW PO AKO SA, ANO BA!" tinatakpan niya ang bibig ko "RARAPIN DAW NIYA PO AKO! TULONG!"may pa-acting acting pa kong parang nagpapaawa, best actress!
bigla kaming napansin nung dumaan at kinatok niya yung pintuan ng kotss at lumabas agad yung pulis upang makita kung anong nangyari, nang nahagip ng mata nung pulis kami na nagaaway at nagaagawan sa cellphone ko ay tumakbo na agad siya
habang papalapit na yung pulis pinagpapawisan na itong magnanakaw na ito. nanatili kami sa pusisyon na nasaharap ko siya at yung kamay ko ay inaabot yung cellphone sa likod niya, hindi ko maiwasan hindi dumikit sa balat niya, aba syempre! inaabot ko yung cellphone ko no! bagong labas na Iphone yun
"Oh anong nangyayari dito"
"siya po kasi-" pinutol niya ang pagsasalita ko
"uhm pasensya na po sa pagaabala, etong girlfriend ko po kasi eh napakakulit inaagaw sakin yung cp ko nagseselos po kasi sa text ko" may pakurot kurot pa ng pisngi ko.
"Ah sige kala ko naman kung anong nangyayari sa inyo, ngayon ko lang nalaman na may forever, bagay kayong dalawang magsama"aba si manong pulis naniniwala sa forever nakakaloka
aba natulala ako sa sinabi neto ah anong sabi niya? GIRLFRIEND? CELLPHONE NIYA? aba impostora pala tong si kuya ah kala mo kung sino di ko nga kilala kung sino siya
"WALA PONG FORE-" pinutol nanaman niya ko
"hayaan niyo po kami po magpapatunay na may forever" sinabi niya kay manong pulis ng nakangiti
matapos niya sabihin yun ay tumakbo na ako pauwi sa bahay namin at nagmukmok sa kwarto ko naalala ko nanaman ang ex ko ay napapaluha na ako.
-
may forever ba talaga?
meron o wala?<3