01

15 0 0
                                    


Gin H. Watson pov

nakaupo ako sa tapat ng kulay puting kabaong at nakapako ang aking paningin sa larawan ng isang lalaking nakasuot ng tuxedo na nakalagay sa gilid ng kabaong

mula dito ay inilipat ko ang aking paningin sa taong naupo sa aking tabi at yumakap sa akin

" mommy is still here gin, everything's gonna be okay I'm here- I'm here " wika nito sa pagitan ng pag iyak

" mom - don't cry " saad ko

napakurap ako ng mag iba paligid ngayon ay nasa madilim na kalye ako at naglalakad habang nakasuot ng uniporme

" anong ginagawa ng isang omega sa ganitong lugar? " saad ng matandang lalaki na may pahabang pilat sa kanang mata. naamoy kong isa itong alpha kayat  mahigpit akong napahawak sa strap ng aking backpack, napakagat ako sa aking ibabang labi ng lumapit ito sa akin at bahagya akong inamoy

" bata pa siya pero mapapakinabangan na natin yan" wika naman ng isa pang lalaki na may hawak na bote ng alak, tulad ng nauna isa rin itong alpha

" pwede natin yang ebenta sa black market sigurado akong pag- aagawan yan, lalo na ngayong kakaunti nalang ang race ng mga omega sa buong mundo " nanlaki ang mata ko ng makitang lumalapit sa akin ang lalaking may bitbit na kadena, malaki ang pangangatawan nito ngunit wala akong naamoy na scents dito na nagsasabing isa lamang itong beta

sa sobrang takot ko ay nabato ako sa aking kinatatayuan nais ko mang sumigaw at humingi ng tulong ay hindi ko naman maibuka ang bibig ko  kaya't wala na akong ibang nagawa kundi ang umiyak at pumikit na lamang

nakarinig ako ng mga malalakas na da-ing kaya't iminulat ko ang aking mata , nakita ko ang lalaking halos kasing-edad ko lang ngunit nagagawa na nitong patumbahin ang naglalakihang mga alpha at beta

napalunok ako ng lumingon ito sa akin at dahan-dahang humahakbang palapit sa akin

" are you okay? " tanong nito ng tuluyan na itong nakalapit sa akin

napansin ko ang galos sa pisnge nito, dumudugo din ang gilid ng noo nito

" are you okay? your bleeding" balik kong tanong dito

napahawak naman ito kanyang ulo at mababakas ang kirot sa mukha nito

nang matutumba na ito ay kaagad ko itong sinalo 

it's my fault kung bakit siya nagkaganito kaya't nakaramdam ako ng guiltiness

nagtataka akong napatayo mula sa pagkakaupo ng mapansing nag iba na naman ang paligid nasa loob na ako ng kwarto at nakita kong nakahiga sa kama ang lalaking tumulong sa akin kanina nakabenda na rin ang noo nito kaya't tumigil na sa pagdurugo ang sugat nito

napalingon ako sa pintuan ng pumasok ang babaeng may mahaba at kulot na buhok

" gin? tapos mo na bang lagyan ng cream ang pasa niya sa pisnge? " tanong nito kaya't napatingin ako sa hawak kong bilog na bagay

i bet ito ang cream na tinutukoy niya

" hindi pa - mom "  sagot ko

hinila ako nito at niyakap

" gin, how many times do I have to tell you na wag kang magpapa-gabi sa daan, rare nalang ang mga omega na tulad mo sa mundo kaya't maraming tao ang may masamang balak sayo, lalo na't wala kang scents ng alpha hindi sila matatakot na gawan ka ng masama " sermon nito habang hinahagod ang likod ko

" pahiran mo na ng cream ang pasa niya and don't forget to thank him, that little alpha saved your life "  paalala nito bago bumitaw sa pagkakayakap sa akin

MARKEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon