Chapter 15

347 5 1
                                    

Ang sabi ng doctor ay pwede na daw ibyahe si Ziah. Malakas na din siya at hindi naman ganun kalala ang sugat niya sa paa.

Napakakulit na din. Paborito niyang magtatakbo sa malawak na lupain. Masaya din palang may kasamang ikutin ang taniman. Dati kasi ay nababalot lang ako ng lungkot pag naglalakad ngayon ay puro tawa na lang dahil sa kakulitan ni Ziah.

Gustong gusto din siya ng mga tauhan. Kahit sila nanay ay nilalaro siya at binilhan pa ng basahan para daw doon magpagpag pagtapos kong paliguan. Napapangiti na lang ako sa pagiging bida bida nitong aso ko.

Naturukan na din si Ziah ng mga bakuna lalo na ng anti rabies. Ayaw kasi ni mama na dalhin ko sa bahay pero dahil prinsesa ako ay wala na silang nagawa.

Dahil sa excitement din ni papa ay binilhan niya si Ziah ng pang asong higaan at mga laruan para daw may gagamitin iyon pag nasa bahay na. Bumili din ako ng cage na sapat sa laki niya dahil baka magwala habang nasa byahe. May diaper na din na sapat sa size niya.

"Ang cute naman" bati ni nanay kay Ziah na nakasuot ng pang superman na damit. Bagay iyon kay Ziah dahil long legs siya at wala masyadong balahibo.

"Napakatalino niyang aspin na yan" bati naman ni Tatay.

Hindi ko rin maintindihan kung paano naging well trained si Ziah. Nung unang mga araw niya ay halos maiyak ako sa baho ng dumi niya pati ihi niya. Pero makalipas ang isang linggo ay bigla na lang siyang natuto dumumi at umihi sa may bakuran, malayo sa bahay.

Marunong na din siya ng mga basic na command gaya ng sit, down at shake hands kahit na di ko siya natetrain. Siguro ay may amo to dati kaya marunong siya.

"Ngayon ba ang alis niyo?"

"Opo" sinilip naman ni nanay ang sasakyan kong puno ng gamit ni Ziah sa likod. Tumawa lang siya at umiling.

"Akala ko dati ay mas gusto mong mag isa. Buti na lang pala dumating si Ziah" ngumiti na lang ako at tinawag na si Ziah na nakikipag laro kay tatay.

Nagpaalam na kami at umalis. Maaga pa lang ay gusto ko ng byumahe. Magdadrive lang kasi ako, ayaw kong mag eroplano dahil baka matakot si Ziah. Ayaw ko din naman na iwanan si Ziah dito sa bahay dahil walang mag aalaga sakanya kaya mas pinili kong magdrive na lang. Habang nasa byahe ay nagsosoundtrip lang kami.

Nakababa ang bintana para nalabas ni Ziah ang ulo. Mag iisang buwan pa lang siya sa akin pero parang ang tagal niya na sa akin. Medyo tampo nga si mama dahil hindi ko nasunod yung promise ko sakanyang uwi dahil kay Ziah pero naintindihan din naman niya dahil paborito na niya ang unang apo niya.

Napansin ko ang kulay black na suv sa likod ko kaya binusinahan ko na siya. Mabagal lang kasi ang takbo ko dahil gusto kong umiwas sa disgrasya. Mas okay ng matagal ang byahe kaysa maaksidente.

Nilabas ko ang kamay ko at sinenyasang mauna na siya pero nanatili lang nakabuntot sa likod ko. Hinayaan ko na lang dahil baka kagaya ko ay may pinoprotektahang mahal sa buhay.

Magtatanghalian na ng huminto kami ni Ziah sa isang kainan. Pet friendly siya kaya mas okay. Nakaleash naman si Ziah kaya walang problema. Tahimik lang si Ziah na nakatingin sa paligid at umaamoy amoy.

Nang makaupo na kami ay nag sit lang din si Ziah sa gilid ko. Nilabas ko naman ang handcarry niyang food bowl at nilagyan yon ng bottled water ko.

"Drink up Ziah" tahimik na uminom lang si Ziah. Malayo ang tables sa bawat isa at open area siya kaya nagpaalam ako if pwedeng pakainin si Ziah. Pwede naman daw kaya binigyan ko na ng dog food niyang nakapouch.

Sabay kaming natapos ni Ziah. Pang isang tao lang yung meal na inorder ko kaya madali kong naubos. Nang makapag cr na si Ziah at syempre sino pa ba dudukot kundi ako. Pagtapos ko maglinis ng tae niya ay nagpatuloy na kami sa byahe.

My Priscilla (Grandeza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon