Daydream: Me

296 2 0
                                    

Toink!!!!

Zzzzzzzzzzzzzzz

Toink!!!!

‘’Aray!!!’’

Binuksan ko ang mga mata ko at. . . .

‘’Ahmmm. . . . .sorry po.hehe.’’

Nakakahiya talaga, nagising ako dahil sa pagkakaumpog ko sa dingding ng jeep. Lahat sila nakatingin sa akin, nakakahiya talaga. Kahit siguro pula ang kulay ng ilaw sa jeep ay mahahalata pa rin ang pamumula ko sa sobrang hiya.

Nakababa na ako ng jeep pero nakatingin pa rin sila sa kin.

Dirediretso nalang ako sa paglakad palayo at binilisan ang lakad.

One word ‘’ nakakahiya’’.

Ako nga pala si Noel, 4th year, Business Management student.

Hindi ako palakibo at palaging tulala. Parang nanaginip ako ng gising na hindi ko mawari, marami kasi akong iniisip maliban sa aking pag-aaral e.

I had this feeling of being alone, parang sa dinami dami ng kakilala ko ay parang mag-isa pa rin ako. Yung pakiramdam na kulang ng sangkap para sumarap ang lutuin, yung feeling na wala akong malabasan ng sama ng loob dahil wala naman ako pwedeng sabihan, makausap at . . . . . mahanap.

Maraming nagsasabing loner daw ako pero hindi e, may mga bagay lang kasi na hindi ko kayang gawin o sabihin dahil sa takot kong mahusgahan, oo takot ako, takot na takot akong magkamali, kutyain o laitin, tuksuhin, pagtsismisan, kainisan, awayin at pagdudahan, takot sa lahat ng bagay na may kinalaman sa kahihiyan.

Umabot ako sa puntong naisip kong magpakamatay sa kahihiyan dahil lamang sa panghuhusga ng mga tao sa paligid ko. Dapat nga na hayaan ko sila pero hindi e, ginawa ako ng diyos na merong tainga na may matalas na pandinig at may mata na nakikita ang mga mapanlait nilang tawa habang nakatingin sa akin.

Bakit ganun?

 Parang wala akong kasama?

Bakit wala akong kakampi

 Bakit ako?

----------------/

DaydreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon