Daydream: Senti

45 1 0
                                    

Ang pag-ibig daw kapag pumasok sa puso ninuman ay hahamakin ang lahat masunod lang.

Hindi ako naniniwala dito pero parang. . . naniniwala ako?

Ang gulo

2nd year palang ako noon nung makaramdam ako ng paghanga kay Maja, sinubukan kong palipasin ang 1 taon kung pareho pa rin ba ang nararamdaman ko para sa kanya o hindi, upang mapatunayan sa sarili ko kung crush ko lang ba talaga siya o higit pa. Naguguluhan pa kasi ako noon dahil hindi ko pa nararanasan ang magkagusto sa isang tao.

Simple lang siya, tahimik at mapagmahal sa magulang. Siguro ay isang factor yung kung bakit ko siya nagustuhan, priority ko rin kasi ang pamilya ko kasama na siyempre ang aking pag-aaral. Hindi naman ako ganun katalino at hindi naman ganoon ka slow. Sakto lang, saktong pumapasa. Hahaha

So ayun at nagising na lang ako sa aking pagkakahimbing na. . . .mahal ko na siya.

I think two years is enough for me to know my true feelings for her

I love her, with all my heart and other internal organs. . hehe

Nabuo sa isip ko na magtapat sa kanya kapag malapit na kaming magtapos sa kolehiyo.

Tanga man isipin na baka maging huli na ang lahat kapag hindi ko pa ginawa iyon pero hindi ko kakayanin ang mangyayari sa aming pagkakaibigan pagkatapos kong magtapat at hindi naging maganda ang kinalabasan. Assuming lang ako na magkakaroon talaga ako ng pag-asa sa kanya pero kahit na ganoon ay wala naman mawawala sa akin. Actually madadagdagan pa nga,

sakit sa puso hahaha.

Wala naman kaming pera at mahirap lang kaming pamilya, kami lang dalawang ng kuya ko ang pag-asa nila papa at mama para makaahon sa hirap at mapagtapos sa pag-aaral ang aming bunso. Kaya kahit gaano ko pa kagustong maging kami ni Maja ay hindi pa rin pwede dahil sa takot ng mga magulang ko na maranasan namin ang nararanasan nila ngayon.

Idagdag mo pa na i’m not that “good looking” kaya lalong wala akong pag-asa sa kanya haha.

I only hope, but i never expect anything good na mangyayari kapag nagtapat na ako.

About sa pagiging pangit, that is true at hindi ito joke. Hindi naman ako sobrang pangit e, kaso yung itsura ko ay yung tipong hindi . . . hindi maipaliwanag. I suffered and still suffering from acne, dagdag mo pa ang mga chickenpox’s scars in my face. But that’s nothing compare to what will happen to me kung uunahin ko ang itsura at love life ko kaysa sa pag-aaral. Ayokong maging pulubi sa kalye ano, i want to have a decent life ahead of me at marami pa akong gustong gawin sa buhay ko liban sa pinapangarap kong “HACIENDA” hahaha.

But still, there is nothing wrong naman kung umasa ako di ba? At saka mas maganda ang magmahal kaysa sa mahalin. Tama ba? (Please don’t react to that violently aha.)

--------------------------------/

DaydreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon