Prologue

3 0 0
                                    

Prologue

Sa pagdaan ng maraming taon, marami na din ang nangyari.

Napapaisip ako 'kung tama ba na ganu'n ang nangyari o hindi. Iniisip ko na kasalanan nila iyon pero sa loob-loob ko alam 'kong may parte din ako sa pagkakasalang iyon.

Masaya na ako sa buhay ko ngayon pero minsan hindi ko maiwasang isipin ang nangyari noon. Lahat ng nangyari noon.

Ang pag-iyak ni Mama 'nung nalaman niya ang nangyayari at 'kung paanong nawala sa matinong pag-iisip si Papa dahil sa pagkamatay ng kaniyang nag-iisang kapatid, si tita Aruena.

Malapit sa amin si tita Aruena at pinakamamahal ito ni Papa, nag-iisang kapatid niya lamang ito at si tita Aruena 'rin ang nag iisang babae sa kanilang magpipinsan 'kung kaya't siya ay pinaka-iningat-ingatan.

Sa edad na bente otso ay namaalam ang aking tita at kasunod nito ay ang pagguho ng aming pamilya.

"Tijana!"

Sigaw ng 'kung sino sa likuran ko na siyang nagpatalon sa'kin.

Nilingon ko ito at nakita ko na si Raia lang pala iyon. Kahit kailan talaga itong babaeng 'to oh, sigaw ng sigaw kala mo na sa ibang baryo ako.

"Ano na naman, Raia? Sumigaw ka pa talaga, nakakarindi ang sigaw mo!" Singhal ko sakaniya pero nginitian lang ako nito at niyakap.

"Hay nako, Jana! May magandang balita ako para saiyo, tiyak matutuwa ka." Nakangiting aniya.

Ngumiwi lamang ako at tumayo na sa aking kinauupuan at nagtungo sa kusina upang kuhanin ang natirang pagkain kagabi sa ref.

Naparami kasi ang pagluto ko kahapon ng hipon at spaghetti kaya may natira pa, birthday ni Aya kahapon kaya naghanda kami kahit kaunti lang, para naman masaya siya sa kaniyang birthday kahit papaano.

Tinanggal ko ang takip ng nilagyan ko ng spaghetti kahapon at kumuha ng ng plato at tinidor at nagsimulang kumain.

Napatingin ako sa gilid ko at doon ay naupo si Raia na kumuha din pala ng plato at tinidor.

"Ano nga pala iyong balitang gusto 'mong sabihin, Raia at mukhang masayang masaya ka." Ani ko habang iniikot ang tinidor.

Tumigil siya sa pagsubo at nilunok niya muna ang kinakain bago magsalita.

"Ayon na nga, Jana, " Panimula niya.
"Naaalala mo pa naman siguro na nag text ang hospital na pinagtatrabahoan ko noon noong nakaraang linggo at may ipapadala raw na volunteer dito sa isla, hindi ba?"

Napatango ako at sinenyasan siyang magpatuloy.

Dating nurse si Raia sa isang kilalang Maynila pero nag resign siya noong nakaraang taon dahil gusto niya daw na tumira rito sa isla kasama ako. Napaka clingy talaga.

Hindi maalam ang mga tao sa center 'kung paano mag gamot dahil nga hanggang highschool lang ang iba rito at hindi na nagpatuloy pa sa kolehiya dahil sa laki ng gagastusin.

Isa si Raia sa tumutulong sa center ngunit kailangan niya ng kaagapay dahil dumadami ang pasyente at hindi na niya natutukan ang ibang pasyente 'kung kaya't noong nakaraang linggo ay laking tuwa niya ng mag text sakaniya ang kaniyang dating katrabaho na isa daw ang isa na aming tinitirhan sa padadalhan ng tulong at may mga volunteer daw na dadating.

"Guess what? Nandito na 'yung mga volunteer! Apat pala 'yung pinadala nila rito at ang isa ay bago pa lang sa trabaho at gustong tumulong kaya nag presinta." Nakangiting sabi niya.

Hindi ko maiwasang hindi matuwa dahil sa wakas may mga pumunta na rin rito para tumulong.

"Ganoon ba? Samahan mo akong mamalengke mamaya at paghahandaan na'tin ang mga bagong dating." Nakangiting sabi ko at tinapos na ang kinakain.

Tumango naman sa'kin si Raia.

Pagkatapos naming kumain ay naligo na ako para maaga kaming makapag-pamalengke.

Nagsusuklay ako ng buhok ng dumaan sa harap ko si Raia at inayos ang kaniyang suot na t-shirt.

"Nga pala, Raia, sino-sino ang mga volunteer na pumunta rito? May mga pangalan ba na binigay saiyo?" Tanong ko sakaniya at kinuha naman niya ang cellphone sa bulsa ng kaniyang maong na shorts.

"Oo, nagsend ng lista ng mga pangalan ng volunteers, heto oh." Binigay niya sa'kin ang cellphone at tumalikod para pumuntang kusina.

Marvin Perez
Male
29 years old

Felicia Tuazon
Female
27 years old

Harisson Santiago Jr.
Male
36 years old

Nanlamig ako sa huling pangalan na nabasa ko at hindi ko maiwasang makaramdam ng takot. Takot dahil baka mangyari ulit ang nangyari noon.

Zarino Montelban
Male
30 years old

Tangina, bakit? Alam ba niyang nandito kami? Alam ba niya?

Namuo ang luha sa aking mga mata.

"Jana, tara na." Rinig kong aya ni Raia.

Pinilig ko ang ulo ko at inangat ang tingin ko sakaniya.

Nangunot ang kaniyang noo at agad akong nilapitan.

"Okay ka lang ba?" Nag-aaalalang tanong niya.

Hindi ko siya sinagot at tiningnan lamang kaniyang cellphone. Napatingin siya doon at nanlalaki ang mga matang tumingin sa'kin.

Napapikit ako at bumuntong-hininga.

Hindi ko alam 'kung ano ang gagawin ko kapag nagkita kami ulit, hindi ko alam 'kung magpapanggap ba akong hindi ko siya kilala dahil alam ko na hindi iyon mag-aalinlangan na sabihin sa mga kasama niyang kilala niya ako.

Hindi niya puwedeng makita at makilala si Aya, hindi niya ako puwedeng makita.

Higit sa lahat ayokong makita ulit ang lalaking naging dahilan 'kung bakit unti-unting nawala ang pamilya ko at gumuhong bigla dahil sakaniya. Sakanila ng pamilya niya.

Sa pamilyang Montelban





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 10, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Our Story Ends HereWhere stories live. Discover now