Prologue

188 10 14
                                    

Sungit

Eto na naman ako, nagmamadali, tumatakbo. As usual.

Maraming tao sa SM North EDSA. At mahaba ang pila sa terminal ng jeep. Di ito nakapagtataka. Sa dami ng tao na nagshoshopping dito, akala mo ang yaman ng Pilipinas --yung tipo mong lahat ng Pilipino ay above sa margin of poverty. Ewan ko ba sa kanila. Di kasi sila tulad ko na ultimong 25c na lang tinatabi ko pa. Mahirap lang ako. As is. Hanggang sari-sari store at thrift shops lang ang kaya ko.

Malalate na ako sa part time job ko! Inis! Bakit pa kasi sa National Bookstore ako ng isang mall pumunta. Siksikan na nga, haba pa ng pila kapag bayaran na. Dios mio! Pumuputi na buhok ko sa kakahintay. Kala mo blockbuster movie na pinipilahan. Buti sana kung balat ko ang pumuputi, e di naging masaya pa ako. Hmpf! Inis talaga! Buti sana kung di marami bitbit ko. Mukhang lukot na lukot na nga ung mga cartolina.

Grabeee! 7:45pm na, di pa rin ako nakakasakay. Kung ako masusunod, sasaabit na ako sa jeep.

Ugh! Patay nanaman ako sa nanay ko. Nagtext ako sa kanya kanina pang 6pm na pauwi na ako. Ugh. Wala naman akong extrang pera para mag-taxi. Patay, patay, patay!

"Miss, Munoz po ba 'to?"

"Tingin mo?" Dinilatan ko yung nasa likod ko.

"Sungit mo naman."

"Uhh." Hala, natameme ako. Ang cute ni kuya. Maputi, matangkad at matangos ang ilong. Mukha syang may foreign blood. Bonus ang twin dimples na sa pisngi. Wah! Sarap pisilin.

Inirapan ko sya. "Excuse me, mataray ako, di masungit."

"Menopausal pa ata..." bulong nya sa sarili. 

I heard that, gusto ko sana sabihin, pero lintik, ayoko na. Makikipag-away pa ba ako, e Friday na? Dapat ba sya ang paglabasan ko ng bad vibes ko for the day. Mukhang tanga lang. Kawawa naman si Cute Guy.

"Munoz to," sabi ko, sabay talikod sa kanya.

Hay naku. Zyca, umiiral na naman ang pagka-loca mo. Bitter lang kasi. Kaya walang nanliligaw sa'yo. Lahat ng lalaki, natatakot sa'yo. Daig mo pa godzilla. 

Tsk. Mukhang seryoso nga ang matagal ko nang kinakatakot. Never ako magkakaboyfriend. Tatanda akong dalaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

dysFUNctionaLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon