PROLOUGE:
Third Person's POV:
"Hindi mo ako mahahabol. Bleh! Hahaha" Sabi ni Lei. Tumatakbo ito habang humahagikhik.
"Maghintay ka lang dyan, Lei! Mahuhuli rin kita! Hahahaha" Sambit ni Maya habang tumatakbo at tumatawa rin.
"Maya, Lei! Halina kayo dito at mag meryenda muna kayo" Sigaw ng isang ginang dahilan para mapatigil ang dalawang bata sa paglalaro.
"Wait lang po, Mama!" Sigaw ni Maya upang marinig ito ng kaniyang mama.
"Tama na yang kakalaro niyo dyan at hapon na. Paniguradong amoy araw na naman kayong dalawa." Sabat naman ng papa ni Maya.
Mulung nagsalita ang mama ni Maya.
"Bilisan niyo na dyan at baka lumamig iting champorado. Bahala kayo, kami ang uubos nito" Bigla namang kumaripas ng takbo ang dalawa papunta sa loob ng bahay.
Pagpasok nila sa loob ng bahay ay sabay silang napapikit at nilanghap ang amoy ng champorado na niluto ng ginang. Patakbo silang pumunta sa lamesa at nagpaunan pa sa isang upuan.
"Ako dito, Lei. Dun ka na sa kabila!"
"Ako ang nauna rito kaya ako dito"
"Wag na kayong mag-away na dalawa diyan." Kinuha ni Alicia ang isang upuan at itinabi iyon sa gilid ng upuan na pinag aagawan nila.
"Maya, dito ka na maupo. Bisita naman natin si Lei kaya pagbigyan mo na sya"
"Sige na nga po, Mama" Nakangusong tumayo si Maya at lumipat sa bakanteng upuan.
Pagsulyap nito sa kaibigan ay biglang dumila si Lei. Napa-cross arms nalang si Maya habang nakanguso pa rin ito.
"Pasalamat ka love kita." Sambit ni Maya
"Love din naman kita, Maya eh" Sagot naman ni Lei sabay yakap sa kaibigan.
"Oh sya kumain na kayo dyan bago pa yan lumamig"
"Thank you po sa masarap na champorado" Sabay na sinabi ng magkaibigan.
Masayang nagtatawanan ang magkaibigan habang kumakain. Ang mama at papa naman ni Maya ang nakaupo lang sa salas habang nanunuod ng movie.
Di pa man sila tapos sa kinakain nila ay napatayo silang dalawa dahil amy narinig silang ingay sa labas ng bahay. Maging ang mag-asawa ay hinawi ang kurtina sa likuran nila at sinilip kung ano ang nangyayare sa labas.
Agad namang lumabas ang dalawang bata dahil akala nila ay may kung anong kasiyahan doon dahil nagtatakbuhan ang mga tao.
"Maya, Lei, bumalik kayo dito" Utos ni Alicia. Pero parang bingi ang dalawa dahil dire-diretso pa rin sila sa paglalakad.
Tuloy-tuloy pa rin sa paglalakad ang dalawang bata. Wala namang nagawa ang mag-asawa kaya sinundan nalang nila ito. Hanggang sa makarating sila sa isang malaking punong tinatawag na 'Florin'. May taas itong walaong talampakan. May malalaking ugat na gumagapang sa lupa. Meron din itong malalaking at mahahabang sanga na napapalibutan ng napakaraming dahon. Nakakatakot itong tingnan at kapag napalapit ka dito ay maaari kang ma-kontrol nito.
"Teka, diba wala namang ganito puno dito? Paanong--"
Hindi natapos sabihin ni Alicia ang sasabihin ng bigla niyang maalala ang nangyari kay Maya at Lei dalawang taon na ang nakakaraan.
"Alicia" banggit ng asawa nito sa kanyang pangalan dahilan para bumalik ang isipin sa nangyayari. "S-si Maya...
Dahan-dahan nagbaling ng tingin si Alicia sa direksyon nig dalawa. Nakalutang sa ere si Maya habang sinasakal ito ni Lei. Napatakip na lamang sa bibig si Alicia at unti-unting pumapatak ang mga luha nito.
----
Title: The Red-Eyed Girl
Written by: Evieee
Genre: Mystery, Romance, Fantasy
YOU ARE READING
The Red-Eyed Girl
FantasyMy name is Maya. Short for Mariah Alia Ysabel Abelano. I can see ghost. Lalo na kapag hindi ko suot ang salamin na bigay sakin ni papa. At malalaman kong may kaluluwang ligaw sa paligid kapag biglang nagbago ng kulay ang kanang mata ko. How funny ri...