Rain

32 1 0
                                    

Papalabas na sana ako ng gate nang may humarang sa akin. Lumaki ang mga mata ko sa nakita.

"Rain!!!" Sigaw ko at niyakap siya ng napakahigpit at ganoon din siya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Rain!!!" Sigaw ko at niyakap siya ng napakahigpit at ganoon din siya. "Namiss kita" bulong ko sa kanya habang magkayakap kami. "Namiss din kita" sagot niya at kumalas sa yakap naming dalawa.

"Ikaw ha! Hindi mo man lang ako ininform nadarating ka. Sana nakapaghanda ako." Utas ko sabay pout. Kababata ko si Rain. Araw araw kaming naglalaro sa labas ng bahay nung maayos pa ang buhay ko pero nang mag hiwalay sila mama at papa saka naman sila umalis papuntang England. Hindi na ako nakapagpaalam kasi nung araw na aalis sila ay 'yun din ang araw na umalis si mama. Andoon ako sa bahay kasi nagkakagulo na sila. Simula nung araw na 'yun ay hindi na kami nagkita o kahit nakapagusap man lang. Ito ang unang pagkikita namin simula nung araw na 'yun kaya ganoon nalang ang reaksiyon ko nang makita ko siya. At ito rin ang unang beses na naging masaya ako. Kahit ngayon lang.

"Hoy!"Sigaw ni Rain kaya nabalik ako sa realidad. Ang sakit naman nun. "Ano ba ba't ka sumisigaw?" Tanong ko sakanya habang hinihimashimas ang tenga.

"haay nako. Hindi ka lang pala pangit bingi karin pala. Hahaha."pangaasar ni Rain. "Deretsuhin mo na nga lang ako. Ano ba kasi ang sinabi mo? Para matapos na. Tsk" usal ko at nag cross arms. Imbis na sagutin ako ay sa halip ay hinatak niya ako palabas. Oo,hatak ang term ng ginawa niya.

"Oy,saan ba tayo pupunta? Baka matagal 'yan ha? Hinihintay pa naman ako ni papa sa bahay." Sabi ko habang hinahatak ako ni Rain papunta sa kung saan kami papunta. Haay nako, Rain. Hindi ka parin nagbabago. Parati mo parin akong pinapasaya. Hindi ko na nga napansin na naging jolly ako kanina. Nagtaka siguro 'yung mga estudyante doon. Kung bakit ang isang katulad ko ay naging masaya at jolly. Biglang sumagi sa isipan ko ang mga kahihiyan at mga masasamang alaala na pilit at gustong gusto ko nang kalimutan. Kailan kaya ako makakaalis sa masamang bangungut na ito. Gusto ko na sanang maging malaya. At masaya.

"Hoy! Kanina ka pa ha? Ang tamlay tamlay mo tas ang lalim pa ng iniisip. Sabihin mo nga sa akin. May problema ka ba?" Nagaalalang sambit ni Rain. "Hindi wala. May long Quiz kasi kami bukas. Ni-rereview ko lang ang mga sagot. Wala akong problema" lang ang sagot ko. Nagduda pa siya kung totoo ba ang mga sinabi pero kalaunan ay naniwala naman ito.

Pumunta kami sa isang kainan na may kamahalan din. Richkid kasi 'tong kasama ko eh. Pagkatapos naming kumain ay nagkwentuhan naman kami. Kung ano ano ang kinukwento niya. Tungkol daw sa mga kaklase niyang ubod sa kabaitan mga ganoon ba. Ako naman nandito lang nakikinig sa kanya. Wala naman akong magandang pangyayari na maikuwe-kuwento ko sa kanya dahil wala namang nangyaring maganda sa buhay ko simula nang masira ang buhay ko.

"Oo nga pala. Kamusta sila Tito Paul at Tita Teresa? Ok lang ba sila?" Natigilan ako sa tinanong niya. Hindi pa pala niya alam ang nangyari sa pamilya ko. Ewan ko ba kung handa na akong i open up sa kanya ang lahat. Kasi kung ikuwe-kuwento ko ito baka bumalik lang ang sakita at bangungot na pilit kong kinakalimutan. Napabuntong hininga ako bago ako sumagot sa tanong ni Rain.

"Wala na sila. Hiwalay na simula nung umalis ka" nanlulumo kong sagot. Kahit pilit kong pigilan bumabalik parin ang mga masasakit na alaala na kasama ko 'yung babaeng 'yun. Hindi ko talaga siya mapapatawad. Halata namang nagulat si Rain at kitang kita sa mata niya ang pagaalala.

"Huwag ka ng magalala. Matagal na 'yun at kinalimutan ko na siya" Sabi ko ng mahinahon.

"Bakit? Anong nangyari"tanong niya. Ito talaga yung ayaw ko. 'Yung may magtatanong sa akin kung anong nangyari sa pamilya ko.

"Sa tingin ko, Rain hindi pa ngayon ang tamang panahon na sabihin ko sa'yo ang lahat ng nangyari. Dahil pilit ko mang itago. Nasasaktan parin ako." Tumango tango naman siya at a tingin ko naiintindihan naman niya ako. Pero bakas parin ang lungkot sa mga mukha niya.

Alam niya kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon. Kilalang kilala na ako ni Rain dahil nasa sapupunan pa lang kami ng mga nanay namin ay magkakilala na ang mga magulang namin. Sabay nga kaming pinanganak eh. Hanggang sa paglaki namin magkasama na kami. 'Yung mga panahon lang na mag sasampung taon na kami, doon lang nag-iba ang ihip ng hangin dahil nagaaway na ang mga magulang namin sa hindi malamang dahilan. Biglang nalayo kami sa isa't isa at nalaman ko lang na aalis na siya nang pumunta ako sa bahay nila na umiiyak dahil iniwan na kami ni nanay at pagdating ko doon umalis na sila papuntang England. Hindi man lang ako nakapagpaalam. Simula ng araw na iyon pakiramdam ko tinalikuran na ako ng mga taong mahalaga sa akin. Pakiramdam ko noon wala na akong kakampi. Simula din ng araw na iyon. Nagkadeleche leche na ang buhay ko. Nawala lahat ng negosyo namin dahil a pagkakabaon namin sa utang. Bumili pala si mama ng 50 jewelries para sa kanya at hindi pa niya nababayaran 'yun at dahil si papa ang asawa ni mama, siya ang nagbayad ng lahat ng 'yun. Binenta ni papa ang lahat ng shares niya sa kompanya namin na binuo pa ng mga lolo at lola ko. Kaya ayun sa marangyang buhay na meron ako dati naging isang hampas lupa nalang kami ngayon. Dati sikat na sikat ako sa school namin, ngayon halos ituring na nila akong basura sa school. Hindi pa natatapos ang kamalasan ko dahil nalaman kong kaya pala nakipaghiwalay si mama ay dahil sa bestfriend ni papa na nang-ahas sa kanila ni mama. Nabuntis si mama sa bestfriend ni papa at mas pinili niya si Tito Leo kesa kay papa. Ang masaklap pa nakita ko sila sa mall ni Mama na may anak na at lima na sila. Nakita ako ni mama doon at hindi man lang niya ako nilapitan kundi nilagpasan niya lang ako. Bakas sa mga mata niya ang saya. Nasaktan ako ng sobra dahil kamakailan lang sa amin siya humuhugot ng lakas. Kami ang sandalan niya sa lahat. Kami ang nagpapasaya sa kanya. Kami ang pamilya niya......

Sa isang iglap nawala 'yun. Akala ko tapos na ang kamalasan ko pero hindi pa pala. Dahil nakulong si papa ng limang taon sa paggamit mg droga. Napilitan akong tumira sa mga tiyahin ko at hindi maganda ang dinanas ko sa mga kamay nila. Hindi nila ako tinuring na kapamilya dahil ginawa nila akong alipin. Hindi nga ako makapaglaro kasama ang mga pinsan ko dahil isang alipin daw ako at sila ang amo ko. Kaya hindi pwedeng maging magkaibigan ang isang alipin at amo. Ang alipin ay alipin. Ang amo ay amo. Langit sila, lupa ako. Lahat ng 'yun napagdaanan ko na. Wala na akong nararamdaman kung apiapihin man ako ng mga taong nasa paligid ko dahil sanay naman ako eh.

Malabo na akong masaktan kung ang totoo ay matagal na akong nasasaktan

Iyan ang dahilan ko kung bakit ayokong i open up ang ganitong bafay dahil sa sobrang sakit na naidudulot nito sa akin. Ewan ko ba pero masakit parin eh parang kahapon lang nangyari.

At dahil narin sa mga pinagdaanan ko hindi ko na nagawang pahalagan ang sarili ko dahil sa sitwasyon ko ngayon isang tao lang ang umiikot sa isip ko at iyon ay si papa. Kung ako man ay nahihirapan hanggang ngayon paano nalang  kaya si papa na doble ang sakit na nararamdaman? Ang gusto ko lang sa ngayon ay nagkaroon kami ni papa ng maluwag na buhay.

Agad na iniba ni Rain ang topic namin at ginawa niyang tungkol sa paglipat niya sa school namin. Masaya ako na sa school ko na pinapasukan siya magaaral pero nagaalala parin ako na baka pagiinitan na naman ako ng mga kaklase ko kung palagi kong kasama si Rain. Si Rain kasi yung napapabalitang bagong transferee ng school na isang model. Sikat siya kaya siguradong ayaw ng mga palaka kong schoolmates ang makipagsalamuha ako kay Rain o sa ibang ka schoolmates namin.

"So kailan ka papasok? Bukas?" bigla kong tanong para naman makahanda ako.

"Oo at pareho tayo ng kurso!!!" Sigaw niya.

Patay.

-----------------------------------
A/N: Haay salamat naka update na naman ako ng isa pang story. Salamat sa mga nagbabasa!!!

Vote....

Comment....

Keep supporting....

Enjoy!!!!

The Broken NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon