Chapter 1

20 1 0
                                    

First.

***

*KRRRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINGGG!!*

Isang napakahaba at napakalakas na ingay ang nagpagising sa diwa ko. Awtomatiko namang hinagip ng aking kamay ang alarm clock sa may side table habang nakahiga pa rin at naghihikab.

"5:30 ??!"

Napasambulat ako at napabangon nang makita ko ang oras.

"Bakit ang aga naman ata ng alarm ko? Ano ba yan..."

Ipinatong ko na lang ulit sa table ang alarm clock at kinuha ko naman ang cp ko.

"Oh.My.Gosh!" Napatakip ako sa bibig ko.

"Birthday nga pala ni Mama! Kelangan ko ng magluto."

Sabay tayo ko at labas ng kwarto. Dumeretso muna ako sa banyo para gawin ang mga pang-umaga kong seremonyas. Pagkatapos niyon ay lumabas nako. Sinampay ko muna ang hawak kong twalya at sinimulan na ang aking dapat gawin.

Karne - ✔

Carrots - ✔

Repolyo - ✔

Beans - ✔

Bawang, sibuyas - ✔

Pansit - ✔

Condiments - ✔

"Kumpletos. Rekados."

Tadtad dito .. Hiwa doon .. Luto, luto ... and Hola!!

Luto na ang aking Pansit Bihon Pansit Mike ala Mama. Haha. Nakakatawa ba yung pangalan ng recipe ko? Paborito kasi namin to ni Mama.

Matapos kong ibalot ang mga pagkain, naligo na 'ko at nag-ayos. Bago ako umalis, siniguro ko munang nakakandado ng maayos ang bahay at gate. Mahirap na. Uso ngayon ang nakawan.

Habang nag-aantay ako ng jeep, naalala ko yung sticky notes ko.

"You're still the best Mama in the world♥♥"

Yan ang sinulat ko at naghanap ako ng pwedeng makapitan kaso sakto namang may padaan ng jeep kaya naisipan kong sa jeep na lang ikapit ng palihim. Mabuti na lang at iilan kaming sakay kaya malaya ko itong naikapit. Sinandalan ko na lang yung note para di muna nila makita.

Matagal ko na tong ginagawa. Siguro, first year high school pa lang ata ako. Ewan ko ba kung bakit naisipan ko tong kalokohang ito. Masaya kasi eh. Medyo nababawasan yung bigat sa loob kahit papano.

***

Chaka. Sorry po.

Is Love Enough?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon